"Baby is calling"
Girl: *masayang sinagot ang tawag dahil 8th monthsary nila* hey baby
Boy: hey... I need to tell you something
Girl: may problema ba?
Boy: meron. At isa ka na doon
Girl: baby anong pinagsasabi mo? Naguguluhan ako
Boy: pwede bang ikaw at ako nalang, wala nang tayo?
Girl: baby anong pinagsasabi mo?!
Boy: I'm breaking up with you
Girl: baby hindi yan nakakatawa. Wag kang magbiro ng ganyan!
Boy: seryoso ako, Break na tayo, hindi na kita mahal, wala na akong nararamdaman sayo. Sorry.
"Call ended at 9:49"
Next day
Nakita ni Girl si Boy at agad itong nilapitan, napatingin sa kanya ang mga kaibigan ni Boy
Girl: baby...
Boy: look, break na tayo, ayaw ko na.
Girl: paano na yung mga ala ala nating dalawa. Baby naman!
Boy: hanggang alaala nalang iyon. May iba na akong mahal. Sorry* aalis sana pero hinawakan ni Girl ang damit niya*
Girl: Dont leave me *umagos ang luha ni Girl*
Boy: goodbye
3 months later
Boy: hey
Girl: *ngumiti*
Boy: sorry
Girl:*tinignan si boy at kinuha anh basong puno* nakikita mo yan, tayo yan noon, maayos at punong puno ng pagmamahal. Pero... *hinulog ang baso at nalaglag* yan ang nangyari nung iniwan mo ako,nabasag. Katulad ng puso kong nawasak. Ngayon magsorry ka.
Boy: sorry *nakayuko*
Girl: bumalik ba sa dati? Diba hindi. Katulad natin hindi na magbabalikan. *kumuha ng parte ng baso at binigay kay boy*
Boy: bat mo ko binibigyan ng basag na piraso ng baso?
Girl: para malaman mo na basag, sira at wasak ang baso, katulad ng puso ko.
Boy: *natahimik*
Girl: ngayon alam ko na kung bakit walang nagmamahal sa akin. Dahil sirang sira na ako at hindi na iyon mababago.
Boy: kung sirang sira ka then let me love you, hindi man kita mamamahal ng buong buo pero pabayaan mo kong mahalin ang natitira sayo. Pabayaan mo kong mahalin ka kahit hindi mo na ako kayang mahalin.
Girl: Nasa nakaraan na lahat ng iyan. Nasa nakaraan na ang mga panahong mahal mo ako. Mga panahong sinabihan mo ako ng "i love you" at ayaw ko na iyong maulit, ayaw ko nang masaktan pa. *aalis na sana nang hinila ni boy ang kamay niya*
Boy: just give me a chance, Please.
*tinanggal ni Girl ang kamay ni Boy at umalis*
Boy: I'm sorry...
Girl: goodbye
Umuwi si Girl at sa mga nananatiling oras ay nagsulat siya. Tinanggal niya ang bonnet niya at tinignan ang sarili.
Nasasaktan, umiiyak, nahihirapan bago siya nanghina. Tinupi niya ang liham at iniwan sa lamesa bago siya humiga sa kama.
Tumatakbo si boy kailangan niyang pumuntang bahay ni Girl. Nakita niyang nakaitim ang mga tao sa loob at sa gitna ay may kabaong, ang mata niya ay naiyak habang papalapit sa kabaong. Tuloy tuloy ang agos ng luha niya sa nakita niya. Kulang nalang ay maligo na siya sa luha. Yakap yakap niya ang kabaong nang may inabot ang nanay niya. Isang liham. Binuksan niya ito at binasa.
"Hi baby,
Sorry hindi ko sinabi, sorry dahil tanga ako, dahil duwag ako. Dahil alam kong masasaktan ka, salamat dahil nakipagbreak ka sa akin. Salamat sa lahat. Salamat sa segundo, minuto, oras at buwan. Hindi man tayo nakaabot ng taon pero mamahalin parin kita. Totoong nasaktan ako noon pero patawad dahil ako ang magiging dahilan ng hinanakit mo ngayon. Hindi ako tumigil sa pagmamahal sayo. Pero kahit gusto ko pa, wala na talaga. Tapos na ang oras ko tapos na ang meron sa atin, please... Humanap ka ng babaeng hindi mahina katulad ko ng babaeng hindi duwag, ng babaeng mamahalin ka... Paalam na. Ito na siguro ang huli, mahal kita.
Once yours,
Girl"
Hindi ko na kaya, nananakit na ang puso ko, she loved me but I lost her.