Chapter 7: Meeting Class D

1K 93 46
                                    

Chapter 7: Meeting Class D


Jazzmine

Napatingin ako bigla kay Avery nang itapat niya sa mukha ko ang isang can ng juice. Nginitian ko siya at tinanggap ito. "Salamat." Wala nang nagsalita sa amin pagkatapos 'non. Isinilid ko sa bag ko yung juice sa kadahilanang hindi pa naman kasi ako nauuhaw at tumingin ulit sa labas ng bintana ng bus. Kasalukuyan kaming nakasakay sa bus papuntang Jenver High at hindi ko maiwasang kabahan. Kanina pa naglalaro sa isip ko ang mga katagang binitawan ni Aira.


'That school is full of delinquents.'


Napabuntong-hininga ako. Pansin ko lang, simula nang pumasok kami sa Howell, napakarami nang kababalaghan ang nangyayari sa amin. 'Ni hindi ko nga alam na totoo yung mga gangsters bago ako makapasok doon eh. Sabagay, matagal na din naman akong naghahanap ng thrill. Masyadong cliche ang naging takbo ng buhay namin dati, pero hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan ko iyon makukuha.


Tumitingin lang ako sa mga nadadaanan ng bus nang biglang may mahagilap ang mata ko.


Habang pinapaandar nig lalaki ang kanyang motor ay nagkasabay siya at ang bus na sinasakyan ko. Saglit siyang napalingon sa akin at ganoon din ako. Pagkatapos 'non ay dumiretso ulit siya ng tingin dahil sa mabilis na pagpapatakbo niya at nauna na sa amin. Sinundan ko lang siya ng tingin. Maya-maya'y naglakihan ang mga mata ko habang nakatingin pa rin sa lumalayong motor. Bakit parang pamilyar ang itsura niya?


Napalitan ng mga puno ang nakikita ko sa bintana. Humarap ako at nakitang papasok na kami sa gate ng Jenver. Pinark ng driver ang bus at binuksan ang pinto nito. Isa-isa naman kaming nagsibabaan. Napalingon kami sa isang tunog ng busina at saktong pumasok ang isang malaking kotse sa loob ng campus. Iniluwa nito sila Anna na seryosong nakatingin sa building ng high school.


Agad kaming nilapitan ng isang lalaki na may kausap pa sa kanyang cellphone. May taglay itong kagwapuhan at mukhang nasa mids thirty. Nang malapit na siya sa pwesto namin ay agad niyang ibinulsa ang hawak na cellphone. "Welcome, dearest students of Howell," wika niya; suot-suot ang isang malawak na ngiti. "Ako nga pala si Richard Jenver. Principal ng Jenver High."


Tumigil siya sa tapat namin at tiningnan kami isa-isa. "So, no need to introduce yourselves. Kakatawag lang ng secretary ng Dean niyo kanina at in-inform na ako about sa inyo. Follow me and I'll show you to your assigned sections," sabi niya at tsaka nagsimulang maglakad. Sinundan lang namin siya ng tahimik.


Walang tao sa quadrangle, mukhang nagka-klase na sila. Nilibot ko ang paningin ko.


Maganda yung school. Malaki at hindi mo mahuhulaan agad na puno ito ng delikwente. Tama nga ang quote na 'Don't judge a book by its cover.'


Pumasok na kami sa loob ng building at naglakad sa hallway nito. Iba't-ibang classrooms ang nadadaanan namin. May chemistry class, math class, englsh class at iba pa. "Mga high school level lang ang tuturuan niyo, para kahit papaano cooperative sila," sabi ni Sir Richard. Tumigil siya sa isang room. Class-A. "Okay, Ms. Chao and her friends will teach this section."


"Ha! We got the best section, as expected!" proud na proud niyang sinabi at taas-noong pumasok sa room, kasunod ang mga kaibigan niya.

Playing with FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon