Prologue

8 1 0
                                    


Meet Keanna Joy Louise Rey de la Merced. The one and only Campus Kontrabida Princess. Maganda, mayaman, matangkad, sexy and most of all... BITCH!


Ang haba ng pangalan niya, noh? Pero hindi kasinghaba ng pangalan niya ang pasensya niya. Pinapahirapan at pinapahiya niya ang lahat ng babaeng nagiging girlfriend ng bestfriend niya na si Kier Ocampo. Isang playboy pero siya lang naman ang nag-iisang nagpatibok ng puso niya.


*****



"Water please!" utos ko sa isa kong alipores na hindi ko alam ang pangalan.


Bakit hindi ko alam? Because I'm not interested. San ako interested? Isa lang ang sagot ko jan. Ang pahirapan at ipahiya ang mga girlfriend ni Kier. Bakit ko ginagawa yun? I don't share what's MINE. Kier is mine at dapat lang na kunin ko ang para SAKIN.

Inabot sakin ng alipores ko ang isang bottled water. Iginala ko ang paningin sa paligid ng canteen at napangiti nang masilayan ang aking NEXT TARGET. Nasa pinakadulong bahagi ng canteen, mag-isang nakaupo habang kumakain sa isang mahabang mesa.

I smirked. Students give way to me as I walk near my target. Lahat ng atensyon ay nakatuon lang sa akin at nag-aabang sa mga susunod kong gagawin. Tch. I really love attentions. Sino bang hindi?


"Chelsea right?" bungad ko sa babae.


Gulat na napatingin siya sakin at kitang-kita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang mapagtanto kung sino ako. Kita ko ang takot sa mga mata niya. I smiled at her sweetly.


"I-I'm S-Shane." Utal na usal niya habang nakayuko. "K-Kier's girlfriend." Dugtong pa niya na siyang ikinataas ng kilay ko. Tch. Inirapan ko siya.


"I don't care who you are." Pagtataray ko sa kanya. Nilapitan ko pa siya lalo. Hinaplos ko ang itim na itim at mahaba niyang buhok na siyang ikinanginig ng mga tuhod at kamay niya. "And FYI... you're no longer his girlfriend." Dugtong ko pa at inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at bumulong. "Because from now on... you're one of his Exes."


Lumayo ako ng konti sa kaniya. Kita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata niya. Nuh-uh! I just broke another heart this day.

Tinignan ko ang hawak na bottled water at inalis ang takip nun. Nginitian ko siya at saka ibinuhos ang laman na tubig niyon. Nagulat ko siya sa ginawa ko maging ang mga nanunuod ay nagulat din. Narinig ko ang pagtawa ng mga alipores ko na nasa likod ko lang.

Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Basang-basa ang buhok niya at maging ang white longsleeve na uniform niya ay nabasa rin. Bakat ang kulay pulang bra na suot niya.


"Oops! I'm sorry. Akala ko kasi hindi ka pa naliligo. I'm just being thoughtful." Pang-aasar ko pa. nilapit ko ulit ang bibig ko sa tainga niya at bumulong uli. "Stay away from Kier or else I'll make your life a living hell. Got it?"


Tumango naman siya bilang tugon sa banta ko. Tch. Inirapan ko na lang siya at hinarap ang mga alipores ko.


"Let's go girls." Yaya ko sa kanila. Agad naman silang tumalima. Nagpatiuna ako sa paglalakad habang nakasunod naman sila. Pero bago pa man kami makalayo ay narinig ko na ang boses ng nag-iisang taong sobrang kinaiinisan ko.


"Are you okay?" Si Angelica Fortem. Ang babaeng katunggali ko sa kasikatan. Nilingon ko siya at nakita ko kung paano niya iabot sa babaeng binuhusan ko ng tubig ang isang jacket. "Wear this. Baka lamigin ka." Sabi niya pa at tinulungan ang babae sa pagsusuot niyon.


Kumulo ang dugo ko sa nakita ko lalo na nang yakapin niya ang babae nang humagulgol ito ng iyak.

I really really hate her. Bakit? Because I'm insecure. She's like an angel at MAS HIGIT pa siya kesa sa akin. Ayoko sa kanya. At gagawin ko ang lahat para mahigitan siya.


"You're my NEXT target." Mahinang usal ko at naglakad palabas ng canteen.


*****


Paano kung isang araw ay makaharap niya si Mr. Kupido at humingi sa kaniya ng tulong? Will she accept the mission kung ang katumbas nun ay ang pagkawasak ng kaniyang puso? 


Kaya niya kayang paglapitin ang lalaking mahal niya at ang babaeng labis niyang kinaiinisan? Si Angelica Fortem. Ang babaeng katunggali niya sa kasikatan ay magiging karibal niya rin pala sa puso ni Kier?!

Matchmaker Kontrabida PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon