Part I
Magkakilala kami simula noong nasa grade school pa lang kami. Magkaklase rin kami. At madalas na pinagpapartner kami, kahit noong naghigh school kami.
Pero hanggang doon lang kami.
May gusto kasi siyang iba.. Samantalang ako... Patay na patay sa kanya..
Oo, may gusto ako sa kanya.
Noon pa. Noon pang una 'ko siyang makilala.
Siya 'yung batang iyakin. Laging pinapaiyak ng mga kaklase namin dahil ang cute cute niyang maasar, pero kahit ganoon, napakamasiyahin niyang tao. Marami siyang kaibigan, pero ako raw ang pinaka bestfriend niya sa lahat. Hahaha. Sabi niya 'yun dati. :)
Sabay kaming umuuwi sa hapon, inihahatid 'ko siya sa bahay nila para masiguradong safe siya. Pero hanggang 3rd year high school lang 'yun, dahil nagkaroon siya ng boyfriend noon at syempre, iyon na ang naghahatid sa kanya pauwi.
Nasaktan ako noon. Araw-araw na parang binibiyak ang puso 'ko kapag nakikita 'ko silang magkasama.
'Yung araw-araw mong iniisip na sana, sana ikaw 'yung lalaking 'yun na lagi niyang nakakasama.. na laging nagpapangiti sa kanya.. 'yung taong nasa likod ng mga ngiti at tawa niya.. 'yung taong nag-aalaga sa kaniya.. 'yung taong sinasabihan niya ng "Mahal kita" at 'yung taong magsasabi sa kaniya na "Mas mahal kita"..
Sana ako 'yun..
Ang tagal 'kong pinangarap ang babaeng 'yun, pero napunta lang sa iba.. at eto ako ngayon, pinapangarap pa rin siya hanggang ngayon.. At sa tingin 'ko, hanggang pangarap na lang talaga siya..
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkatotoo ang mga pangarap ko.
Sa hindi 'ko alam na dahilan, naghiwalay sila ng boyfriend niya. Ako naman, bilang pinakabestfriend niya, ginawa 'ko ang lahat para i-comfort siya.
Naging okay naman agad siya. Nakalimutan niya ang mga sakit na pinagdaanan niya. Kinalimutan niya ang unang lalaking nagpaiyak sa kanya.
Inihanda ko na ang sarili 'ko noon. Sabi 'ko sa sarili 'ko na, kung ayaw 'kong mapunta ulit siya sa iba, kailangan 'ko na magtapat sa kanya. It's now or never.
Kaya naman, noong araw na iyon, saktong birthday niya noon, sa tapat ng simbahan, pagkatapos naming magsimba, nagtapat ako ng pag-ibig sa babaeng matagal 'ko ng pinapangarap.
"S-Sandy.. a-ano kasi.... ma-may gusto kasi a-akong sabihin sa'yo.."
Napatigil siya sa paglalakad, at humarap sa akin.
"Ano 'yun, Jeff?" Nakangiti pa siya habang inaamoy pa rin ang mga puting bulaklak na regalo 'ko sa kaniya na siyang paborito niya.
Napatitig pa ako sa kaniya. Hindi 'ko alam kung paanong sisimulan. Natatameme talaga ako pagdating sa kaniya. Napaka-torpe kapag siya na ang nasa usapan...
"A-no k-kasi... S-sandy. I LOVE YOU!"
Isinigaw 'ko pa iyon at napapikit dahil sa sobrang kaba 'ko. Ganun pala ang pakiramdam ng magtatapat ka sa taong gusto mo. Parang sinisipa ng sampung kabayo ang dibdib 'ko sa kaba.
"A-anong sabi mo, Jeff?"
Ilang segundo rin akong nakapikit, hinihintay na magsalita siya. At noong nagsalita na siya, pagdilat 'ko ng mga mata 'ko, nakita 'ko ang namumulang mga pisngi ni Sandy. Napakaganda niya talaga.. Hindi 'ko maiwasan ang humanga sa napakaganda at napaka-inosente niyang mukha.. 'Yung mukha ng isang anghel na higit 'ko pang minamahal sa bawat araw na lumilipas.. Hindi 'ko talaga alam kung bakit iniwan at pinaiyak ito nung gagong lalaking 'yun. Kung alam lang niya kung gaano 'ko pinapangarap ang babaeng sinaktan at pinaiyak lang niya.. Tsk.
"S-sabi ko, I love you. I love you. Saranghae. Ich liebe dich. Aishiteru. Je t'aime. Mahal kita.. Mahal kita, Sandy. Mahal na mahal."
Parang maiiyak na ako nung nagtatapat ako sa kaniya. Siya naman, halatang gulat na gulat pa rin habang namumula ang mga pisngi niya.
"K-kelan pa?
"Noon pa. Noong mga bata pa lang tayo. Noong una kitang makilala. Ga-"
Naputol ang sasabihin 'ko dahil sa..
*Pak*
Nagulat ako at napahawak na lang sa pisngi 'ko na sinampal niya..
"B-bakit, Sandy?
"Bakit?! Tinatanong mo ba ako kung bakit kita sinampal ha, Jeff?! Ako! Ako gusto kitang tanungin ngayon kung bakit ngayon ka lang nagtapat sa akin! Bakit, Jeff? Ba-bkit??"
Nakita 'kong sunod sunod na tumulo ang mga luha niya.. Bakit? Bakit siya umiiyak? Hindi 'ko maintindihan. Bakit???
Humakbang ako palapit sa kaniya, pero lumayo siya.. Bakit parang ang sakit sakit ng nararamdam niya? Bakit parang pakiramdam 'ko higit pa 'to noong naghiwalay sila nung ex niya?
Nakitang 'kong napahigpit ang hawak niya sa bigay 'kong mga bulaklak.. Magsasalita sana ako pero naunahan niya ako..
"Alam mo ba, ang tagal 'kong hinintay na sabihin mo sa akin 'yan.."
Napangiti pa siya ng mapait habang nakatingin sa akin ang lumuluha niyang mga mata.. Ang sakit ng nararamdaman ako.. Ang makitang umiiyak ang babaeng mahal 'ko sa harapan 'ko..
"..hinihintay 'ko araw-araw na sabihin mo sa akin 'yan.. Ba-bakit ngayon lang, Jeff?? Ba-kit??"
Napahagulgol at napayuko na siya sa pag-iyak habang tinatanong sa akin kung bakit. Bakit? Bakit nga ba?
"So-sorry, Sandy.. Natakot ako, natakot na baka masira kung anong meron tayo.. Masaya na kasi ako sa simpleng napapangiti kita.. Na nakakasama kita araw-araw. Masaya na ako kahit na magkaibigan lang tayo.. Hindi kita ipagpapalit sa nararamdaman 'ko! Mas mahal kita na kaya 'kong tiisin na lang lahat ng sakit na makita kang masaya sa iba.. Kaya.. kaya hindi 'ko magawang umamin sa'yo.."
Nangingilid na ang mga luha 'ko nung mga oras na 'yun..
"I love you too, Jeff."
Mula sa pagkakayuko niya, humarap siya sa akin at sinalubong ako ng mga ngiti sa labi niya, habang naiiyak iyak pa rin.. Nagulat ako. Ano raw ang sabi niya?
"A-anong sinabi mo, Sandy?
Hindi sa nagpapakamaarte ako at gusto lang maulit 'yung sinabi niya, pero dahil sa gusto 'ko lang makasigurado na tama ang narinig 'ko at wala pang deperensya ang mga tenga 'ko.
"Sabi 'ko, I LOVE YOU TOO, Jeff. Mahal din kita."
Napahawak pa siya sa bibig niya para hindi 'ko marinig ang paghikbi niya.
Hindi na mapigil ng nangingilid 'kong mga luha ang pagbagsak nung mangiti ako.. Wala nang sabi sabi. Nilapitan 'ko na siya at niyakap. Niyakap ng sobrang higpit. 'Yung higpit na parang wala na akong balak na bitawan pa siya.. Wala naman na talaga akong balak na bitawan pa siya kung hindi lang kami nakakaeskkandalo dito sa harap ng simbahan. Hahaha! Grabeng eksena na pala 'yung ginawa namin. :D
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya at nakangiti 'ko siyang hinarap.. :">
Pinunasan 'ko ang mga luha niya at ganun din siya sa akin. Pagkatapos ay hinawakan 'ko na ang kamay niya at nagsimula na kaming maglakad pauwi.
Napakasaya 'ko nung mga oras na iyon. Pareho kaming abot langit ang ngiti habang tinatahak ang daan pauwi sa kanila.. Eto na 'yun! 'Yung matagal 'ko ng hinihintay! Kung noon, magkasabay lang kaming naglalakad pauwi sa kanila, ngayon naman, magkahawak kamay na kaming naglalakad. :)
Happy? Yes. :)
Eto na ang simula para sa aming dalawa..
Pero hindi pala..