The Story

213 5 4
                                    

Pumasok ako sa school na maganda ang mood ko, tapos pagpasok na pagpasok ko sa room. Inasar ako ng bully kong crushmate. Kainis toh'! Buti nalang crush ko sya kaya di sya makakatikim ng sapak sakin.

"Nene. Nene. Tinapay ka ba?" sabi ng crush ko sakin na si Vince.

"Hmmm.. Hindi, bakit?" Sabi ko naman na nakangiti pa na parang aso.

"Kasi lakas ng PUTOK mo eh!" sabi ni vince tapos sabay lakas ng tawa. In-emphasize nya pa talaga yung word na PUTOK.

"HAHAHAHAHAHA" All of my classmates.

Grabe napahiya ako dun, kaya tumakbo ako sa palabas ng room. Nagpunta ako ng graden para magpa-unwind kasi talagang napahiya ako sa classmates ko! Buset na Vince yun. Gaganti ako kahit na crush ko pa sya, napahiya ako eh!

**

Kinabukasan pumasok ako kahit na ayaw ko ng pumasok dahil sobrang napahiya ako. Kaso yari ako sa mama ko pag' di ako pumasok. Nakayuko akong pumuntang room at tahimik na umupo sa upuan ko. 

"Si Ma'am andyan na!" sabi ng classmate ko

"Good Morning Ma'am!" Lahat kami 

"Good Morning class. Take your seat!" sabi ni Ma'am

Nagro-roll call na si Ma'am ng attendance namin.

"Carlos" 

"Present Ma'am" sabi ni carlos

"De Vera"

"Present Ma'am" sabi ko.

"Ms. De Vera. Why are you absent yesterday?" Sabi ni Ma'am with taas kilay pa. 

"Ahmm. Ma'am ka-kasi po--" Pinutol ni Ma'am yung sinabi ko kasi naman nakakatense eh! Lahat ba naman ng classmate ko sa'kin nakatingin! Criminal lang?! Pumatay ba ko?! Ganun ung tingin nila?! Duh! Kasalanan toh' ni Vince kung di nya lang ako pinahiya kahapon edi sana di ako umabsent!

"Anyway. I don't need your explanation, papalagpasin ko ginawa mong pag-absent na walang excuse. But if you do that again I will call your guardian. Ok! I'ts that clear Ms. De Vera?" 

"Opo Ma'am." 

Buset buset! Kasi yang Vince na yan tiningnan ko ng masama si Vince sa upuan nya. Itong Vince naman na toh' aba't di ata nakokonsensya sa ginawa nya! Ngingiti ngiti na parang asong baliw! 

Hanggang sa matapos si Ma'am magroll call at mag discuss sa lesson nya. At dinis-miss na kami ni Ma'am.

Habang kinokopya ko sa seatmate ko yung mga pinasulat ni ma'am dahil wala nga ko kahapon, ito namang si Vince lumapit na naman sa'kin. Tsk! Mang-aasar na naman toh'. Di ko nga sya pinapansin. Sulat lang ako ng sulat.

"Penge ako One whole" sabi ni Vince.

"KAPAL! Pagkatapos mo ko ipahiya manghihi-" sabi ko kaso naputol ung pagkakasabi ko kasi may dinugtong pa sya sa sinabi nya.

"Trisha." Dugtong ni Vince sa sinabi nya kanina. Kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Yan kasi sabat ng sabat di naman sya kinakausap ko." Sabi nya sa'kin na tatawa tawa pa.

"Paepal ka kamo! Para kang tanga. Badtrip toh' " Inis na sabi ko sa kanya with death glare.

"Chill! Chill lang Nene De Vera you're too high blood, baka mapano ka nyan." Nakangisi na sabi ni Vince naman sakin.

"Gusto mo sapak?" sabi ko tapos inangat ko na yung kamao ko

"Bye Nene! And thanks Trisha!" Sabi nya na tumayo na at aalis.

My Crush is a Bully(One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon