"Mamatay ka na!" wika ng isang baliw na babae sa kanyang kapitbahay na nagdidilig ng halaman bakuran.
Hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa.
Maya-maya lamang ay nagkagulo at umalingawngaw ang bulungan ng mga tao.
Nakita ang baliw na nakahandusay, duguan at tila wala na itong buhay. Na-hit and run ng sasakyan.
