PROLOGUE

16 1 0
                                    

Mga dugo.

Nakatayo lang akong pinapanood silang mamatay. Papa..Mama..Hindi ko maigalaw ang katawan ko, hindi ako makasigaw at hindi ako makapagsalita. Wala akong magawa.

Isang wolf papalapit sa akin, hindi ako makatakbo o makahakbang man lang kahit isa. "Pa-Pa-Patayin mo n-n-na ako.." nangingig kong sabi sa wolf na nasa harapan ko, itinaas nito ang kanyang malaking braso, may mahahabang kuko at matutulis na ngipin.

Tapos na ako..

Hindi ko namalayan, hinampas na ako ng kanyang malaking kamay dahilan para tumalsik ako kung saan. Nanatiling sarado ang aking mga mata pero puno ng takot ang buong katawan ko hanggang sa narinig ko ang ungol ng mga wolf.

Dinilat ko ang aking mga mata at wala na akong nakitang wolves pero may isa pang paparating. Mga taong pula ang mga mata at mahahaba na pangil. May lumapit na babae sa aking harapan, nakangiti ito sa akin. "Ikaw.."

"Queen Blair, kainin niyo na po iyan."

"No. Mukhang may gamit pa siya dito.." sinipa niya ako sa tagiliran kaya napaharap ako sa kanya. Umupo ito sa aking ibabaw, kinagat niya ang kanyang labi na agad na dumugo. "Ayaw mo ba sa mga wolves?" Tanong nito sa akin

"O-Oo.." mahina kong sabi sa kanya, "kung ganun ang sitwasyon, bibigyan kita ng mahabang buhay. Gusto mo ba yun?" Malambing na tanong nito sa akin.

"O-Oo.."

Lumapad pa ang ngiti nito. Hinawakan niya ang aking pisngi at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Naramdaman ko na lang ang kanyang labi, ilang sandali bigla sumakit ang puso ko at nakaramdam ng pagbabago sa katawan ko.

Ilang sandali lang ay tumayo na siya na may ngiti pa rin sa kanyang mukha.

"Welcome to Vampire's World."

----

"V-Vampire ka?"

"Ikaw..Wolf ka?"

The war between Vampires and Wolves has begun.

Undesirable LoveWhere stories live. Discover now