song: simula pa nung una by patch quiwa
~••
umakyat ako at kumatok sa nakapinid na pinto ng kwarto ni unique.
"unique, pag-usapan natin 'to," pagmamakaawa ko. "anong problema? huy. may nangyare ba? unique!"
walang sagot.
mas linakasan at binilisan ko ang pagkatok. "unique, please! huy. diba sabi ko sa'yo sabihin mo sa'kin pag may problema? anyare dun? ako ba ang problema? nikkoi!"
pagtigil ko sa pagkatok ay narinig ko syang tumayo at mabagal na naglakad patungo sa pinto.
isang buntong hininga mula sa kabila, at bumukas ang pinto ng kaunti.
"ano bang problema?" mahinahon kong tanong sa kanya.
umiling sya at patuloy na tumingin sa sahig. umikot sya na para bang isasara ang pinto ngunit bago pa man nya ituloy, pinigilan ko s'ya.
"please, nik."
dahan-dahan syang tumingin sa'kin, pero nakaiwas pa rin ang tingin nya sa mga mata ko.
"'wag muna ngayon, please," pagmamakaawa nya din sa akin.
"ako ba ang problema?"
tumahimik syang panandalian.
"hindi naman pero—" napatigil sya. "actually, oo. pero hindi mo kasalanan, promise."
"ano? ano ba kasi yung problema?" pangungulit ko.
"ayoko..." nanginginig ang boses na tila ba ay paiyak, bago sumigaw, "ayokong sabihin, okay!"
"kung ayaw mo, edi wag mo. walang nagpipilit sayo," ang sabi ko habang hinila ko sya sa isang yakap at ipinatong ang aking baba sa ulo nya.
"ayoko..." bulong nya. "hindi ko kayang..."
"hindi mo kaya na...?" hindi sya sumagot. "unique kung may sasabihin ka, nandito lang ako, makikinig, okay?"
~••
'di nalang titingin
para hindi na rin mahulog pa
sayo'ng mga mata~••
"hanggang kailan, blaster? hanggang kailan kang nand'yan para sakin?" sabi ko ng may kaunting galit. hindi sa kanya, ngunit sa aking sarili.
dapat hindi na lang ako nagsalita. dapat hindi ako nagpaapekto. mas mabuti nang hindi mo alam, pero bakit ako bigay ng bigay ng mga implikasyon?
dapat na lang na lumayo at nanahimik. dapat na iniwasan ang mata mo.
dahil dati pa lang...
nagtiwala na ako sayo. mapamahal na ako sayo. nung una pa lang, nang hinayaan kitang yakapin ako.
kung kahit bilang kaibigan lang noon, hindi na ngayon.
at naisin ko mang humigit pa doon, wala nang pag-asa kasi kaibigan lang kita.
'yun lang naman din ang napag-usapan diba? hindi na ako aasa pa.
pipigilin ko na lang 'tong damdaming ito hanggang sa mawala. ibubulong ko na lang sa mga sulok ng kwarto kung saan walang nakikinig. mahal kita, blaster silonga.