=9=

672 42 4
                                    

Jennie's POV

Pagkatapos ng insedente na umiyak si Taehyung, naweirdan ako dun pero isinawalang bahala ko na lang muna kaya pumunta muna ako sa kwarto namin pero wala ako dong naabutan eh. Panigurado nasa targets nila yun.

Naisipan ko na lang muna na lumabas ng kwarto at mag uli muli sa paligid.
Mukhang may kanya kanyang mundo ang mga tao ngayon eh.

Habang naglalakad ako, naisipan ko na ikamot ang likod ko sa dingding dahil sobrang kati nito. Siguro, dahil dun sa gamot na herbal na nilagay sakin ni Taehyung. Nasa tiyan naman yung sugat ko, nilagyan pa ako sa likod tss.

Habang ikinakayod ang likod ko sa dingding ng pababa at pataas, isang bilog na bagay ang tumusok sa likod ko kaya tiningnan ko ito pero wala naman.. Dingding lang kaya ikinayod ko uli ang likod ko at naramdaman ko uli.

Hala, baka may invisible na bagay dito? Luh, ang astig naman.

Kinapa kapa ko yung dingding at doon ko nalaman na yun pala yung bukasan ng pinto na kakulay na kakulay ng dingding kaya hindi mo talaga agad makikita kung hindi mo lalapitan at pagmamasdan.

Huh, look what I found here.

A secret room.

Habang sinisigurado ko na walang taong nagmamasid sa akin, dahan dahan kong binuksan ang pinto at doon sumalubong sakin ang napakadilim na silid.

Hinanap ko ang switch ng ilaw at nahanap ko naman ito.

Dahan dahan ko munang sinara ang pinto bago buksan ang ilaw.

At sa oras na buksan ko ang ilaw, gulat ang kaunaunahan kong naramdaman dahil isang malaking litrato ang bumungad sa aking harapan at nakita ko dito ang isang napaka pamilyar na babae kasama ang pitong lalake at masasayang nakangiti habang magkaka akbay.

Ang ikinagulat ko dito ay ang babaeng kasama nila.

Napaka unexpected kaya andami agad bumungad na tanong sa aking isipan.

Bakit siya nandito?
Bakit mukha namang masaya kayo at walang pinag awayan?

Bakit anjan ka......





Agent Lina?

Kung magkakaibigan kayo gaya ng nasa litratong ito, bakit mo samin pinapapatay ang pitong lalaking ito?
Alam kong kriminal sila pero bakit sa dinami dami ng mas malalang kriminal dito sa South Korea, bakit sa kanila ka sobrang galit?

Nabulabog ang isipan ko ng may isang lalaki na pumasok sa silid.

Magtatago pa sana ako pero huli na ang lahat.

Screw it all, bakit ngayon pa kung kelan madami akong gustong malaman.

Hindi padin ako lumilingon, natatakot na baka tadtadin niya ako ng tanong.

Imbis na mga tanong ang bumungad sakin, isang kamay ang tumakip sa bibig ko at inilabas ako sa silid na iyon habang dahang dahan sinasara ang pinto at dinala ako nito sa isang kwarto saka binitawan ang pagkakahawak nito sa bibig ko.

At dun ko nakita, ang isang nag aalalang Taehyung.

"Gago ka ba? Bakit ka pumasok dun?" pasigaw na pabulong niyang tanong habang nagpapanick

"U-uh a-ano sorr---" nauutal kong sagot dahil sa sobrang kaba pero pinutol niya ang sinasabi ko at huminga ng malalim para ikalma ang sarili niya.

"Okay. Wag kana mag paliwanag dahil alam ko namang wala kang maipapaliwanag pero Jennie. Alam mo bang pag nakita ni Namjoon Hyung na nandoon ka sa silid na iyon at nangungiting ting ng kung ano-ano, mamamatay ka! Pasalamat ka, ako lang ang nandun." natatarantang sabi nito.

₣ØØⱠɆĐ <<ʙʟᴀᴄᴋᴘɪɴᴋ ᴀɴᴅ ʙᴛs>>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon