Poetry 1

98 4 0
                                    

"TROPA KO"

Tropa ko
Masyado kang showy
Nag papakita ng kasweetan mo
Nagpapakita ng kagentle man mo
Nagpapakita ng pag mamahal mo

Kaya nahulog ako sayo
Nahulog,ng di ko alam
Nahulog sayo
Dumating ang araw na dapat mag tatapat ako sayo
Kaso kinabahan ako
Kinabahan ako na iwasan,mo ko
Iwan mo ko

Pero sa di inaasahang panahon
May nag sabi sayo na gusto kita
pero tumawa ka lng
At nagtanong saakin
"Gusto mo ba talaga ko?"
Sabi ko "oo matagal na"
Kaso sa isip ko
"Oo gusto,gustong gusto kita"
Bigla kang sumagot at sabi mo
"Ah ok"

Akala ko iiwasan mo na ko pero
Nagkamali ako
Lalo kang napalapit sa akin

Sa mga sumusunod na panahon
Lalo kang naging sweet.
So akala ko
Magiging tayo
Kaso pangarap ko lng pala yun

Tumagal ng tumagal
Natural na satin ang kinikiss ang pisnge
Hinuhugg ang isat isa
Lumalakad ng sabay at magkahawak kamay
Kaya sobra akong umasa
Nakalipas ang ilang linggo
ganon parin namn tayo

Kaso nang dumating ang isang araw,
Araw na kinakatakutan ko
Araw na sinabi mong "may gf na ko"
At ang sabi ko
"Dapat di ka nlng naging showy tangina sobrang sakit"
Sa isip ko "dapat hindi nalng ako umasa kasi tropa nga lng pala kita"
Sobrang nasaktan ako sa naging sagot mo
"Friends naman dba"

Hindi lng masakit
sobrang sakit!
Sana hindi nalang ako umasa
Umasa na maging tayo
Hindi pa ba sapat
Hindi ba sapat ang pagmamahal na binigay ko
Hindi pa ba sapat ang oras na binigay ko
Ang effort ko
Hindi pa ba ko sapat
Mahal kita!
Kaso tama na kasi ang sakit sakit na

Ang hirap hirap
Hindi ko kaya
Hindi ko kaya na mawala ka
Hindi ko kayang bitawan ka
Ang sakit,isipin
Na hanggang pangarap nalang ako

Masyado akong umasa
Umasa na magiging tayo
Ang sakit sakit!
Pero naisip ko
Pakakawalan na kita
dahil mahal kita
Hindi lng mahal, mahal na mahal kita!
Papakawalan kita
hindi dahil sinukuan na kita
Papakawalan kita
Dahil gusto ko maging masaya ka sa iba

Kaya ko na, na wala ka na sa aking buhay
Ay nagkamali ako kailangan parin pala kita
Upang maging masaya

Mahal tama na
Ititigil ko na tong kalokohan ko
Ititigil ko na ang katangahan ko
Magbabago na ko
Babaguhin ko na
Ang ugaling kinasanayan mo!

Dumating ang napakalamig na gabi
Iniisip ko na sana sa gabing yun
Kasama kita
at magkahawak kamay
Habang binibilang ang bituin
Bituin na nag niningning

Pre umalis kana
Tinataboy na kita
Kasi sobra sobra na ang sakit na nadarama

Kaya sa susunod
Wag kang umasa
kung tropa lang
Tropa lang
..............................

SPOKEN POETRY- TAGALOG Where stories live. Discover now