#Uno~Dare

11 2 0
                                    

Kampanteng tinungo ko ang pathway patungong Class4A kung saan ko makikita ang target ng aking misyon.

Zyphe Roland Rosales. Ang taong isla sa hari ng paliitan ng taong kakilala. Loner kumbaga. And unfortunately, ang taong napili ng mahiwagang utak ni Annie na paglaruan.

Friendsary naming magkakaibigan ngayon and to make our celebration more interesting and alive, we decided to make a little twist--a dare for example. We've been doing this since our fifth friendsary ng maisipan iyon ni Kimberly. So basically, we've been doing dares once a month. No bias for the five of us dahil kaming lahat ay may dare at napagdedesisyunan iyon ayon sa aming mga nabunot na pangalan. Our theme for our 14th monthsary is "Miss Lupet, Boy Nganga."

Si Annie ang nabunot ko at ang dare niya saken is to confess my love for Zyphe which is funny kasi parang ang dali dali lang ng ipinapagawa niya sakin.

Panalo ako kapag pagkatapos kong magtapat ay mapastarstruck ko ang mukha ni Zyphe at pagkatapos sasabihin naming ang katagang "JOKE LANG". Hindi ako pwedeng matalo dahil kung sino man ang matatalo ay siyang magbabangka sa kakainin namen for our celebration. And when I say five girls with Kimberly in a free eating session, naku! magwithdraw kana sa bangko mo dahil hindi lang kami malakas lumantak, magastos pa! Lalo na si Angela dahil hindi yan kumakain sa mga mumurahing restaurant pag libre.

But anyway, I am very sure I can win this game. Sisiw na sa akin ito dahil pangatlong dare ko na to & the last time I confessed to a boy, hinimatay sa kaligayahan but this time is interesting..this is our first time na gawin to sa school..with audience. And I must admit na kinaabahan ako and at the same time, excited knowing my target is very mysterious at wala akong hint sa kung ano ang hilig at ugali niya. Nagresearch ako about sa kanya pero puro basic lang ang nalaman ko katulad nalang ng ilang taon na siya, san siya nakatira, buo niyang pangalan at bukod dun ay wala na akong nalaman pa. But either way, malaki ang tiwala ko sa kagandahan ko kaya kayang kaya ko na to!

Confident kong binagtas ang inuupuan ni Zyphe habang pinapa ikot-ikot niya sa armchair niya yung G-tech niyang ballpen at kita mong nililipad na sa kung saan mang lupalop ang kanyang katinuan. I snap my hand at him at animo'y nakakunot ang mukhang tinitigan ako ng mapansing nakatitig din ako sa kanya. I smiled widely at him na animo'y model ng toothpaste. Tinaasan lang niya ako ng kilay and then dropped his favorite line.

"Anong kailangan mo?" nakasimangot na saad nito.

I composed myself and smiled seductively

And then the last thing I knew is that A MIRACLE HAPPENED...A BEAUTIFUL AND MEMORABLE MRACLE MEANT ONLY FOR THE CHARMING LEASANDRA VANDILLAN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Declare World War ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon