Hi! Ako si Shyra De Leon. 16 years old. Kasalukuyang nakatira sa Davao City. NBSB ako, yun bang 'no boyfriend since birth' :D
Sabi nila kawawa raw ako kasi wala Pa akong experience, OP ako kapag kasama ko mga kaibigan Kong may mga boylet, dakilang third wheel kumbaga. Pero para sa Akin, enjoy naman ang single life chong! Wag atat na magkaroon ng karelasyon kasi baka pagsisihan mo sa huli. Sabi nga nila 'Patience is the key'. Kaya tinataasan ko ang pasensya ko 😂
Pero minsan nakakalungkot din. Eh kasi naman sa kdrama, wattpad o movies lang ako kikiligin ng todo todo eh! Minsan kay crush 😍
Speaking of crush, oo may crush ako. Si crush na matangkad, si crush na maputi, si crush na may sense of humor (kaya nga crush ko eh), si crush na matalino, na responsable sa pamilya, na masipag, na makadiyos 😇, na joker at si crush na walang alam 😭 walang alam na crush ko SIYA! Ampanget naman siguro isipin na aamin ako dun. Wow ang gwapo lang! (E pogi naman talaga iiih)... Jan akong namomoblema, ang hirap mag pretend eh! Ung pagka gentleman niya, kikiligin ka. Pretending that it's nothing, but deep inside my heart is jumping! Minsan nga iniimagine ko na boyfriend ko siya. Iiiiiiih! Kinikilig ako. Hahaha, pero Imagine lang eh. Yan tayong mga single eh, Jan tayo magaling, sa imagine.Pero sa crush din, kahit crush lang natin yan nakakaranas parin tayo ng gaya sa mga taken yun bang 'heart broken'.. Oo naranasan ko na yan.
At ito ang kwento ng CrushLife ko....
YOU ARE READING
No BOYFRIEND Still BEAUTIFUL
FanfictionAng kwentong ito ay walang ka kwenta-kwenta pero isinulat ko parin dahil di ako makatulog. Ang storyang ito ang hango sa totoong buhay (charot). Basahin niyo nalang. Kung di niyo like, edi wag niyo ng ipagpatuloy. Nagsasayang ka lang ng oras teh...