Mataas ang sikat ng araw habang naglalakad ako sa kalsada papunta sa sakayan ng jeep kahit maaga pa. Ngayon ako magpapaenroll para sa Senior High. May dala akong isang envelope kung saan nakalagay lahat ng mga requirements na kailangan kong dalin. Ilang beses konang inulit-ulit tingnan ang envelope. Baka kasi may nakalimutan ako mahirap na.
Original Card √
2×2 picture √
Good Moral original √
PSA photocopy √
Reservation slip √Kumpleto naman lahat. Sa JangXiao University of Bulacan ako mag-eenroll. Isang private school. Wala naman akong babayaran dito dahil sa public school ako galing. Uniform, pamasahe, at mga gamit nalang ang iintindihin ko dito. Ayoko namang mag-enroll sa ibang eskwelahan dahil marami akong nababalitaan. Kecho ang dami daw adik don, ganon, ganyan. Kaya mas pinili ko dito.
Nakasakay nako ng jeep at hinihintay nalang mapuno ang mga pasahero bago umalis.
"Sakay na sakay na oh! Aalis na!" Ulit ulit ang sigaw ng nagbabarter na nag aaya ng mga pasahero para mapuno na ang jeep. Masikip na loob ngunit hindi padin umaandar ang sasakyan. Hanggang sa may isang lalake na halos madapa na sa kakatakbo para lang makasakay.
"Usad ho kayo oh! Kasya pa!" Umusad naman ang mga pasahero at umupo na ang lalaki sa tabi ko.
Moreno. Walang wax ang buhok. Matangos ilong. Ganda ng labi. Overall Gwapo.
Kahit gano payan kagwapo. Manloloko padin yan. Yung pangit nga lakas ng loob manloko, yung gwapo pa kaya.
"Ehem" pasimpleng ehem nung lalaki. Siguro nahalata niya yung pagtingin ko sakanya. Wala akong gusto sayo no. Assumerong pasahero. May pangiti-ngiti pang nalalaman. Dikitan koyang bunganga mo tsong.
Ibinaling ko nalang yung ulo ko sa bintana ng jeep at pinagmasdan yung mga sasakyan na nagdadaan.
"Para po"
"Para po" sabay naming sabi nung lalaki. Kaya naman nagkatinginan kami. Gaya-gaya tssBumaba naman nako ng jeep at naglakad na papasok sa loob ng University. Bigla naman akong tumigil dahil pakiramdam ko may sumusunod sakin at tumalikod.
"Sinusundan moba ko?" tanong ko sa morenong lalaki na gwapo pero mukhang manyak! Oo manyak!
"Ha? HAHAHAHA!" tinawanan lang ako ng loko.
"Baliw"
"Akala moba sinusundan kita? HAHAHAHA hindi lang naman ikaw ang mag-eenroll dito" bigla nalang akong tumalikod at naglakad ng matulin dahil alam kong sa usapang yon ay dehado ako.
Kumuha nalang ako ng number para sa pila ng mga nag-eenroll. Jusko! 211! ang aga aga pa. Ayun nanaman kasunod ko ulit ang tukmol ede pang 212 naman siya. Buong araw ko atang makikita pagmumukha nito. Ang malas ko.
"Hi miss assumera! Waned nga pala" sabay abot ng kamay sakin. Tinitigan kolang siya.
"Alam kong gwapo ko. Huwag mo naman ipahalata masyado na gwapong gwapo ka saken Hahaha"
Hindi ko nalang pinansin. Wala akong balak makipag-usap sa isang animo aircon ang awra.
"Hindi kalang pala assumera, isnabera ka pa pala. Sayang cute mo niyan miss"
"Ingay mo. Tumahimik kapa" inis kong sabi.
"Okay. *sabay zipper ng bibig*" corny naman neto.
Nilagyan kona ng pangalan ko yung number ko, mahirap na baka mawala pa.
"Oww. Talita C. Garcia. Nice to meet you Talita" sabay ngiting nakakaloko.
"Hindi ako nagagalak na makilala kang epal ka"
"Sakit naman non ahh" may pa hawak hawak pa sa dibdib na nalalaman. Kaartehan.
Hindi ko nalang siya pinapansin kahit dakdak siya ng dakdak at puro pangungulit sakin.
Sobrang haba ng pila. Hindi panga ako nakakayari ng Step 1. Magtatanghalian nadin at kumukulo na ang tiyan ko!
Bigla namang umalis ang Waned. Malay ko san yun pupunta, mas maganda ngang umalis walang istorbo.
+
Nakakatulog nako sa kinauupuan ko ng biglang may sumipa sa paa ko. Bigla naman akong napapitlag.
"Hahahaha mamaya kana matulog diyan 'Talita'." talagang feel na feel ang pagtawag sa pangalan ko.
"Oh. Bumili ako ng pagkain. Nangangawawa kana kasi" sinamaan ko siya ng tingin. Wag daw tatanggi sa grasya, masama yun. Hehehe Kaya kinuha ko yung isang styro ng pagkain na dala niya.
Walang hiya-hiya sa taong gutom bes.
"Wala manlang thank you? Okay na din sakin yung kiss"
Pasubo palang ako kaya hindi kona tinuloy at akmang ibabalik sa kanya.
"Joke lang joke lang. Hindi mabiro"
"Mas okay na sakin magutom kesa naman-- hay!" sumubo nalang ako at hindi na siya inintindi.
"Pakipot pa"
"Huh?"
"Wala sabi ko ang sarap ng pagkain" umoo nalang ako.
+
Nakatapos na kami sa Step 1 at ngayon ay Step 2 na kung saan nagpapamedical kami, may pa-drug test kuno. Dito ako pasok, labas sa cr. Eh pano ba naman kailangan kong umihi sa isang lalagyan. Pano ko ishoshoot yun? Kung lalaki ako okay pa, madali lang.
Pero nakaraos din naman ako. Pinagtatawanan panga ako ni Waned.
"Uy. Pano mo ginawa yun? HAHAHAHA" sinamaan ko siya ng tingin habang tumatawa. Buwisit nato.
Nagtuloy-tuloy lang kami sa mga dapat gawin hanggang sa makatapos. Halos 5 na ng hapon nung makayari kami sa pag-enroll.
"Hanggang sa muli assumera girl" paalam sakin ni Waned.
"Wag ka ng magpapakita sakin" pabirong sabi ko.
"Aray naman. Grabe siya oh" natawa nalang ako. May pupuntahan pa daw siya kaya hindi nadaw siya sasabay sakin kaya nauna nakong sumakay ng jeep.
+
Pagkababa ko sa jeep ay naglakad na agad ako sa sakayan ng tricycle para maka-uwi na.
Bigla naman akong nasagi ng isang bike. Aray! Muntik naman na siyang masenplang.
"Shit!" Mura niya habang umaayos sa pagkakasakay sa bike. Bigla naman siyang tumingin ng masama sakin na para bang naiinis. Nung nagtama ang mga mata namin ay biglang tumunog ang kampana ng simbahan.
💒
Paalala: Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar, at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasiyon ng may akda.
•Wala po kasi tong book cover pwede pong paggawa ako? Thank you po. Hope na may gumawa :)
-rashimaymay
BINABASA MO ANG
The Will of God
Teen FictionSi Talita Garcia ay may simpleng buhay. Hindi marangya ang kaniyang pamumuhay, hindi din maganda ang pagtrato sa kanya ng pangalawang asawa ng tatay niya. Pero kahit ganon, positibo lang ang pananaw niya sa buhay. Bawal ang nega! Sabi nga niya. Nagp...