Untitled

14 1 0
                                    

Kailan ko lang nalaman 'yung tungkol sa neargroup, bago ko siya nameet doon. Grabe, broken hearted talaga ako kaya napilitan akong magneargroup. Kinailangan kong aliwin 'yung sarili ko, wala na kasi akong makausap, walang akong mapapagsabihan. Kaya ayon, napilitan nga akong lumapit kay neargroup. October 15, 2017, siya kaagad 'yung nakachat ko. Grabe, pagkatapos ko siyang makachat, nakipagkilala ako, siyempre nagpakilala din siya. Nagpalitan kami ng mga informations, 18 years old na siya, 4th year student, Accounting-Tech siya. Ako naman, 17 years old pa lang ako that time. Grade 12, Humss 'yung kinuha kong strand. Magsapsychology kasi ako soon, ayon. Kinuha ko 'yung number niya, hindi ko alam, pero binigay niya kaagad. That time, nag-out na ako pero hindi pa namin in-end 'yung conversation naming dalawa. Tinawagan ko siya, pero matutulog na pala siya, tulog na rin kasi 'yung mga kasama niya.

Kinaumagahan, tinext ko kaagad siya, bale kwinento ko muna sa kanya 'yung past ko. Ayon, nagbigay naman siya ng mga advice sa akin. Hanggang sa nagkaintindihan kaming dalawa, hindi ko inexpect na mangyayareng mahuhulog 'yung loob ko sa kanya. Tinetext ko na siya lagi, kahit sobrang busy ko na. Lagi akong nagkwekwento sa kanya, kasi siya hindi siya nagkwekwento, minsan lang. Tumatawag na rin ako sa kanya, every night. Ang sweet-sweet ko na nga sa kanya eh, LSM sa umaga, hanggang sa pagtulog pa nga. Ang conflict lang sa aming dalawa is 'yung religion naming dalawa, hindi kasi parehas. Born again siya, ako hindi. Kaya ayon, kahit anong pagpapakilig ko sa kanya, kahit anong efforts ang gawin ko sa kanya, maappreciate man niya, nagpipigil pa rin siya ng nararamdaman niya. Pero nagpatuloy lang kami, hanggang sa nagkita na nga kami for the first time. Grabe, nahihiya ako lalo na noong nasa harap na ako ng school niya. Tapos ayon nga, nakita ko na siya, grabe, nakakaamazed, ang sarap niyang titigan.

Kumain kami sa McDo, tapos ayon nagkausap na nga kami, nagkita na kami for the first time. Hindi talaga ako makapagsalita ng maayos, nararattle ako, hindi ko alam pero ang ganda talaga kasi niya. Kaso hindi nga lang ako makapagpapicture sa kanya kasi nahihiya ako, saka hindi rin ata niya kasi gusto at nahihiya din siya. Kapag magkikita kami, hihintayin ko siya sa gate ng school niya, minsan aabotin na ako ng 8PM mahintay lang siya at makita ko siya or makapag-usap kaming dalawa. Hindi kasi sapat na sa text lang, lalo ko siyang namimiss. Lagi ko rin siyang ginagawan ng tula, manunulat kasi ako, pero naging disadvantage ko 'yon, kasi ang akala niya ginamit ko na 'yon or sinabi ko na 'yon sa ibang babae. Nakakalungkot no? Pinaghirapan mo, tapos ganon lang matatanggap mo. Pero tinuloy ko pa rin, hanggang sa maappreciate din niya. Sa paglipas ng panahon, masasabi kong close na kaming dalawa, kahit sa phone lang, nahihiya talaga ako sa kanya in person eh. Sa five months, hindi ko magawang hawakan 'yung kami niya.

Ewan ko, natotorpe ako eh, wala si Mickey Mouse sa dibdib ko, pero dinadaga talaga ako. Siguro, respeto ko na rin sa kanya 'yon, kasi wala namang kami. Pero pinaramdam pa rin niya sa akin na mahalaga ako sa kanya, naramdaman ko ring mahal niya na rin ako. Nagtatampo na rin siya kapag hindi ako nakapagtext sa kanya or late ko siyang narereply'an. Kaya simula non, nagpapaalam na ako sa kanya, sa lahat ng gagawin ko. Ang sweet no? Hahaha

Pero dadating pa rin talaga 'yung oras na magkakatampuhan kayo, mag-aaway kayo. Naalala ko pa, natutulugan ko kasi parati, ayon 'yung isang reason kung bakit kami nag-aaway. Hahaha, nakakaasar nga eh, kahit anong gawin kong pigil sa antok ko, natutulugan ko pa rin siya, kaya naisipan ko dati na tumayo na lang kesa sa humigang nagpipigil ng antok. Tapos naging busy na rin siya sa school, kasi nga graduating siya, tapos nag-oojt na ako. Pati 'yung schedule ng pagtawag ko sa kanya, nabawasan na. Dati whole week pwede, pero WedThuFri na lang, hanggang sa Friday na lang. Ang sad no? Hanggang sa wala na rin akong natatanggap na messages galing sa kanya sa umaga, pati sa tanghali, gabi na lang kami nakakapag-usap ng maayos. Nakakalungkot, saka puro na rin siya hinala sa akin, nagseselos siya kapag hindi ko siya natetext ng maayos. Bumabawi naman ako, pero hindi siya naniniwala, puro na lang siya hinala sa akin. Ang lungkot no? Minsan tinanong niya ako, paano kung iwan na kita, sabi niya. Nakakapanghinang marinig, galing sa kanya.

Mapagod man ang mundo na umintindi sa'yo, pero ako, hindi ako mapapagod na intindihin ka. Pinangako ko sa kanya 'yan, pero ang sabi lang niya, mapapagod ka din. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang siya akin, parang ang laki ng doubts niya sa akin. Hanggang sa naging problema na rin namin 'yung about sa religion namin, nahihirapan na daw ata siya. Kaya isang araw, iniwan niya na lang ako. Ang sakit, wala akong magawa kundi palayaan siya. Pero ilang araw lang ang lumipas, bumalik siya. Sabi niya, parang mas nahirapan lang siya lalo noong iniwan niya ako. Aaminin ko, tuwang-tuwa ako that time, kaso may halo ng sakit at takot, na baka iwan niya ulit ako. Huhuhuhuhu T_T

At eto nga, dumating na 'yung araw na lubos ko ng kinakatakutan. Naging busy kasi ako sa school, may practice kasi kami para sa graduation namin, nakakapagod, hustle, tapos parang nawalan na rin ako ng gana na itext siya, kasi lagi niya akong binabalewala, oo, nagiging totoo nga 'yung sinabi niyang mapapagod din ako, patawad sa kanya, pero ang hirap pala talaga kapag ikaw lang 'yung lumalaban, wala siyang alam niya nahihirapan na ako, wala lang talaga siguro sa kanya. Pagkatapos ng graduation ko, nagpaalam ako sa kanya, na may paparty 'yung classmate ko. Sabi niya okay lang, tho alam kong magtatampo siya don, pero last na kasi naming magkakasama ng mga kaklase ko, kaya pinagbigyan ko sila. Hindi ko na naman siya natext, kaya ayon, nagalit na siya, blinock niya ako sa messenger, pati sa phone niya. Hindi ko siya macontact, ang hirap ng ganito. Huhuhuhu! Mahal na mahal ko siya, pero siya na mismo 'yung lumalayo sa akin. Alam kong alam niyang mahal na mahal ko siya, kahit nasaan ako, pero natabunan na kasi ng selos, akala, pagdududa ang lahat ng 'yon. Mahal, hanggang sa hukay pa nga sana, ikaw 'yung gusto kong makasama. Pero ba't kana lumalayo sa akin, huhuhu. Sorry sa lahat, salamat sa pagpapahalaga, salamat sa lahat, sa pagmamahal, sa sakripisyo at efforts. Pero patawd, siguro kailangan ko na rin magmove forward. Basta kapag kailangan mo na ulit ako, unblock mo na ako, tapos huwag kang maghesitate na ichat ako ne. I miss you already, I love you, good bye. T_T

NEARGROUPWhere stories live. Discover now