CHAPTER 3 : The valedictorian
Nandito na kami ngayon sa kwarto ko.
Hindi naman ganun kalaki ang kwarto ko , simple lang.
Hindi naman kasi ganun kayaman katulad ni third
Actually middle class family lang kasi kami,
Kaya minsan na iintimidate na ako sa sobrang yaman nila..
Habang nag ni-night bath pa si eunice
kami ni charity nakahiga na kasi tapos na kami
" friend, i have a question ! " sabi ni charity.
" ano? " tanong ko.
" dapat ko bang sagutin si kyle, ? kasi 7 months na siyang nanliligaw and nag exam pa siya sa papasukan nating university para daw dun na din siya mag aaral nang college , para kasama niya na daw ako, " tanong ni charity
" hay friend, kung mahal mo edi sagutin mo, tska tignan mo 7 months ka na niyang nililigawan pero parang kayo na naman, umaasa na nga ata siya na sasagutin mo siya tignan mo umeeffort pang maging school mate na kayo this coming college " - me
" ewan ko nga , kasi parang gusto ko siya pero parang natatakot ako sa commitment . Thou minsan naiinggit na ko sa inyo ni third ..gusto ko na din nang may taong matatawag kong bf ko, " - cha
" bakit natatakot ka sa commitment? " nagtatakang tanong ko
" ewan, natatakot lang akong pumasok ulit sa relationship kasi katulad dati sa first bf ko diba?? Nakipagbreak ako kasi nasasakal na ako, kayo ba ni third? Hindi ka ba nasasakal sa kanya minsan? " - siya
" ahh. Jusko friend, paranoid kasi yung ex mo, akala niya lahat nang lalaki aagawin ka sa kanya, bakit ganon ba si kyle? Yung si third ko naman, pareho kaming kalog kaya walang sakalan na nagaganap emotionally kasi physically nagaganap sa amin yung sakalan " - biro ko
" kaya nga friend i envy you!! Sweet naman si kyle tska feeling ko time na para sagutin ko siya. " - charity
" aba ! Sasagutin mo siya? Sa tagal nang panliligaw niya ngayon lang? Tska dahil lang naiinggit ka kay anja? Bago mo siya sagutin tanungin mo muna sa sarili mo kung mahal mo ba talaga siya at kung ano ang sagot mo sa tanong na yun ay yun din ang isagot mo sa kanya " - andiyan na pala si eunice sa may paanan namin habang nagsusuklay at nagpapatuyo nang buhok sa tapat nang electric fan.
" para kang kabute eunice, andiyan ka na agad " - ako
" sa sobrang seryoso niyo, di niyo na ko napansin lumabas nang banyo , oh ano nga charity ?? " - eunice
Pero ang tanging sinagot lang ni charity ay ang pag baon niya nang unan sa mukha niya sabay nag ngangangawa,
" KITAMS YOU ARE NOT SO SURE ABOUT YOUR FEELINGS ! " prankang sabi ni eunice
" paano mo ba nalaman noong mahal mo si third ha anja? " - tanong ni charity na ngayon nakatingin na sa akin ulit
" noong umpisa pa lang kasi crush ko na siya, malay ko bang may gusto na din siya sa akin nun, hanggang sa nanligaw siya, yung sense of humor niya ang laking factor nun bakit ako naakit lalu sa kanya... days passed nagising na lang akong siya ang unang naiisip ko, na sobrang saya ko kapag magkasama kami , heaven friend !! ganun!!, " sagot ko kay charity,
" ako pag gising ko sa umaga , hindi ko naman siya naiisip pero masaya ako pag kasama siya , pag lumalabas kami, kahit napaka seryoso niya ang sarap niyang pagtripan, hindi nabubuo araw ko pag di siya pinagttripan. " - charity