Maldita 1

1K 32 3
                                    

Papasok na ako sa malaki at maganda kong Mansyon.

“Good afternoon young lady” bati sakin ng mga maid. Syempre dahil sa likas na maldita ako hindi ko sila pinansin sino ba sila? Isang hamak na katulong, alipin, mucha-cha, hampaslupa para pansinin ng isang NATALIA GABRIELLE CHUA 

Natalia Gabrielle Chua isang mayaman, maganda, sexy, matalino, mabait MINSAN at mayaman at maganda …inulit ko lang para magkalinawagan

Ang tawag ng mga tao sakin ewan ko lang kung tao sila ah? Mukha kasi silang alien eh! ‘Devil in Disguise’ ang tawag sakin. Bakit? Malay ko rin! 

Ganun na ba ko kasama para matawag nilang Devil?! 

Habang naglalakad ako sa maganda at sosyalin kung mansyon at nagpapakilala sa inyo. May dalawang katulong, alipin, mucha-cha na nag chichismisan habang nakatalikod sakin ABA?! Hindi napapansin ang mabango kung presence?!

“EHEM!” kunwaring ubo ko, hiyang hiya naman ako sa kanila!

O.O <--- reaksyon nilang dalawa

“Alam niyo yung dadaan? Ako yun! Alam niyo yung nakaharang? Kayo yun!”

“S-sorry po young lady” sagot ng dalawa mucha cha sabay yuko

“Aanhin pa ang batas kung may sorry naman? Tsk! Tabi nga nakakapeste kayo!” 

At dumiretso na ko sa papunta sa mini office ko dito sa mansyon 

Pagpasok ko sa mini office ko bumungad sa akin ang isang baklang nagbabasa ng magazine habang may juice at cake sa table at prenteng prenteng naka upo sa sofa nakataas pa ang paa! 

Mala Boss ba ang dating?!  Pwes! Mali kayo PERSONAL ALALAY ko yan! 

“Boss, kamusta negosyo natin?” pabungad ko sakanya

“Ay Elle andiyan ka na pala” Walang galang baklang  yan hindi ako tinatawag na young lady FC kasi masyado well, close naman talaga kami.

“Kamusta ang pinapagawa ko sayo?” Sabay upo sa aking chair at sinimulan ng mag payaman

“Anong pinapagawa?” tiningnan ko ng masama ang bakla 

“Wag mong sabihing hindi mo ginawa?” sabi ko in a warning tone

“Paano ko gagawin aketch eh wala ka namang pinapagawa, duh~!”

Sabi niya with handgesture pa!

“PUNYETA KA PALANG BAKLA KA EH! OH AYAN I-SAN MO NG MAPIRMAHAN KO!” Sabay bato sa kanya ng mga folder

“Ay bakla! *Sabay salo ng folders*ang brutal mo talaga!” 

I just roll my eyes 

Tss..asan na ba yun?! Putek! Ba’t naman kasi ang kalat ng office ko?! Ang daming papel na nagkakalat! Papalinis ko nga ‘to kay bakla, asan na ba kasi yun?! Ayaw naman magpakita!

My Maldita Girl [SOON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon