Chapter 14: Questions

37 0 2
                                    

Chapter 14: questions

[Sarah’s POV]

“Bakla wala ka bang balak mag girlfriend?.. pano ka pag tanda mo? Sinong mag aalaga sayo? Hindi ba malungkot yun?”

“dami nung tanong naten ah. Kapag sinagot ko ba yan..mananalo ako ng isang milyon?”-jayson

“hindi ka matino kausap.. hmp.”

“dali na kasi.. dami mong sinasabi jan..tulungan mo na ko dito isusubmit  na namin to bukas”jayson

“bakit kasi ngayon mo lang gagawin? Shunga ka talaga.. siguro inuna mo pa ang panglalalake..”

“alam mo umalis ka na.. ayan oh pinto.. malapit lang sayo. Isara mo paglabas mo. Bwisit na babae to. Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa kauri ko”-jayson

Nandito kasi ako ngayon sa bahay nila.. nagpapatulong kasi tong tamad na to sa project nila. Ang shunga kasi.. ngayon lang gagawa.

“bakla!”

“mmmm..” sabi niya habang nag gugupit na cartolina

“hindi ba masyadong mabilis?”

“eh wala ka pa ngang nauumpisahan sa mga pinapagawa ko sayo tapos sabihin mong mabilis”-jayson

“SHUNGA!  Hindi ito.. yung amin ni Daniel..”

“bakit may kayo ba?! Ikaw bakla ah.. simula nung nagbreak kayo ni matt.. hindi ka na nagoopen saaken. I’m sad tuloy”-jayson

Naalala ko.. hindi ko pa pala nasasabi sakanya.. patay ako neto.

“nanliligaw na kasi siya.. ewan magulo eh. Pero hindi pa naman niya sinasabi saken na mahal niya ko. Pero naiintindihan ko naman yun kasi nanliligaw palang siya.”

“HUWAT IZ DA MEANING OF DIZ!..NANLILIGAW NA SIYA! KITA MO YAN.. ANO  PANG KAGULAT GULAT NA BALITA ANG IPAPARATING MO HAH.. NA BUNTIS KA AT SIYA ANG AMA?! OW MAY GAD SARAH.. SINUKO MO NA ANG BARANGGAY AKALA KO BA SABAY TAYO?- sabi naman niya.. as in sumisigaw na talaga siya

hinampas ko naman siya na napakalakas

“agad agad?  Peebeebee teens?!  O.A mo ah.. tsaka wala akong sinabing sabay tayo, hindi ko maimagine, yuck!.. wag nga madumi ang utak.. pwede? Tsaka hinaan mo nga yang boses mo. Magising pa yung lola mong rinarayuma!”

“wag mo ngang dinadamay ang lola ko sa usapan naten.. pano ba nagstart ang lahat ng iyan.. it means wala na kong pag asa kay papa Daniel.. huhuhu” jayson

“magkwekwento ako.. o papanoorin na lang kitang mag drama jan”

so ayun.. kinuwento ko sakanya lahat lahat.. mula nung may bet hanggang sa nangyari nung umulan yung tungkol kay natalie.

“so ako pala ang dahilan.. kaya nanligaw siya..kasi lagi kitang iniiwan sakanya..”-jayson

“yep! Kuha mo bakla!”

“tama yung kutob kong wag kang iniiwan sakanya eh.. kasi aagawin mo siya saken.. bwisit yang Natalie na yan ah.. pag nakita ko siya titirisin ko siya!”-jayson

“so ano bakla.. masyado bang mabilis?”

“ah…. Ewan ko. Ikaw naman yan eh. Puso mo naman yan. Tsaka wag mo kong tanungin niyan. Kasi kung ako din ang nasa posisyon mo.ay naku! Go go ako agad.. si Daniel na yan eh.”- sabi niya with feelings

“isawalang bahala muna natin ang pagnanasa mo sakanya hah.. isipin mo muna ang bestfriend mo kung ano ba ang tama para sakanya..”

“kasi bakla.. nasa sayo yan.. sabi ko nga db? puso mo yan. Timbangin mo kung handa na ba ulit magmahal yan. Remember bakla.. nabasag yan noon. Tignan mo kung si Daniel na ba ang bubuo ulit niyan. Pero kasi.. nabasag na eh kahit mabuo man yan may crack padin yan. kaya dapat yung taong magbubuo niyan tanggap ka niya, tanggap niya yang puso mo at yang nakaraan mo. Siguraduhin mo din na kung papasok ka ulit sa isang relasyon.. handa ka na. ang pogi masyado ni papa Daniel para maging panakip butas. Malay mo, nakikita mo lang si Daniel kasi gusto mong takpan yung sakit jan sa puso mo. Yun pala lalabs mo pa si matt. Hindi band-aid si Daniel okay?.. sasagutin mo siya kasi mahal mo siya. Kung confuse ka pa hanggang ngayon. Aba! Wag muna lumandi” sabi naman ni jayson na seryoso

papa jack ikaw ba yan? Sinaniban mo ba yung kaibigan ko?”

Hinampas naman niya ko

“ngayon na nga lang magseseryoso.. lolokohin mo pa.. o db may point ako?”

“bakla.. sana lalake ka na lang. alam mo kapag naging lalake ka, ang gwapo mo.. siguro ikaw na ang mr. right guy ko.. kaso gay ka eh. Hindi naman pwedeng mr. Right gay.” Sabi ko naman na mejo natatawa.

“bwisit ka! Uwi na uwi..” –jayson

"bakit ka namumula?.....type mo ko noh? sabi ko na nga ba eh. kaya minsan nahuhuli kitang nakatitig saken eh"

"sarah.. kinikilabutan ako sayo!.."-jayson

“hehe.. joke lang. ito naman.. bakla.. last question.. “

“ano na naman.. kanina ginagawa mo akong papa jack.. ngayon naman baka madam auring na.”-jayson

“diba may kapatid ka? Asan na siya?.. mula nung magkaibigan tayo. Hindi mo pa ko pinapakilala sakanya”

“ewan ko.. baka asa Jupiter, mars, Pluto..baka asa sun.. nasunog na.. daming tanong.. wala na tayong natapos”jayson

Hindi na ko naghintay ng matinong sagot. Kasi alam kong kahit kalian walang lalabas na matinong sagot jan

natapos naman kami ng mga 9.. umuwi na ko. Nagtext na si mama eh.

Habang nakahiga naman ako sa kama ko.. iniisip ko yung mga sinabi ni jayson

Panakip butas lang ba si Daniel?

Band-aid lang ba siya?

Seryoso ba si Daniel saken? Paano kapag pinaglalaruan lang niya ako. Yung ibang babae nga na mas maganda saken.. nakaya niyang paglaruan. Ako pa kaya.

mahal ko pa ba si matt?

Naka move on na ba ko? Paano pag in denial lang ako?

May kapatid ba talaga si jayson?

Paano pag lalake pala si jayson? Ay ! sarah! bakit ko naman naisip yun.. pinalo palo ko naman yung ulo ko. Mamaya mapanaginipan ko pang hinahalikan niya ko. Eeeew!

Sana pag gising ko.. alam ko na ang mga sagot……

Mr. Right Guy. SERIOUSLY??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon