Chapter 5: Outburst

1.2K 126 81
                                    

Chapter 5: Outburst


Jazzmine

"Philosopher's Stone, is a legendary alchemical substance said to be capable of turning base metals such as lead into gold or silver. It was also sometimes believed to be an elixir of life; useful for rejuvenation and possibly for achieving immortality."


Nakapatong ang baba ko sa aking palad habang sinusubukan kong manatiling gising at makinig sa History professor namin. Masasabi niyong history ang pinaka-ayaw kong subject, samantalang iyon naman ang pinaka-paborito ni Avery kaya hindi na ako magtataka kung makita ko siyang nakikinig ng mabuti.


"For many centuries, it was the most sought-after goal in alchemy. The pilosopher's stone was the central symbol of the mystical terminology of alchemy, symbolizing perfection at its finest; enlightenment, and heavenly bli-"


Napatigil sa pagsasalita ang professor nang malakas na bumukas ang pinto. Tumama ito sa pader at rinig na rinig ang pag crack nito. Gulat kaming napatingin sa pintuan na ngayo'y sira nanaman. Natahimik ang klase nang may pumasok na anim na estudyante. Hindi ba sila...


Mukhang naramdaman nila ang tingin ko dahil itinuon nila ang tingin sa pwesto kung saan kami nakaupo. Napaupo ako ng tuwid.


"Err...good to see you finally come to my class," nauutal-utal pang sabi ni Professor.


Tinitigan lang siya ng mga ito. Umubo si Professor bago itinuro ang bakanteng upuan sa likod namin gamit ang kanyang kamay. "W-well, p-please take y-your seats."


Kampante silang naglakad patungo sa likuran. Ngayon ko lang napansin na kada may madadaanan silang estudyante ay awtomatikong iiwas ng tingin ang mga ito at tutungo. Ibinalik ko ang tingin sa kanila. Ang mga tindig at postura nila, malalaman mo na agad na may kakaiba sa kanila. At ang aura na bumabalot sa kanila parang sinasabi na 'Mess with us and you're DEAD.'


Nang malagpasan na nila kami ay hindi ko na sila tiningnan at ibinigay ang buong atensyon ko sa matandang nasa harapan namin; hindi pinapansin ang pakiramdam ng mga matang nakatingin sa akin. Magsasalita na sana siya nang biglang pumasok si Ma'am. Namula ang mukha niya nang makita ang sirang pinto.


"SINO NANAMAN BA-what?!" Hindi na naituloy ni Ma'am ang sasabihin niya nang senyasan siya ni Professor na manahimik. Tumingin siya sa pwesto sa likod namin, sinundan naman ng tingin ni Ma'am at biglang nanlaki ang kanyang mga mata; unti-unting nawawala ang kulay sa mukha. "O-oh, pumasok pala kayo." Lumunok siya.


Nang walang sumagot ay lumakad si Ma'am sa gitna at tumikhim. Bumalik sa pagiging kalmado ang itsura niya ngunit may kaunti pa ring kaba rito. "Okay, pinapasabi ng Dean na magkakaroon tayo ng activity tomorrow. May bagong nadagdag sa Red File, ang case ni Ms. Tiffany Park." Pagkabanggit ni Ma'am 'non ay napuno ng pagbubulungan ang klase.


Iisa lang ang kilala kong Tiffany Park, at siya ay yung humarang sa amin ni Avery kahapon. Ano yung Red File na sinasabi ni Ma'am? Bakit parang wala namang in-inform tungkol roon?


"Natagpuan siya ng mga guard sa likod ng school. Badly beaten, halos ikamatay niya na. Mabuti nalang at naagapan. We suspect na may bullying na nagaganap sa loob ng university." Hinanap naman agad ng mata ko sila Stephanie at nakitang nakatingin din pala sila sa amin ng masama. Agad kong inilihis ang tingin ko. "So magkakaroon tayo ng Anti-Bullying Campaign, in which bibisita tayo sa ibang school to perform. Well, kayong students lang pala ang magpe-perform while kaming teachers naman ang bahala sa anti-bullying related topics," ani Ma'am.

Playing with FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon