A/N: This story was written for NOYPI's group writing acitivity. I started the outline and @tatalina wrote most of the beginning at yung middle part and I edited it a bit wrote the ending. Hindi siya naisama sa competition kasi hindi siya romcom.. Hahaha! Anyway share ko lang sa inyo. sana magustuhan niyo, kung hindi pakisabi kung bakit... seriously I welcome constructive criticism.
Rose
Marahang umihip ang hangin ng hapong iyon. Palubog na ang araw at dahan dahan ng nagingay ang mga kuliglig sa paligid. Napabuntong hininga si Rose habang umuupo siya sa luntiang damuhan. Inilipag ni Rose ang baon niyang rosas sa semento.
Sinindihan niya ang kandila na iniwan niya tatlong araw ng nakalipas. "Kelangan ko ng magdala ng bagong kandila bukas," sabi ni Rose sa sarili.
Muli na namang umihip ang malamig na hangin, niyakap niya ang kanyang sarili at napabuntong hininga.
"B-bakit mo ako iniwan? Pinangako mo…"
Hindi na niya napigilan ang sarili at tumulo ang mga luha niya sa maputi niyang pisngi.
"Sabi mo mahal mo ako! Sabi mo kahit kailan di mo ako iiwanan! Bakit ang daya m-mo?!"
Patuloy ang pagpatak ng luha ni Rose mula sa kanyang mga mata, gumagapang sa kanyang mga pisngi hanggang sa marating nito ang itim niyang bistida.
"Ang daya mo.. ang daya mo Ken…"
Tuluyan na siyang humagulgol, halos yakapin na niya ang puntod ng kanyang minamahal. Patuloy siya sa pag-iyak at walang tigil sa pag-alala ng nakaraan.
Masaya siyang tumatakbo palayo sa lalaking humahabol sa kanya. Tumakbo siya papunta sa damuhan. Lumingon siya sa likod at nakita niya na masaya siyang hinahabol ng binata. Diretso siya sa pagtakbo hanggang sa mahawakan siya ng binata sa kanang kamay.
Hinila siyang palapit at niyakap. Ngunit dahil sa bilis ay natumba sila sa damuhan. Ipinikit ni Rose ang mga mata niya habang bumabagsak sila sa damo. Nang iminulat na niya ito ay nasaibabaw na ang binata. Nakangiti ang mapula't manipis na labi ng lalaki, habang nakatitig sa kanya ang mga singkit nitong mata.
"Iiwanan mo pa ba ako Rose? Alam mo namang mahal na mahal kita at di ko hahayaang mangyari yun babe," marahang banggit ni Ken habang inilapit nito ang matangos na ilong kay Rose.
Naamoy ni Rose ang mabangong niyang hininga at parang may malamig na hangin ang umihip sa mukha niya.
"Talaga? Haha ikaw talaga babe! Biro lang yun. Mahal na mahal din kita. Promise me that you will never leave no matter what," sambit ni Rose sa kanya.
"Promise?" tanong niya ulit.Ngumiti si Rose ng napakatamis at nilapit ang kanyang ilong sa ilong ng binata.
"Yes, I promise babe!" sagot ng binata.
"I love you Ken! I love you so much babe!"
Nilapat niya ang kanyang mga labi sa malambot na labi ni Ken. Napakatamis ng halik na binigay niya. Ramdam na ramdam talaga ang pagmamahal ng dalaga sa binata. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at lalong lumalim ang napakatamis na halikan nila. Lalong humigpit ang yakap ni Ken sa bewang ng dalaga.