LRD BESTFRIEND

21 3 2
                                    

Hello , chat ko sau nung hindi pa tayo magkakilala
At hindi ko inaasahan na magrereply ka naman bigla
Natuwa ako at nareply ng gawa mo ?
Hindi ako nabigo kasi ang sagot mo nakaupo

Nagdaan pa ang mga araw at buwan
At ganun parin ang paraan
Kung paano tayo magkamustahan
At sa mga araw na nagdaan

Tayo ay naging mag-kaibigan
Hindi man tayo nagkikita pero alam ko naman
Na totoo kang kaibigan
At un ang aking nararamdaman

LDR ung pagkakaibigan natin
Pero alam ko na darating din ang araw na para sa atin
Kung saan tayo magkikita
At nagkakamustahan habang nakangiti sa isa't -isa

Ito na siguro
Ang araw na hinihintay ko
Ung araw na makikita kita
At ang saya pala

Kasi sa wakas makikita ko na sa persanal ang best friend ko
Nakita kita na nakaupo
Siguro hinihintay mo ako
At lumapit ako tumayo ka at tinanong kung ako ba to

Sumagot ako at sabi ko oo
Ako to ang LDR na kaibigan mo
At pagkatapos ng ating pangangamustahan
Pumunta tayo sa kung saan -saan

Nung tayo ay nasa mall na
May nakita akong lalake na siyang bumihagni sa aking mga mata
At ang hindi ko inalala ganun ka rin pala
Nabighani ka rin pala sa kagwapuhan niya

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko
Hindi ko alam ang desisyon ko
Kung magpaparaya ba ako
O ipaglalaban ko ang nararamdaman ko

Hindi ko inasahan ang mga pangyayari
At mas pinili ko na ang pagmamahal ko sa kanya ang maghari
At doon na nasira ang ating pagkakaibigan
Pagkakaibigan na dapat aking iningatan

Sobrang nagsisi ako ng malaman ko na
Ung tao na minahal nating dalawa
Ay may nag mamay - ari na
Hindi ko man lang inakala

Nung oras na un naisip ko
Pano pag ikaw ung pinili ko
Okay pa kaya tayo
Magkaibigan pa ba tayo

Yan ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko
Sana nga ikaw na lang ung pinili ko
Kasi sa mga araw na hindi kita nakausap
Ang utak ko ay parang nagrarap

Dahil sa mga tanong at salita
Na di ko masagot talaga
Hindi ko na matiis
Dahil sobra na kita na miss

Tinext kita at sinabi ko na
Kita tayo pwede ba
Hindi ka nagreply at sineen mo lang ang message ko
Pero pumunta pa rin ako

Halos limang oras na akong naghihintay
Hindi ko alam kung patuloy pa ba akong maghihintay
Aalis na sana ako ng makita kita
Nakatayo at hindi malaman kung lalapit pa ba

Kaya ako na ung naglakad patungo sayo
Hello sabi ko
Hi lang din ang sinagot mo
Nakatayo lang tayo dun nag biglang mag beep ang cellphone ko

Hindi ko pinansin ito
At nakatingin lang ako sayo
Hanggang sa umiyak ka at niyakap ako
Hindi ko rin napigilan ang mga luha ko

At kusa na lang lumabas ang mga ito
Kahit na anong pigil ko
At yang na naman ang mga tanong sa utak ko
Kay rami rami at di na kasiya ang daliri ko

Naging okay na tayo
At bigla ulit nag beep ang cellphone ko
Tinignan ko ito
At may naalala ako

Kung kailan naman okay na tayo
Kung kailan naman masaya na tayo
Tiyaka naman ako aalis
Ayaw ko sana kasi alam ko na ikaw ay aking mamimiss

Pero wala akong nagawa at ako nga ay nalayo sayo
Dahil pumunta ako sa lugar kung saan malayo sayo
Akala ko tapos na ang LDR natin Pero hindi pa pala
Dahil nagsisimula pa lang pala

At ng makaalis na ako
Lagi tayong nag-uusap sa telepono
Nagkakamustahan kung okay pa ba ang lagay mo
At doon nga nagtuloy ang LDR na pagkakaibigan natin na hindi ko naman ginusto

TULA PARA SA MADLADove le storie prendono vita. Scoprilo ora