1://

166 7 1
                                    

“Maganda ka. Matalino, maasikaso, maalalahanin, at masarap pang kasama. Maswerte talaga ako na nakilala ka. Kaya nga may ipagtatapat ako sa’yo. Yendi kami na ni Sapphire!”

Limang oras na rin ang nakalipas simula nang nagtapat sa’ken si Luke. Masaya na sana, kaso hindi kasi ‘Yendi’ ang narinig ko, kundi ‘Sapphire’.

“Yendi naman kasi e. Para namang wala kang natutunan sa mga movies nina Marvin at Jolina” Bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang picture namin ni Luke noong Valentines. Kasiping ko lagi ang ibinigay nya sa akin na life-sized turtle na valentine gift nya sa’ken. Maging ang natuyo na boquet of roses at mga balat ng chocolates at nakatago pa rin.

Parang gumuho ang mundo ko nang magtapat sya sa’ken. OO, siya na halos ang mundo ko. At kahit alam kong ma-fifriendzoned ako in the end, tinuloy ko pa rin ‘tong so-called “kalokohan” na ‘to. Umasa pa kasi ako na baka mangayri sa’ken ang kwento nina Bogs sa Paano na kaya. Ansakit pala, tagos hanggang second life ko.

FLASHBACK . 10 months ago .. ..

Nasa labas ako nun, naglalakad-lakad at nagpapaantok na rin. Habang naglalakad, nakita ko sya sa malayo. Nakaupo sya na nasa ulo ang dalawa niyang kamay at nasa may parteng tuhod ang kanyang mga siko. Naiilawan sya ng dilaw na bumbilya ng isang poste na malapit sa kanya. Mistulang silhouette nang akin siyang nakita.

PAWISAN.

PAGOD.

BALISA.

Tila katatapos lang niyang umiyak sa kanyang asta. Nakaitim siyang sando at cargo shorts. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko, pero hindi ko alam kung bakit nabatubalani nya ako at sa kanyang gawi ako papunta.

“Iiyak mo lang. ‘wag kang mahihiya” Iyan ang una kong mga salita na binitawan sa kanya. Tinabihan ko sya sa kanyang pag-iisa.

At siya’y tumunghay sa kanyang katayuan kanina. Saka ko lamang nasilayan ang kanyang mukha. Tinamaan ng. Naka-side view pa lamang siya ay di na maipagkakaila ang kanyang kakisigang taglay – kakisigan na tila ba kayang magpaiyak ng daan-daang kababaihan. Pero bakit siya ata ang pinaiyak? 

Tiningnan nya ako sa mga mata. Tinamaan na nga talaga o. Ang ganda ng mga mata nya na na bumagay sa makapal nitong kilay at mahaba nitong pilik-mata. Pababa naman sa ilong niyang tila napakaperpekto ng pagkakakikil dito. Isama mo pa ang mamula-mula nitong labi. Wala akong makita na tigyawat man lang sa kahit anong anggulo ng kanyang mukha. At naka-sando pa sya. Para siyang latino sa mexicanovela na sinusubaybayan namin ni Manang. Napakakisig niyang tingnan kahit may tumutulo pa ring mga butyl ng pawis sa mukha nya.

“Baka ito ang karma ko” at narinig ko rin ang boses nya na kaylamig. Lalaking lalaki ito at halata naman sa developed na adams apple nito. Ooh ~~

Kinuha ako ang panyo ko at inalok ito sa kanya.

 “Magpunas ka muna ng luha mo” at iniabot ko asa kanya ang panyo ko.

“nakakahiya naman. Ke-lalaki kong tao tapos nakikita mo akong umiiyak” sa kanyang pagsasalita ko lang nasilayan ang perpekto rin niyang mga ngipin.

“Kunin mo na. Ayos lang” at kinuha nya ang hawak kong panya. Pinunasan nya ang kanyang pawisang mukha. 

“Okay na ba?” at tumingin sya sa aking gawi. Wala na ang pawisan niyang mukha, pero nababakas pa rin rito ang lungkot na kanyang pinagdadaanan. Tumango na lang ako ng dawalang beses.

“Magkwento ka.” Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa malayo.

At nagkwento sya. Parehas kaming nakatingin sa malayo. Nakasanadal sya habang nakatingin sa kalangitan habang sinasalaysay sa’kin ang kwento ng buhay nya habang ako ang tagabigay ng mga side-comments.

Fourteen Days with Mister BookwormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon