My Letters-- Marc.

176 11 0
                                    

Ang sakit ng ulo ko. Hay. Alam niyo kung bakit? Nahihirapan kasi ako magisip ng gagawin eh. Malapit na kasi ang "Dance Of The Falling Stars". Mga...... Mga 6 months pa. Hehe, oo. Six pa. Pero basta malapit na.

"Wassap bro." Sabi ni Fitz saakin.

"Oy pre. Ano? May praktis ba o ano?" Sabi ko sakanya. Di ko naman kasi katropa 'to eh. Magkaibigan lang kami dahil sa varsity siya, tapos ako din.

"Ah wala lang. Nabalitaan mo na ba? Si Michael, for the first time, basted!" Kalalaking tao, ang chismoso.

"Eh ano ngayon?" Sagot ko. Sumama tingin niya saakin. "Ah, joke. Sino naman nambasted dun sa tropa mo na yun?"

"Si Annika pre. Yung chix." Napatingin ako sakanya. Uminit yung mukha ko na parang naiinis. Eh kasi naman, potek. Si Andrew, chicboy yun. Intindi ko naman eh, hobby niya na mambabae. Pero si Annika na yung pinapagusapan.

Oo nga pala, ako si Marc Larosa. 18 years old ako, taking the course of Engineering. 3rd year na ako. Nagkaroon na ako ng isang girlfriend. Hindi po ako bading. Minahal ko lang talaga siya ng sobra na hanggang ngayon, hindi talaga ako makamove on sa sakit. Second year college ako nun eh, nung third sem. Tricia Faustino, yan yung pangalan ng ex ko.

Niligawan ko siya ng isang taon. Tumagal kami ng 2 months. Ang tagal no? Haha. Pero minahal ko talaga siya. Ewan ko ba kung bakit, pero nnakipagbreak siya saakin sa kadahilanang iba yung mahal niya. Sinagot niya lang ako ng dahil lang sa isang dare. Nandun kami sa park nagbreak eh, sa may swing. Sinabi niya lang yung rason niya tapos ako, naiwang umiiyak. Sobrang nasaktan ako dahil pakiramdam ko, ginamit lang niya ako at mas pinaasa. Tumagal hanggang gabi yung pagiyak ko hanggang sa namalayan ko nalang na umuulan pala. 

Sa pagulan na iyon, nakilala ko ang babaeng minahal ko ng hindi ako kilala. Nakaupo lamang ako sa isang swing, at hinayaan ko na lang mabasa ako ng ulan. Tutal basa narin ako dahil sa pagiyak. Per siya, lumapit siya saakin at pinayungan ako. Kitang kita sa pwesto ko yung mukha niya. Maganda siya, matangos ang ilong, at may mapupungay na mata. Hindi ko alam kung bakit ako sakanya napayakap at napahagulgol nalang. Oo, basa ako pero hindi niya ako tinaboy kahit hindi din niya ako kakilala. 

Lumipas ang ilang bwan at 3rd year college na ako. Nahagip naman ng mata ko yung babaeng nagpayong saakin. Maganda parin siya. Ikinagulat ko dahil kacampus ko siya. Umupo siya sa isang bench. Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya. Pero mukhang hindi niya ako nakikilala. Gusto ko sanang magpasalamat akso umuurong dila ko.

Lumipas ang araw, linggo, na nahuhuli ko nalang ang sarili kong nakatingin sakanya. May nalama pa ako, bago siya lumingon sa kahit sino, eh sasarado ang palad niya. Sumasara lang ito kapag lilingon siya. Kaya tuwing nakatingin ako sakanya, eh napapaiwas agad ako kapag sasara na ang palad niya. Buti hindi niya nahahalata. Tapos, ang dami palang may crush sakanya. Halos buong campus ata. Hay. NBSB pa. At ang pangalan niya ay Annika Perez.

Kaya ang naisipan ko ay bigyan siya ng letter. Isang beses lang dapat eh. Kaso, hindi ko alam bat ko natutuloy. Yung unang letter ko eh :

Annika,

      Roses are red

      Violets are blue

      Many things are fake,

      But my love for you is true. <3

      PS: Alam kong torpe ako. Sorry kung hanggang dito lang ang kaya ko.

      Papakilala naman ako eh, soon. Aral ka mabuti. :-)

His Letters. [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon