-Paghilom. Pagtanggap. Pagmamahal-

2 1 0
                                    

Heal me...
Para sa lalaking mananatili sa aking tabi
Nais ko sanang pagalingin mo ang sugat sa aking labi
Sugat na dulot ng mga mapanlokong halik na nagbibigay sa akin ng pighati.
Hindi ka doktor pero ikaw ang nais kong magpahilom ng mga sugat sa aking sarili.

Accept me...
Sinta, sana sa paggaling mo sakin
Ay isama mo na rin ang pag tanggap mo saakin.
Pagtanggap sa sugatan kong katawan,
Pagtanggap sa magulo kong nakaraan.

Love me...
Ginoo, maaari mo na rin ba kong mahalin?
Mahalin ang buong pagkatao ko, mahalin kung anumang meron saakin.
Wag kang magaalala dahil ikaw ay mamahalin ko din.
Mamahalin kita higit pa sa inaaakal mo,
Mahal, ikaw na ang tahanan at mundo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon