Chapter 5: Kababata

17 5 1
                                    

Kuya Alex' POV

Nakakapagtaka talaga tong Renz na to pakiramdam ko kilala ko na sya dati pa pamilyar kasi yung mukha nya kaso saan ko kaya sya nakilala

Pumunta na kami sa dinning table at katabi ko ngayon si mama habang nasa harap namin sina Renz at Athena

Habang nagkukwentuhan kami rito di ko maiwasang tignan at isipin kung saan ko ba talaga sya nakilala

Renz's POV

"Renz iho saan kayo nakatira?" tanong sakin ng mama ni Athena "Malapit lang din po kami dito sa kabilang street lang po kami sa may Arthur street" sagot ko sa kanya "Talaga!?" sabi naman ni Athena "Oo, hindi ko lang nasabi sayo kanina" sabi ko naman

Kanina ko pa napapansin na kanina pa tingin ng tingin sakin yung kuya ni Athena kaya parang kinakabahan ako

"Eh ano palang pangalan at trabaho ng magulang mo?" tanong ulit ni mam "Ah ang pangalan po ni dad Ronald Dela Fuente si mom naman po ay si Mary Anne Dela Fuente tapos si dad po sya po yung nag hahandel ng hospital namin sa states si mom po nagmamanage ng resturant namin sa states din po" nakangiti kong sagot

"Ah mam pwede ko po bang malaman pangalan nyo?" tanong ko sa mama ni Athena "Ah oo nga pala tanong ako ng tanong sayo kung sino ka ako naman pala nag di pa nagpapakilala sorry my bad BTW you can call me tita Annie" she said with a smiling face

"And this is my son Alex kuya ni Athena" dagdag nya kaya napatingin ako kay Alex at nakatingin parin sya sakin na para bang nagtataka sya sakin

Tapos na kong kumain at napansin kong anlaki na ng ano ko...... ng tyan ko pati madumi na rin yung kamay ko

"Tita can I go to your washroom?" tanong ko kay tita "Ah yes iho just turn left sa dulo" sagot nito sakin "thanks tita excuse me po muna" sabi ko sabay alis papuntang washroom

Habang papunta ako sa washroom may nakita kong picture ni Athena na kasama ng kuya nya nagtaka ako bigla kasi kamukha nya yung picture ng kababata kong babae kaya kinuha ko kaagad yung wallet ko kung saan ko tinago yung picture pinagkumpara ko yung dalawa at napansin kong magkamukhang magkamukha sila "Posible kayang si Athena si Tintin?!" sabi ko sa sarili ko mamaya na nga yan pupunta na nga ako sa washroom

Alex' POV

Kanina pa malalim ang iniisip ko tungkol sa lalaking toh at sa mga sinabi nya naalala ko na sya ang kababata namin na si Potpot kaya pala kanina ko pa sya namumukaan sya pala yung best friend ni Athena na kaibigan ko rin noon

"Ma, Tinay liit" nakita ko namang sumimangot agad si tinay kaya nginitian ko sya ng nakakaasar "Kuya ang sama mo talaga sakin kahit may bisita tayo" sabi nito sabay pout "Eh nasa cr naman sya eh kaya ok lang yan lil sis" sabi ko na nangaasar parin

"Ma may kukunin lang po ko sa kwarto ko babalik din po ko agad" sabi ko sabay diretso sa pinuntahan ni Renz dahil di naman kita yung direksyon ko nila mama at tinay dahil may harang na pader doon

Napansin ko naman na kakalabas lang ni Renz sa cr kaya lumapit ako sa kanya para itanong na ang totoo dahil nasakit na ang ulo ko kakaisip

"Uy potpot" pagtawag ko naman sa kanya at tumingin naman agad sya na parang nagtataka kung bat ko alam ang tawag sa kanya

"So tama nga ako ikaw si potpot yung kababata namin ni Tinay" sabi ko sakanya at mukhang nagulat sya "Ah kaya pala kamukha nung nasa picture na yun yung picture na toh" nilabas nya yung wallet nya at pinakita nya sakin yung tinutukoy nyang picture

"Oo tama yan nga si tinay liit" sabi ko at bigla naman akong napangiti dahil ang bata pa nya dun sa picture na hawak ni Renz "Nga pala pare kamusta ka na? antagal na rin nating di nagkikita ha" sabi ko sabay tapik sa balikat nya

"Ayos lang ako pre kaso katulad din ng dati nagpapanggap nanaman ako para sa kapatid mo di ko ba alam kung bakit pag dating sa kanya nagagawa kong magpanggap para lang maging malapit kami sa isa't isa" sabi nito sa malungkot na boses

"Pare di mo naman kailangan gawin yan eh alam mo naman na kahit sino ka pa basta kaibigan mo tanggap ka" sabi ko sa kanya "Pre panindigan ko na lang toh tutal pinasok ko na toh eh" sabi nya

"Si Tinay ba anung nangyari sa kanya nung umalis kami?" tanong nya

"Si Tinay nung umalis ka ayun umiyak ng umiyak sa kwarto nya tapos nung nakahanap ako ng tsempo para kausapin sya sinabi nya sakin na miss na miss ka na daw nya pero galit daw sya sayo dahil hindi ka nag paalam bigla ka na lang daw umalis ni sulat o text wala ka manlang daw pinadala at sinabi din nya na.... Ay wala na pala syang sinabi yun lang" sabi ko sabay kamot sa ulo dahil muntik na ko madulas sa sasabihin ko baka pag nalaman ni Tinay na sinabiko dito sa mokong na toh yun magalit lang sakin si liit kaya tatahimik na lang ako

"Oh pano aaminin mo na ba na ikaw yung kababata namin ni Athena?" tanong ko sa kanya "Hindi na lang muna pre natatakot ako baka layuan nya ko diba sabi mo nga nagalit sya sakin kasi umalis agad ako bigla kaya sa tamang panahon na lang ako aamin sa kanya" sabi nya

At bumalik na kami kila mama "Oh antagal mo naman atang magcr sis" sabi ni Athena kay Renz napabiro "Bakit miss mo na ba agad yang si Renz ha, ikaw ha baka kung ano na yan" pangaasar kong sabi sabay tawa dahil sa pikon na istura ng mahal kong kapatid

Renz's POV

Natapos na kaming kumain lahat "Tita Annie thank you nga po pala sa pagaya nyo po ng tanghalian, Alis na rin po ako" sabi ko sabay bow

"Geh iho ingat ka" sabi naman ni tita ng nakangiti "Ma, kuya ihahatid ko lang po si Renz sa labas" sabi naman ni Athena kaya tumango na lang ako hudyat ng pag sang ayon ko sa kanya

Nasa may gate na nila kami "Sis salamat ulit sa pag iinvite sakin na kumain dito sa inyo ha masarap nga talaga yung luto ni tita" sabi ko ng nakangiti "Walang anoman yun kahit lagi ka pang kumain dito walang kaso kay mama at kay kuya" sabi naman nya

"Geh una na ko sis Baybay" sabi ko habang naglalakad na ko paalis at nakaway sa kanya

Habang nasa daan ako wala ang focus ko sa daan dahil iniisip ko parin yung nangyari kanina buti na lang at ligtas naman akong nakauwi pag dating ko sa bahay dumaretso agad ako sa kwarto ko at humiga rito habang iniisip ang nangyari kanina

"Grabe ang galing ni tadhana akalain mo yun pinagtagpo ulit kami ng ispesyal na tao sa buhay ko kaya ang saya ko ngayon kaso pano ko magagawa ng maayos tong pag babakla bakla ko para sa kanya pati pano ko aamin na ako yung kababata nya hay buhay" sabi ko sa sarili ko

"Pero iisa lang talaga ang gusto kong gawin ngayon ang isipin kung pano babawi sa kanya kahit na hindi nya alam na ako si potpot" dagdag ko

Namiss ko sya ng sobra gusto ko na syang yakapin ng sobra kanina!!!

Thank you po ulit sa lahat ng nagbabasa ng story ko sana po patuloy nyo lang po syang basahin
Happy Reading!!!❤

In a SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon