"Sassydey, Anong niluluto mo?" Tanong nang kaniyang kaibigan na si Bredjet, ito ang pinakamatalik niyang kaibigan na kung pumunta lang sa bahay nila para lumamon.
Masarap kasi siya magluto.
"Kaldereta ang niluto ko."Sagot niya at tinikman nang kaunti ang niluto niya gamit ang mangkok.
Kinuha ni bredjet ang mangkok pagkatapos tikman niya tigman ang ulam,"Ako din, patikim." At gaya nang sinabi nito ay tinikman nito iyon.
Makikita mo sa mukha nito na nasasarapan ito sa tinikman na pagkain, dahil masarap naman kasi siya magluto.
"Bredj' kilala moba 'yong isa sa mga pinakasikat na business man?" Maya-maya'y natanong niya sa kaibigan, nahihiya kasi siya nong totuk na totuk iyon sakaniya na animo tutunawin na siya.
Baka kasi may dumi ang mukha niya nong nagkita sila nong taong 'yun.
At nakakahiya 'yon.
"Yeah, sino ba ang hindi makakakilala no'n? Na gwapo, sikat, business man, At hindi lang basta-basta business man! Sobrang sikat na business man. Si Mr.Adrian Zay McLim. He is known as a young boy billionaire in the whole world."Mahabang lintanya nito, may halong pagpantasya pa sa binata.
Diyos ko nalang talaga itong kaibigan niya, kulang nalang ay angkinin nito ang lahat nang guwapo sa mundong ito.. Sa emahinasyon nito.
Tinignan siya nito nang may nanglalaking mata,"Don't...tell me that you don't know him?"
"Nakalimutan ko kasi 'yong pangalan niya, ang natandaan kolang ay 'yong mukha niya at sa pagkaka-alam ko mahilig iyan pumuntang Filisina Cafe," Sagot ni Sassydey at kumuha nang tatlong plato."Ikaw na maghain nang rice, tayo lang kasi kakain ngayon." Utos niya sa kaibigan na agad din naman nito sinunod nang kaibigan. Kumuha ito nang sandok at plato para maghain nang kanin.
"Bakit tayo lang? Asan sila tita at yong kapatid mo?"Tanong nito at naghain nang kanin.
"Umalis kaninang umaga, pupunta raw sila sa...ewan ko kong saang lugar 'yonn, alam mo namang hindi ako mahilig sa travel travel na 'yan." Sagot niya dito at naghain narin nang ulam at nilagay sa lamesa. Inamoy amoy niya pa ito.
Sobrang bango niyon sa ilong niya.
"Ahh...balik nga tayo doon sa pinaguusapan natin kanina. Bakit mo nga pala natanong 'yong pangalan ni Mr.Young Billionaire?"Makahulugan nitong tanong at may ngisi pa sa mga labi. Masasabunotan na niya talaga ito sa kalandian--puro landi nalang kasi inaatupag nito.
Napakamot naman siya sa likod nang ulo,"Hindi ba, gumala tayo sa maynila? Three days ago? I met him there. I even saw him looking at me, para siyang tanga na nakatitig sa mukha ko at may ngiti pa sa labi. Nailang ako e, so? Ang ginawa ko, tumayo ako at may ibinulong sakanya. Para naman hindi masyadong obvios na nakakailang yong titig niya." Mahabang pagkwekwento niya sa kaibigan.
Kaya lang naman natagalan nang gising 'yong kaibigan niya dahil naglasing sila no'n sa bar at pasado alas dose na nang gabi sila uwumi.
Sinapak siya nito sa balikat. Umaray naman siya dahil kung makasapak naman ay wagas."Ang daya mo naman, Friend! Hindi mo man lang ako isinama!"Parang naiiyak na ito. Nakong malandi na ito.
Ihahambalos na niya talaga itong kaibigan niya!
"Paano kita isasama? Hindi mo nga tinupad iyong pangako mo na hindi ka maglalasing! Anong gusto mong gawin ko? Ang kaladkaring kang tolog patungo doon?"Taas na taas ang kilay niya rito. Feel niya magtaray sa kaibigan dahil siya ang umalalay nito noong sobrang lasing ito.
Ang likot pa tas ang bigat! Kung hindi lang talaga ito kaibigan niya ay baka iniwan na niya ito sa kalsada na naglusupaypay!
Ngumisi ito,"Chill! Sorry na. Kain na nga tayo! Gutom na ako."Iniba agad nito ang topic, ayaw kasi nito ang masermonan niya.