3: At the kitchen

53K 395 61
                                    


MEIKO'S POV

"Meiko!"

"H-ha?"

"Lutang ka ata ngayon.. kanina pa kasi kita tinatawag. May nangyari ba sa bahay nyo?" Tanong ni Ivan..

Ivan Chen.. Ang pinaka matalik kong kaibigan simula nung bata pa ako, kaklase ko sya noon hanggang ngayon..

Naalala ko pa nung elementary at high school kami, may mga pagkakataon na hindi kami magkaklase sa bagong school year, pag nangyari yun iiyak kami buong araw.. ayaw nga kasi naming mahiwalay sa isat isa..

Walang nagawa yung mga magulang namin nun kaya nakiusap sila sa teachers namin..

Halos hindi kami mapaghiwalay nun.. kaya hanggang ngayon, kasama ko pa rin sya..

"W-wala namang nangyari.." Pagsisinungaling ko. Marami ang nangyayari sa bahay at hindi ko gusto lahat ng yun..

"Talaga lang ha? Kilalang kilala na kita eiko, akala mo hindi ko malalaman kung nagsasabi ka ng totoo o hindi? Sige, Kung ayaw mong sabihin, okay lang pero kung kailangan mo ko, tawagin mo lang ako. Okay ba?!" Sabi nya sabay kindat, napatawa nalang ako..

Alam nya talaga kapag nagsisinungaling ako o hindi.. Hindi ko rin alam pano nya nalalaman yun. Siguro dahil sa sobrang tagal na naming magkasama..

"Salamat Ivan ha.."

Pero yung bagay tungkol kay kuya, ayokong malaman yun ng ibang tao. Lalong lalo na kay mama at tito clive. Pano nalang kung maghiwalay sila dahil doon? Ayokong mangyari yun dahil masaya na si mama ngayon..

⏩⏩ FAST FORWARD ⏩⏩

Matagal na din simula nung lumipat kami dito, mag iisang buwan na ata..

Medyo nasanay na rin ako dito kahit na minsan ay gusto ko nalang umalis at manirahan ng mag isa.

.. Kakauwi ko lang sa bahay galing skwelahan..

"Yaya?"

Nilibot ko ang buong salas pero hindi ko makita si yaya ellie. Bandang alas singko na ng hapon, ganitong oras kasi sya nagluluto pero hindi ko sya nakita sa kusina.

"Yaya ellie?"

Lumabas ako at nilibot yung hardin at likod bahay pero hindi ko pa rin sya makita..

San kaya sa nagtungo? Mag te-text naman sya saken kung lalabas sya ng bahay para bumili ng groceries pero wala akong natanggap..

*RINGGGGG! RINGGGGG!*

Bumalik naman ako sa loob para sagutin ang telepono nung mag ring ito.

Si yaya ata ang tumatawag..

"Hello?"

[Hello meiko? Finally, nakauwi ka na! I've been calling multiple times already..]

Si mama?

"N-napatawag kayo ma?"

[Meiko, this might be tough for you but we decided na papauwiin muna namin si yaya ellie sa probinsya nya, ipagpapahinga muna namin sya. Tutal andyan naman si keiji, kaya nyo naman I-manage yung bahay temporarily for a short time since you two are adults already. You can cook naman, and for clothes, we have the laundry]

A-ano?!! Papauwiin nila si Yaya ellie?! Ibig sabihin kaming dalawa na naman ni Kuya ang matitira dito sa bahay?!!

Ayoko!!

"Pero ma pan------"

[No buts meiko, we already decided this. You're not a baby anymore, kaya mo na ang sarili mo anak. I have a big trust on you. Don't worry, pababalikin ni Clive ang dating helper nila cause she needs income for now.. It won't take long for her to arrive meiko.. I know you and Keiji can manage on your own, This is just for the meantime, okay?]

[R18] My Step Brother Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon