Nagtext si Crush

123 9 23
                                    

Nagtext si Crush
written by: Fluffyderella







His name is Gino Santillan but I call him G. He has this white complexion skin, brown big eyes, bloody red lips, 6'0 in height. In short, too perfect! Dagdag pa ang pagiging MVP player niya sa school. Gosh! And he's just near away from me. Oo! He's my kapitbahay! Langyaa! Hindi ko alam kung dapat ko ba 'yon ipagpasalamat dahil pakiramdam ko tuloy, nakapitbahayzone ako!

I posted it on my blog site matapos kong makasabayan sa pagbili ng toyo sa tindahan si G, ang kapitbahay slash crush ko. Ang hirap lang kasi magpigil ng kilig!  Pakiramdam ko, iniepilepsy ako. Ugh!

I stood at kinikilig na napahiga.Langyaa talaga! Bakit kasi hindi magawang i-update ng technology ang crush life ng tao. Bakit hindi na lang automatic na magustuhan din ako ni G?

"Dada!" Tawag sa akin ni Bebang, tagabantay ng tindahan kung saan madalas akong bumili ng load nang mapadaan ako sa kanila galing school.

"Oh?" Lumapit ako sa kanya.

"Naghahanap daw ng textmate si Gino. Binigay ko number mo." Anya na kinikilig pa. Alam kasi ng bruha na crush ko si G.

"Seryoso ka?!" Shet! Hindi ko alam kung maeexcite ako o kakabahan pero nangangati na ang kamay kong icheck ang phone ko.

"Oo nga." Nakangisi pa ang bruha.

"Sinabi mo na ako?" Mas lalo akong kinabahan. Siguro alam na niya na crush ko siya! Nakakahiya! Papatayin ko talaga 'tong si Bebang pag sinabi niya.

"Hindi. Syempre, di kita nilaglag. Binigay ko lang number mo." Nakuha pang tumawa ng leche. Samantalang, di na ako makahinga sa kaba.

"Bruha ka talaga, Bebang!" Halos yakapin ko na siya sa loob-loob ko. "Uwi na ako!"

"Imbitado ako sa kasal niyo ah?!" Dagdag na panunukso niya.

"Oo na! Gawin pa kita maid of honor."  Excited na akong umuwi ng bahay at cheneck ang phone ko.

Walang text. Buwisit ha! Di kaya niloloko lang ako ni Bebang?!

Gumulong ako sa kama habang hawak pa rin ang cellphone. Wala pa ring text.

"Baka walang load? Oo nga pero bakit naman siya hihingi ng katextmate kung hindi naman siya magloload?"

Umupo ako. "Baka busy o nagbabasketball pa?"

Napasabunot na ako ng sariling buhok. "Ugh! Pesteng Bebang!" Napatayo na ako bago tinapon sa kama ang cellphone. "Makaligo na nga lang! Paasa talaga!"

Matapos kong magshower, wala pa ring bagong number na nagtext sa akin. Nakatulog na lang ako, wala pa rin.

Nagising ako sa alarm clock ng phone ko. I checked the time. 7 AM. Napansin ko ring may text message ako mula sa isang unregistered number.

From: Unknown

Hi!

Kumunot ang noo ko. Ala-una ng madaling araw ang text. Siguro, isa 'to sa mga kaibigan kong nant-trip sa akin.

Balak ko sanang h'wag replyan ang buwisit pero siya namang text niya ulit.

From: Unknown

Good morning!

Nagtaas ako ng kilay. Determinado sigurong buwisitin ang araw ko ng mga leche. Nagreply ako ng cactus emoticon. Kasesend ko pa lang nun nang siya namang dating ng ikatlong message niya.

From: Unknown

I'm Gino.  Hope we can be good friends. By the way, I got your number from Bebang. I hope you don't mind.

Nagtext si Crush ( One Shot Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon