(One Shot)

15 2 0
                                    

Crush. Sabi nila hindi ka daw normal kapag hindi ka nagkacrush. Sa isip ko hindi totoo yun. Normal naman ako ah. Iniisip ko na hindi yun totoo. Hindi lang naman ako ang walang crush ah. Marami kami. Pero bakit nga ba?

Ang crush daw ay simpleng paghanga. Paghanga na minsan ay mauuwi sa kagustuhan na mauuwi sa love. Love. Love is a heavy word. Ewan di ko pa naman yan nararamdaman eh. Maybe, I'm still not yet ready.

Paano ba magkacrush? Paano ba magkagusto? Paano ba magmahal? Masarap ba sa feeling? Sabi kasi ng iba ang sarap sa feeling ng may minamahal.

Pero bakit ang daming nasasaktan? Bakit ang daming umiiyak ng dahil sa love na yan? Bakit ang daming nagpapakamatay dahil sa love na yan?.

Sabi naman ng iba masakit at masarap magmahal. Ano ba talaga? Hindi ko kasi alam. Gusto kong maranasan ang magmahal at mahalin. Pero, I feel like I don't want too. I feel like I'm still not yet ready to face or to feel the pain. Pain na sinasabi nilang hindi nila kaya. Kakayanin ko ba?

Kung masakit ang pagmamahal bakit ang dami pa ring nagmamahal? Bakit ang dami pa ring sumusugal?

Bakit ganun? Ano bang meron sa love at nahuhumaling ang lahat? Hindi ko kasi maintindihan. Hinding-hindi ko maiintindihan dahil kahit kailan di pa ko nagmamahal, at di pa ko minamahal. Maliban na lang sa mga kaibigan at pamilya ko.

Until one day, I met him. Nakilala ko siya sa school. Transferee. Ewan ko pero, I feel like I have some butterflies in my stomach. Hindi ako familliar sa feeling na ito. At first, binalewala ko lang. Kasi nga hindi ko alam.

Paulit-ulit na lang na sa tuwing nakikita ko siya ang bilis ng tibok ng puso ko. Na para bang may kabayong nasa loob nito at nakikipag-karera. Na parang may naninirahang mga paru-paro sa tiyan ko.

Hindi ko pa rin alam. Wala akong clue. Ano ba kasi 'to? Ito ba yung tinatawag nilang mararamdaman mo kapag inlove ka? Ito ba? Ito na ba?

Natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Na baka sa sobrang sakit eh di ko na kayanin. Natatakot ako kahit hindi ko alam ang dahilan. Natatakot ako kahit hindi pa naman naguumpisa. Natatakot ako.

Pero sa tuwing nakikita ko siya nawawala yung takot na nararamdaman ko. Nawawala yung pangamba.

Isang araw nakasabay ko siyang umuwi. Umuulan nun. Wala akong payong. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung susulong ba ako sa ulan o magpatila muna pero baka abutin naman ako ng gabi.

Magsisix na nun. Natatakot na ako. Takot pa naman ako sa kidlat at kulog. Nasa shed ako. Halos lahat ng estudyante umalis na. Ako na lang ata ang naiwan.

Nabalik na lang ako sa tamang huwisyo ng pitikin niya ang noo ko. Hindi ko naramdaman yung sakit. Kinilig pa nga ako eh. A new feeling again.

Sinabi niyang magsabay na kami. Pumayag ako kasi gumagabi na. At gusto ko rin kasi siyang makausap. Makilala pa.

Hinatid niya ako sa bahay. Nung una nagrefuse ako but he insisted. Sa kabilang street lang pala siya.

Lumipas ang dalawang linggo. Dalawang linggo. Pinapansin niya naman ako kaso madalang. Ewan ko. Baka kasi naawa lang siya sakin nun.

Maraming nagkakagusto sa kanya. Marami. Hindi lang ako. Oo, hindi lang ako. Sa dalawang linggong nakaraan wala akong naiisip kundi siya lang.

Hindi ko alam kung paano nangyari yun. Kasi nga diba hindi ako naniniwala sa crush na yan. But I fell. He is my crush now. I'm inlove with him. I fell in love with this transferee guy.

Ngayon alam ko na. Alam ko na yung salitang love. Love hindi sa kaibigan o pamilya. Kundi love sa ibang kasarian. Love na ang sarap sa feeling. Pero love din na masakit sa puso kapag ikaw lang yung nagmamahal. Kapag one sided lang. Masakit. Sobra.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit di ako crush ng crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon