I'm INLOVE with a GANGSTER

53 2 0
                                    

Part 1
Sophia's POV

"Nabubusog ka ba dyan sa librong hawak mo, huh? Aba, eh, kanina ka pa nagbabasa ah! Lunch break na, wala ka bang balak kumain?! " Tanong sa'kin ng kaibigan kong si Kate. Kahit kailan talaga ang ingay ng bunganga.

Nasa room kami ngayon pero dahil lunch na ay wala ng mga tao.

Sandali ko syang pinasadahan ng tingin at muling ibinaling sa libro ang paningin ko, tsaka ko sya sinagot.

"Pwede ka namang mauna kung gutom ka na talaga" Sagot ko habang nasa libro pa rin ang paningin.

Nagulat na lamang ako ng bigla nyang hablutin ang libro mula sa'kin.

"Aish!!! Ano ba Kate?! Akin na yan! " Pilit kong kinukuha sa kanya ang libro ko, pero lalo nya lang itong inilalayo sa'kin.

Huminto sya sa paglayo sa libro ko, kaya huminto na rin ako sa pagkuha nito. "Psh! Kaya nanlalabo yang mata mo eh! Wala ka na kasing ibang ginawa kundi magbasa, magbasa at magbasa!" Singhal nya at ibinato sa akin ang libro. Agad ko naman itong nasalo at isinilid sa aking bag.

"Tara na! " Bwiset! Di makapaghintay!

Di na ako sumagot, sumabay nalang ako sa kanya papuntang cafeteria.
First day of school namin at pareho kami ni Kate na transfered student dito sa Anderson Academy. Mas malaki ang school na ito kung ikukumpara sa dating school namin. Sa quadrangle kami dumaan dahil ito ang mas malapit na daan papuntang cafeteria.

Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Naghanap kami agad ng mauupuan. Nagprisinta si Kate na sya nalang daw ang o-order. Tumango nalang ako bilang sagot.

Habang hinihintay ko si Kate na makabalik ay yumuko na muna ako sa lamesa namin, pero agad din akong nag-angat ng tingin ng makarinig ako ng malakas na tilian.

Putsa! Ang ingay!

"Kyaaah!!! Ang gwapo mo Luke!

" My god Angelo!!!

"Ang cute mo Jacob!! "

"Please notice me Jhasper!!"

Landi ah!

"Ang ingay naman nila" Sabi ni Kate ng makabalik sya sa table namin. "Akala mo nakalunok ng megaphone eh! Sino bang sinisigaw-sigaw nila dyan?! "
Tanong nya pa tsaka nilagay ang tray at naupo.

"May mga lalaking dumating kanina. Baka yun yung sinisigaw nila"

"Putsa! Lalaki lang pala! Napakalalandi!! " Bahagya akong natawa sa sinabi nya. Actually, parehas kaming nerd ni Kate at pareho ring hindi interesado sa mga lalaki. Pero kahit nerd si Kate ay palaban sya hindi katulad ko.

Nagkwentuhan pa kami ni Kate hanggang sa matapos ang lunch. Hindi na kami nakapag usap sa room dahil dumating na ang professor.

"Good afternoon students! Our lesson for today is abo--" Hindi na natapos ni Mrs. Mendez ang sasabihin nya dahil may bastos na estudyanteng pumasok.

"Oh! Good afternoon Mr. Montenegro! " Pagbati ng teacher namin pero di man lang sya sinagot.

Psh! Ang bastos mo pre!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm INLOVE with a GANGSTERWhere stories live. Discover now