*For all passengers of flight Canada to Philippines, please proceed to the boarding area.
"Miss? We should go now." naabala ako sa paglalaro ng cooking games nang kalabitin ako ng bodyguard ko. Ngumiti na lamang ako sa kanya at saka tumayo para ihanda ang lahat ng bagahe ko pabalik ng Pilipinas.
Buti na lamang at pinasama ni Auntie Syenyn ang ilan sa mga body guards ng kanilang pamilya para tulungan ako sa pagbubuhat ng mga bagahe ko.
"Thanks for your help. Please sent my regards for my cousin." pagpapaalam ko sa kanila at dire'diretso nang nag-check in para makasakay na ako sa eroplano.
Pagkasakay ko sa eroplano ay hinanap ko na agad ang upuan ko para maka'idlip lang kahit sandali.
Napuyat kasi ako nung mga nakaraang araw dahil na rin sa ginanap na kasal ng pinsan ko dito sa Canada. Ang hilig hilig niyang mang-asar na hanggang ngayon ay single pa rin ako, di porket nakapangasawa na siya... hmp!
Bbbbbbbh
Naupo na ako at naglagay ng pantabon sa mata para hindi na ako maistorbo sa pagtulog. Gustong gusto ko nang umuwi—miss na miss ko na si lola at dad. Si mom kasi, wala na siya eh. Tuwing itatanong ko kila dad kung bakit nawala si mom, ang lagi niya lang sinasagot sa akin ay nagkasakit siya. Malaking katanungan sa akin kung ano bang klaseng sakit yun at ikinamatay yun ng mom ko.————
Nakalapag na ang eroplanong sinakyan ko. Nandito ako sa waiting area para hintayin ang susundo sa akin.
Abala ako sa paglinga'linga nang may tumawag sa akin.
"Hello?" tanong ko sa kabilang linya
"Ms. Emily? I'm sorry ma'am but Mr. Brightwell said that he will going to a business trip together with the driver that should be the one who will fetch you up." mahabang sabi niya sa akin
"Ganun ba? Paki sabi kay dad ok lang, may pera pa naman ako at mamamasahe na lang ako." sincere kong sabi sa kanya
Ibinaba ko na ang tawag at naglakad na papunta sa exit. Pumara muna ako ng taxi para makapunta sa pinaka malapit na LRT station para mapabilis na ang byahe ko.
Pagkasabi ko sa driver kung saan ako ibababa ay tumingin na lang ako sa labas ng bintana.
Natutuwa akong makita ang mga batang nagtatakbuhan sa gilid ng kalsada. Na kahit ganun ang estado nila sa lipunan ay nakakaya nilang ngumiti na parang wala silang problema.
Pagkababa ko ay iniabot ko na kay manong ang bayad ko ay mano'manong iniakyat ang maleta ko paakyat sa LRT station. Pagkakuha ko ng ticket ay pumunta na ako sa gilid para hintayin ang tren.
Dahil bandang ala-sais pa lang ng umaga, ay medyo unti pa lang ang tao kaya may mga upuan pang natira. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at inilagay ang headphone sa tenga ko sabay pikit ng aking mga mata.
Maya-maya lang ay huminto ang tren at kasabay ng pagbukas ng mga pintuan ng bawat bagon, ay idinilat ko na rin ang aking mga mata. May pumasok na dalawang matanda at isang lalaking ka'edaran ko siguro at tinulungan niya ang dalawang matanda para maka'upo. Umupo naman siya sa tapat ko at biglang nagtagpo ang mga mata namin. Ipinikit kong muli ang mga mata ko, at naghintay ng ilang minuto bago ko idilat muli ang mata ko.
Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatingin pa rin siya sa akin. Umayos ako ng upo at ibinaba ng kaunti ang bonet na suot ko. Bigla namang ngumiti ang lalaki habang nakatingin pa rin sa akin.
Pumikit na lang ulit ako para hindi na lang siya pansinin, pero nagtatalo ang isip at puso ko para tignan muli kung nakatingin pa rin siya sa akin. Bumilang ako ng hanggang tatlo.
Isa. Dalawa. Tatlo! At sabay ng pagdilat ko ay ang pagtigil ng tren.