#38- Good Bye... :'(

376 8 1
                                    

This is the last chapter of School of Vague...

Aww... Kahit naman wala masyado nakakapansin sa storyang ito, nalulungkot ako kasi tapos na.

Gagawan ko naman sya ng Epilogue... Thank you po sa mga sumuporta, ha! ^_^

MAHAL KO KAYONG LAHAT! THANK YOU~♥

~♥HJH

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

#38

-REINA'S POV-

"I hate that girl. Sya ang dahilan kung bakit nagkakaganyan si Onyx!"

Narinig ko ang galit na galit na boses ni Lolo.

"'Pa, please! Hindi kasalanan ni Reina ang nangyayari kay Ryan!"

Pagtatanggol naman sa'kin ni daddy.

"Kung hindi dahil dyan sa ampon mo, hindi magkakasakit si Onyx! Sya ang dapat sisihin sa nangyari sa tagapagmana mo!" --Lolo

Nakita kong naglakad na paalis si Lolo saka ako pumasok sa mansyon at lumapit kay daddy...

Anong nangyari kay Kuya? Anong sakit nya?

Kasalanan ko nga ba?

"Daddy....."

Lumingon si daddy para makita ako.

Malungkot na niyakap nya ko.

"How much have you heard?" --Daddy

"Halos lahat po..." Sagot ko na mangiyak-ngiyak na.

"Don't mind him, Reina. Wala kang kasalanan." --Daddy

Nag-angat ako ng ulo.

Nakita ko ang napakalungkot na mukha ni Daddy.

"Dad... anong nangyari kay Kuya...?" Naiiyak na tanong ko.

Kung may mas lulungkot pa sa itsura ni dad kanina, eto na yun.

Para bang nangyari ang pinakamasamang bagay na maaaring mangyare...

"Your brother..... he's very very sick..." --Dad

Tinitigan ko si dad para ipagpatuloy nya...

"He has a heart disease called Ventricular Fibrillation. Nag-syncope ang Kuya mo nung last time na hinatid ka nya sa bahay nyo."

O_________________________________O

Narinig ko na ang sakit na yun sa professor namin na Doctor. Fatal ang heart disease na 'to.

Kelan pa.....?

.

..

...

Dun ko na-realize na kaya pala tuwing makikita ko si Kuya nung mga nakaraang buwan lagi syang maputla, mukhang pagod at matamlay.

Ni hindi ko na sya nakikita ng dalwang buwan....

"Dad.... is he.... dying?" Nagtatapang-tapangan na tanong ko.

Nakita ko ang pagpatak ng luha ni daddy.

Saka sya marahang tumango....

...........

-ALENDY'S POV-

Sinundan ko si Reina sa bahay ng daddy nila ni Onyx.

Matagal ko na kasing di nakikita at nakakausap si Onyx.

School of Vague [Xander Vox University]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon