PROLOGUE

212 0 0
                                    



"When I come home— oh I know I'm gonna be, I'm gonna be the man who comes back home to you.  And, if I grow old, well I know I'm gonna be; I'm gonna be the man who's growing old with you.  But, I will walk 500 miles and I will walk 500 more. Just to be the man who walked a thousand miles to fall down at your door." 

*ping*

"Erin, busy ka ba?" Bummer. Aksidente ko tuloy naisara yung Youtube window sa sobrang excitement.  Akala ko si Carlo na eh.  As usual, maling akala.

"Hindi naman. Bakit?" Si Em lang pala.  Pupusta ako bente,  hihingi to ng kopya ng assignment.

"Puwede bang picturean mo yung mga sagot mo sa assignment natin sa Integ? Sorry naguguluhan kasi ako eh."

"Sige.  Send ko nalang maya maya."  Kapag sa kaibigan talaga,  minsan hindi tayo makatanggi. Madalas pala.

Hi. Erin.  Fourth year Engineering student sa PUP.  Minsan enjoy, minsan tanga, at madalas gusto ko nalang saksakin yun sarili ko. Hindi ko kasi alam kung bakit eto ba yung kinuha kong kurso. Pero wala eh.  Nandito na kaya nilalaban ko talaga. 

At si Carlo?

Si Carlo yung panget.  Si Carlo yung lason.  Pero, si Carlo din yung taong hindi mo alam kung bakit, o ano, o paano— pero isang araw nagising ka na lang na tapos, hinahanap hanap mo na yung presensiya ng tao na yun. Parang light switch na naka'off,  biglang nag'on.  Ganun.

At kung may naghahanap man, ako yun.  Ako lang. At kung ikukumpara nga sa switch ng bumbilya, ako lang yung nag'ON. 

*ping*

"Erin asan na?" Si Em. Pucha naman. Hindi makapaghintay.

"Teka lang Em, may inaasikaso lang ako sandali."

Sa totoo lang, wala naman ako ginagawa ngayong gabi. Nakikinig lang ako ng tugtog tapos, nagmumuni muni.

"Okay ka na ba?" Di na ako nakatiis. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Carlo. Kung hindi pa ako magme'message, baka hindi na kami magkausap neto. Baka umulan na ng bulalakaw bukas, sayang ang pagkakataon. Sige na. Sana nga lang sumagot diba? 

✓ Seen 11:27pm

Not the first time. Di na ako nabigla. Kung i'scroll up ko tong chatbox namin, ilang beses na din ako na'seen netong mga nakaraang araw. Inbox zone pa nga minsan eh.

"Carlo? Okay ka na ba?" Inulit ko lang ulit. Nagbabakasakaling sumagot na din sa wakas. Kaya lang sanay na din ako. 

Halos matapos na tong kanta ng The Proclaimers, hindi pa din nag'rereply si Carlo. Si Carlong panget na lason pa.

"Carlo?" Alas dose na.  Baka sakaling sumagot. Kaya lang naka limang ulit na atang ulit tong 500 Miles, pero kahit 'seen' man lang hindi ginawa ni Carlo. Lason talaga.

Hindi pa nagsisimula tong kuwento ko, talo na ako. Panis. 

___________________________________________________________

Everything written is purely fiction anything similar to the story that has happened in real life is purely coincidental. Distribution of any kind is prohibited without the written consent of the author. | Copyright ©ACMR. All rights reserved 2018. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oo o HindiWhere stories live. Discover now