Magno (One Shot)

53 0 0
                                    

Matinding lamig, ito ang aking nadama ng unti unti kong haplusin ang sementong aking kinalulugaran. Alikabok, lupa at kung anu ano pa, ito ang nagsisilbing higaan at unan ko sa bawat gabing lumilipas. Sinubukan ko ring haplusin ang mga bagay na maabot ko. Ganoon pa rin, ako’y nag-iisa pa rin. May bago pa ba? Tanging mga tunog ng kuliglig at mga kulisap ang naririnig ‘ko. Idagdag mo pa ang huni ng mga hayop na paminsan minsan ay nakakasama ko sa magdamag. Mukhang mapayapa ang gabing ito. Kakaiba sa mga nakaraang gabi na lumipas.

                Ilang saglit pa, ilang mabibigat na yabag ang aking narinig. Nanggagaling ang mga ito sa medyo may kalayuan. Hindi ko ito masyadong binigyan ng pansin. Ngunit, makaraan ang ilang saglit, palakas na ng palakas ang mga yabag na kanina lang ay parang bulong lang ang lakas. Sinimulan na akong kabahan at makadama ng matinding takot.

“Hindi maari ito! Nariyan na naman siya!”

Akala ko ay doon na natapos iyon. Tandang tanda ‘ko pa noong gabing sinubukan kong makatakas. Wala akong ginawa kung hindi ang tumakbo ng tumakbo habang nadarama ang unti unting panghihina ng aking katawan. Kaligtasan at kalayaan ko lamang ang tanging nasa isip ko ng mga panahong iyon. Ngunit, habang sinusubukan kong makawala, lalo lang akong nananatiling bihag niya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hanggang sa tuluyan nang bumigay ang aking katawan.

Nang ako ay magkamalay, nakagapos na ako at narito na ako sa malamig at maruming sementong ito. Sa mga unang araw, paulit ulit kong sinubukan na makawala sa pagkakagapos na ito. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti unti na rin akong nawalan ng lakas at pag-asa na balang araw makakawala rin ako sa pagkakagapos at muli, masisilayan ko na rin ang liwanag na nawalay sa akin ng mahabang panahon. Sapat na ito upang makaramdam ako ng matinding pangungulila ngayon. Ganito pala ang pakiramdam, mabigat, at nakakasakal. 

“Ayoko na tama na! Lubayan mo na ‘ko!”  Sa tindi ng determinasyon kong makawala, binigay ko ang buo kong lakas upang makawala at sa laking gulat ko, nakalas ang kadena. Hindi na ‘ko nagdalawang isip pa. Tumakbo na ako papalayo sa kanya. Pinilit kong hindi lumingon at nagpatuloy sa pagtakbo. Sa kagustuhan kong makatakas, hindi ko na napansin ang malubak na daan. Ako ay nadapa, parang hindi ko na kakayanin. Tuluyan na yatang bumigay ang aking katawan. Maipagpapatuloy ko pa kaya? Pinilit kong bumangon at sa hindi maipaliwanag na paraan, bigla akong nakaramdam ng lakas na nanggaling sa aking kalooban. Unti unti akong bumangon at himala nakagawa ko pang tumayo. Ipinagpatuloy ko ang aking karera. Maya maya pa ay naramdaman kong gumagaan ang aking pakiramdam. Naamoy ko na rin ang simoy ng kalayaan. Buti ay natatandaan ko pa ang amoy nito at heto na ang init ng liwanag ng buhay, unti unti nang nasisinagan ang aking  kayumangging balat.  Pakiramdam ko muli akong nabuhay. Para akong halaman na uhaw sa kalayaan na muling nadiligan ng tubig na nagmula sa bukal.

Sa wakas, natapos din ang bangungot na iyon. Bangungot na bumihag sa akin ng mahabang panahon.

“Paalam nakaraan! Ako si Magno... at ito ang aking kwento.”

Magno (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon