*Kate's POV*
"Huwag na nga kayong maingay!!". Sigaw ko sa kanila.
Ang ingay naman kasi nila,alam ko namang maingay ang Troublemixers eh.Kaso bad timing sila,nasan na ba kasi 'yung notebook ko sa Statistics.Sa notebook lang kasi ilalagay 'yung assignment e.
"Hoy,Kate Cortez sa one whole nga sabi",sabay pakita ni Karyl sakin nung notebook niya,.Kanina pa kasi talaga kami nag-aaway ni Karyl kung saan ilalagay yung assignment namin.
"Hindi nga sabi e",
Waaaahhh!!!!
Halungkat muna sa bag ulit.
HANAP!
HANAP!
Yes! nakita na rin sa wakas.So ito na, buklat.
' Buklat!
'Sa 1 whole?'
"O diba sabi ko naman sayo sa papel yun ilalagay?"
"Ha?Hindi ko naman sinabing sa notebook ilalagay ah!"
"Kasasabi mo lang kaya kanina"
"Hindi nga sabi e", Haha,Karyl's face is priceless.
"Ewan ko sayo Kate",Irerewrite ko na nga lang tong assignment ko.Pahamak naman naman kasi itong notebook ko.
"Hoy Kate", kulbit sa'kin ni Karyl.
"Ano na naman?",iritado kong sagot sa kanya nagpapakabuting estudyante nga ako tapos guguluhin.
"Si Michael o"
"E ano naman ngayon?"
"Wala lang",bahala na nga siya.
Classmate ko si Michael nung first year at first year palang ay itinutulak na nila ako sa kanya.Wala naman akong nararamdaman para sa kanya.
Pero sa loob ng tatlong taon,wala nga kaya? HA? Ano na ba itong sinasabi ko.
Erase!! Erase!!
Mamaya na nga lang tong assignment ko kailangan ko ng mag-cr ,naiihi na kasi ako.
*Kath's POV*
Sa wakas tapos na ako sa ass. ko.Pahamak naman kasi si Rene Descartes bakit kasi nadiskobre ang Math ang hirap tuloy ng subjects.Pero kung walang Math wala sanang cellphone at tsaka comp--
"Kath samahan mo naman ako sa Cr"
"Ay, may shokoy",Aba himala yata ngayon ang babaeng to,hindi na maldita ang boses.
"Kagulat ka naman Kate!,ikaw ha? anong pumapasok diyan sa isip mo?"
"Ha?, na naiihi ako?",nagtataka niyang tanong.Siguro nag-iisip siya kung anong iniisip niya.Tsk. Ang gulo ko.
"Kath,sige na please,naiihi na talaga ako"
"Sige na nga,punta na tayo sa CR"
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Kate, dito nalang muna ako sa faucet,hintayin na lang kita". Tumango lang siya at nagtatakbo.Dito kasi sa'min madadaanan mo pa muna ang faucet bago ka makapunta sa Cr o kaya sa canteen.Pero kita mo pa naman ang view.
O-M-G!!
Si Kate.
Waaaahhhh!!!!!
Hawak-hawak siya ni Michael na parang magkayakap sila.
They are so BAGAY!!
Michael run and left her dumbfounded.Nakatayo lang siya dun,hindi kaya siya napapaso?,ang taas pa naman ng sikat ng araw.
"Sinalo niya ako",sabi niya nung nakalapit ako sa kanya.Nakatulala pa rin siya sa panahong yan.
"Ha?",I asked kahit na alam ko naman kung anong sinasabi niya.This will be a Lot of fun.
"Nagkatitigan kami", I smirked.
"Hoy Kate gising na,luto ka na ba? At ano naman yang sinasabi mo?"
"Ah,M-may sinabi ba ako?,na-nakita mo yun?".She asked ,alam kong kinakabahan na siya.Aalisin ko muna 'yang kaba mo *smirks* sa NGAYON.
"Ano bang dapat kong makita?"
"*sigh* wala naman, balik na tayo sa classroom"
"Sure"
"*whispers* Mabuti na lang hindi niya yun nakita,maingay pa naman ang Kate na to".
Sarap naman sapakin ng batang to,may gana pa ako pagsalitaan ng masama.Pasalamat ka Kate maganda ako.Pero para na siguro akong baliw kakangiti dito,gusto ko na kasi talagang humalakhak g malakas.
"Teka nga pala Kate,nakaihi ka na ba?"
"Huh!,oo nga pala no.Takbo!!". Ayan tuloy ang dami kasing advertisement sa buhay.
Tsk.Tsk.
Pero akalain mo yun
Si Kate na may singkit na mata.
Si Kate na ayaw magpatalo.
Si Kate na ginigisa ako.
Si Kate na medyo suplada.
Si Kate na!!
Si Kate na talaga ang may LOVELIFE.
KATHERYN!!