PROLOGUE

23 0 0
                                    

THIRD PERSON'S P.O.V

~FLASHBACK~

"Mitsuha!!"

"po?" sabi ni Mitsuha pagkatapos niyang makapasok sa kwarto ng kanyang ina na hawak-hawak ang kapatid nito na umiiyak

"asan ka na bang bata ka?!, diba sabi ko sayo bantayan mo yung kapatid mo!!"

"diba po inutusan niyo akong magluto ng tanghalian" sagot ni Mitsuha sa kanyang ina

"pwede mo namang balikan diba!!"

"pasensya na po" sabi nito habang nakayuko

"tss, magtimpla ka nalang ng gatas ni Amira" sabi ng ina nito

"opo" sabay punta dun sa lagayan ng mga milk bottle ng kapatid niya

Habang nagtitimpla si Mitsuha ng gatas ng kanyang kapatid ay di niya maiwasang umiyak ng dahil sa pagod. Sa murang edad niyang iyon ay halos lahat ng gawain sa bahay ay alam niya na tulad ng pagluluto na kahit matalsikan siya ng mga mantika ay itinutuloy niya parin dahil tsak na papagalitan nanaman siya ng ina niya,marunong nadin siyang maglaba at marunong na rin siya sa mga gawaing bahay kahit na sa murang edad nito ay pinipilit niya parin kahit na hindi na niya kaya dahil paparusahan nanaman siya ng kanyang ina na walang ibang inisip kundi ang kanyang kapatid.

Sa totoo lang yun ang dahilan kung bakit siya hiniwalayan ng asawa nito na ama ni Mitsuha, masyado daw itong bossy at kung ano daw gusto nito ay dapat yun ang masusunod. Pero kahit naman iniwan siya ng tatay niya ay hindi naman siya nakakalimutan nito na bigyan ng pera at buwan buwan ay binibigyan siya nito ng P200,000 na nakalagay sa ATM niya di naman siya nagkaproblema sa pagkuha ng pera doon dahil tinuruan ni Nanay Aida at marami din namang koneksyon ang kanyang ama sa mga bangko dahil na rin sa sikat ito na bussiness tycoon sa buong mundo kaya kahit na bata pa ito ay pwede na itong magwithdraw na hindi naman niya palaging nagagawa kasi nga bata pa siya at wala naman siyang ibang kailangan bilin. Hindi alam ng nanay niya na may koneksyon pa ito sa tatay niya at binibigyan pa siya ng pera dahil pag nalaman nito ay baka kuhanin nito ay mga pera at pagalitan.

"Mitsuha!!!"

"po?"sabay pahid ng mga luha nito

"Napakatagal mo namang magtimpla ng gatas, mamatay na tong kapatid mo sa gutom!!"

"ito na po ma" sabay abot ng milk bottle

"Ano yung naaamoy ko na sunog?" sabi ng ina nito habang sumisinghot na parang may inaamoy at naalala niya yung sinasaing niya

"patay" bulong niya sa sarili niya sabay takbo pababa sa kusina nila at pinatay ang kalan.

"malalagot nanaman ako nito kay mama" tinignan niya yung kaldero at tumambad sakanya ang kulay itim na kanin, sa sobrang kaba niya dahil baka kung ano nanaman ang gawin sakanya ng nanay niya ay bigla niyang hinawakan ang mainit na kaldero na ipupunta niya sana sa lababo para linisan at makapagsaing ng panibago, pero dahil nga sa wala siyang hawak na pot holder at sa kaba ay napaso ito sa kamay

"Ahhh!! kasi naman eh" sabi niya saktong pagkatalikod niya ay bumungad sakanya ang nanay niya na may hawak ng belt at nanginginid sa galit na parang kakain ng tao.

*PPAKK*

"Mama!!, tama na po, di na po mauulit, magasaing nalang po ulit ako!!" sabi ni Mitsuha habang hinahataw siya ng nanay niya

"Tama na?!, wala ka ng tamang ginawa sa buhay puro ka nalang kapalpakan!!"

*PAK*

"WAHH!! tama na po mama, pasensya na po!!"

"Puro nalang ba pasensya ha Mitsuha?!!, puro nalang katangahan at kamalasan ang ginawa mo sa buhay ko!!" habang patuloy padin sa paghataw kay Mitsuha.

Habang hinahataw si Mitsuha ng nanay niya ang bigla namang dumating si Nanay Aida, ang katulong nila simula sanggol pa lamang si Mitsuha, galing itong probinsya dahil nagkasakit ang asawa nito at walang mag-aalaga.

"Jusko Mitch!?, anong ginagawa mo sa bata?" sabi ni Nanay Aida habang tumatakbo papunta kila Mitch na nanay ni Mitsuha

"N-nanay!" sabi ni Mitsuha sabay punta kay Nanay Aida at niyakap ito habang umiiyak

"Nay?, nakauwi na po pala kayo?" Mitch

"Ah oo, ano nanaman bang problema niyong mag-ina at nag-aaway nanaman kayo?"

"eh yan po kasing bata na yan eh!,simpleng pagsasaing lang di pa magawa ng tama"

"hay nako Mitch alam mo naman na masyado pang bata si Mitsuha sa mga ganyang bagay kaya intindihin mo nalang" nanay aida

"Hay ewan ko sainyo?, kaya ganyan yan eh, palagi niyong kinakampihan!!" sabi ng nanay ni Mitsuha sabay walkout paakyat ng kwarto

"Mitsuha halika na muna sa kusina,kailangan natin lagyan ng yelo yang mga pasa mo"

"N-nay ayoko na po dito" sabi ni Mitsuha habang umiiyak

Di naman maiwasan ni Nanay Aida na maawa sa alaga dahil sa murang edad nito ay nakakaranas na siya ng ganong pagmamaltrato.

"ha?, eh san ka pupunta?"

"k-kay papa po"

"baka magalit ang mama mo sakin pati na din sayo"

"palagi naman pong galit sakin si mama, tsaka sumama nalang po kayo para di po magalit si mama sainyo"

"hay nako, eh pano ang mama mo pag umalis tayo?" Nanay Aida

"Kaya naman niya na po siguro ang sarili niya" sabi ni Mitsuha

" kailan tayo aalis?" Nanay Aida

"ngayon na po sana habang asa taas pa siya" Mitsuha

"Sige pumunta ka na ngarod sa kwarto mo at kuhanin mo na lahatng mahahalaga mong gamit, buti nalang may contact ako ng papa mo"

"sige po" sabi ni Mitsuha at dahan-dahan na pumanik sa kwarto niya.

Pagkatapos nga ayusin ni Mitsuha ang mga gamit niya ay umalis na sila ni Nanay Aida sa bahay ng Mama niya at pumunta sa ama nitong naghihinay sakanya.

Ms. Cold meets Mr. SnobWhere stories live. Discover now