Chapter 49

1.7K 42 2
                                    

NATHALIE

Nang nakabili na kami ng pagkain ay nagpaalam na kami kay Tristan na mauuna na kami sa kanya dahil siguradong hinahanap na rin ng mommy niya si Ian. Medyo mahaba kasi yong pila sa bilihan ng pagkain kaya medyo natagalan kami.

Hindi ako makaimik ng hanggang sa naglalakad kami ay hawak-hawak ni Seige ang kamay ko. Narealize ko na hindi pa rin siya nagbabago. Possessive pa rin siya. 

"Buti nakabalik na kayo. Kumain na kayo doon. Dumating na iyong pagkain.", saad ni Mommy at makahulugang nakangiti sa'kin. Tinaasan pa niya ako ng kilay bago balingan si Seige.

"Mukang nagustuhan sa'yo ni Ian, ah?", tawa niya tapos ay pumunta na sa may tent namin para ihanda iyong pagkain. 

Napatingin ako kay Seige at nakitang ibinaba na niya si Ian. Hawak-hawak niya na lang ito sa kamay habang si Ian ay kinakain iyong sandwich na binili namin. Napaiwas ako ng tingin ng bigla niya akong nilingon at nginitian.

"Why do you keep on looking away kapag tinitignan kita?", he said. "Maniniwala na ako na naiilang ka sa'kin."

Buti alam mo!

Napabuntong-hininga ako at dahan-dahan siyang nilingon. Agad na nagtagpo ang mga mata namin.

"Bakit ka nandito?", pag-iiba ko sa topic namin.

Kumunot ang noo niya, "Ayaw mo?", tanong niya gamit ang disappointed na tono.

Umiling ako at kinagat ang labi ko. "Gusto ko.", nahihiyang sabi ko at nag-iwas ng tingin. Maya-maya ay narinig ko ang pagngiti niya. Kasabay noon ay naramdaman ko na inabot niya ang kamay ko na nakalagay sa tagiliran ko. Nilingon ko siya at agad kong nakita ang maliit ngunit totoo niyang ngiti.

I guess this is the right time para sabihin ko sa kanya na, I'm willing to give 'us' another try. After all, hindi na naman ako dapat magpakipot pa.

"Seige..", tawag ko sa kanya at tiningala siya.  Agad tumaas ang kilay niya habang bakas pa rin ang ngiti sa labi niya.

"Sabi mo, hihintayin mo ko diba?", tanong ko. "Sabi mo we'll take this slow.", tumango siya sa tanong ko at sumeryoso ang mukha.

"Yes.. Yes, I'll wait.", aniya at saglit na iniwan si Ian na busy sa pagkain doon sa may gilid. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Noong nakipag-break ka sa'kin, sobrang nasaktan ako. Kasi bukod sa ikaw ang unang boyfriend ko, alam ko pa sa sarili ko na talagang mahal kita.", umpisa ko. "Aaminin ko na nagalit ako sa'yo. Dahil sinaktan mo ako, dahil sa mga sinabi mo.", ani ko at tumitig sa mata niya. "Sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan na kita. Na unti-unti susubukan ko na alisin ka sa sistema ko.", naramdaman ko ang luha sa gilid ng mata ko, pero pinilit kong pigilan iyon. "Kaso noong nakita ulit kita, para akong tanga. Kasi narinig ko pa lang 'yung boses mo, nakalimutan ko na lahat ng ginawa mo sa'kin. Noong nakita ulit kita, nawala na naman ako sa sarili ko.", ngumiti ako at doon tumulo ang luha ko. 

A love letter for you: Letters to himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon