His Letters-- Annika

775 32 16
                                    

“Annika, tayo nalang please?”

“Sorry Michael, hindi talaga eh. You deserve someone better” Yun ang sabi ko. At paulit ulit na sinasabi sa mga lalaking nagtatangkang angkinin ang puso ko. Hindi naman sila karamihan, pero madalas may hitsura yung mga lalaki.

Ako nga pala si Annika, 18 years old. Nag-aaral ako sa UST, Pharmacy ang course ko. 2nd Year palang. Bunso and only girl sa apat na magkakapatid. Maganda, mabait, matalino, masipag—yan ang description nila sakin. Pero for me, ako lang ay isang simpleng nilalang. NBSB ako. Pag-amin palang nila, basted na. Yun ay… dahil di ko gustong magpa asa ng tao. At dahil na din, may laman na ang aking puso. Si Marc Larosa.

Isa siya sa Varsity ng Basketball. Engineering ang course niya at 3rd Year na siya. Bakit ko siya nagustuhan? Yun ang ‘di ko alam. Pero ang pagkakaalam ko kasi, mabait siya at masipag at matalino. AT, syempre ubod ng gwapo. Madami nagkakagusto sakanya, yun nga lang, di niya pinapansin yung mga yun. Di tulad ni Fitz, lahat ng fans niya sa campus pinapatulan. Palibhasa star player.

Di pa kami nakakapag-usap ni crush sa personal. Nahihiya ako eh. At parang di niya alam ang existence ko. Kahit kelan di ko siya nakitang nilingon ako eh. Meron ngang isang beses, akala ko nag hi siya sakin. Yun pala, nasa likod ko mga tropa niya. Meron ding isang beses na ngumiti siya sa direksiyon ko, yun pala nandun yung isa niyang classmate na babae.

Nasa hallway na ako para kunin yung gamit ko sa locker. Pero… ano ginagawa niya sa tapat ng locker ko?

Tinapik ko siya, pero siya, parang walang pakielam na nandito ako. Sinilid niya yung isang papel sa locker ko at sinabing “Bakit?”

“Anong ginagawa mo sa locker na yan?” Tanong ko.

“Can’t you just state the obvious? Naglagay ako ng letter sa locker na yan. Sino ka ba?” Expressionless niyang sinabi.

“Ako ang may-ari nung locker. Ikaw ba si C.A.?”

Tumawa siya. “No, Im Marc, Marc Larosa. Who’s C.A.?”

“Yung nagbibigay ng letter.”

“No, pinabigay lang yan. That’s definitely not from me. Hey, gotta go. Bye.” At umalis na siya sa harap ko.

He clearly doesn’t know me until now. At least nakausap ko na siya diba?

Binuksan ko si locker, at nakalagay dun ung sulat.

Annika,

      Buwan ka ba?

      Kasi, ikaw ang nagbibigay liwanag sa buhay ko.

      Kahit alam ko, pagdating ng araw, iiwan mo din ako.

      Kahit di man naging tayo.

      Good morning Annika, have a nice day!

                                               -Your Secret Admirer, C.A.

After a day, may letter ulit sa locker ko.

Annika,

      Sa wakas, nakausap na kita.

      Yung boses mo, ang ganda pala.

      Mas lalo akong naiinlove sayo.

      Good morning pala, aral ng mabuti.

      PS: Yung CD, pakinggan mo, cover ko yan ng Without You.

His Letters. [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon