Isang Umaga. . . . hanggang hapon
Kung minsan ang magbabarkada ang pinakamalalapit na grupo ng tao kaysa sa isang pamilya. Hindi naman lahat, kung minsan lang, pero ang minsan na yun ay nangyayari.
Si Danilo, Dan ang tawag ng barkadahan sa kanya, at si Helen Raiah, HeRa ang palayaw, sa kanila iikot ang buong kwento ng isang kaibigan na laging tama sa pagkakataon ang dating.
Sila ang magbabarkada sa isang urban na subdibisyon sa isang lugar sa lalawigan ng Quezon. Tulad ng mga karamihan na magbabarkada, magkakakilala na sila simula noong kabataan pa nila. May sariling lugar ng tagpuan at tambayan, may mga huni, sipol at palakpak na tawagan para maiba sa nakararami na simbolo ng kanilang pagiging magkakabarkada. Nang minsang isang Sabado, karamihan sa kanila ay walang pasok. Binisita agad ni Dan ang kanilang kubo na nasa isang burol di kalayuan sa subdibisyon. Katatapos lamang ng almusal noon kaya't inaasahan niyang wala pang kahit isang tao dun. Pagbukas niya ng pinto, tinignan agad niya ang aparador na kinumpuni nilang magbabarkada para taguan ng gamit para sa kubo, andun ang Cap niya,
Dan: "Dito ko nga naiwan (bulong nito sa sarili)."
Dumiretso sa likuran para tignan kung may panggatong pang kahoy. Sa sobrang abala di niya namalayang may pumasok sa kubo. Dumaan siya sa tagiliran ng kubo nang mapansin niyang may isang babaeng nakadungaw sa katapat na bintana ng kanyang pwesto.
Dan: "HeRa!?"(Nagtatakang tanong nito sa sarili)."
Pumasok siya.
Dan: "Hoy!, agap mo ah"
Habang pumapasok sa harap na pinto ng kubo
HeRa: "Dan!" (Gulat na tugon nito)"
Dan: "Hindi naman ikaw ang toka ngayon ah"
HeRa: "Alam ko! gusto ko lang tumambay dito"
Dan: "Wahahaahaah, problemado?" At lumapit na din sya sa bintana
HeRa: "Parang"
Dan: "Wahahahahahahah" (may tonong nangbibiro)
Tumingin ng seryoso si HeRa sa kanya habang nakatuon ang dalawang siko sa babahan ng bintana.
Dan: "Aha. .. .hahah..... hhhaaaaaayyyy" habang humihina ang tawa. "Sabi ko nga, Meron?" At itinuon din ang mga siko sa babahan ng bintana. "Kaya naman ba?"
HeRa: "Siguro, ako pa!" na medyo napangiti habang nakatingin sa malayo
Dan: "Ikaw pa nga eh" napansin niyang pinipigil lang nitong umiyak, isinout ang Cap kay HeRa at napalingon sya kay Dan. "Geh, iiyak mo lang yan, may bibilhin lang ako kina aling Badang, gagaan yan ilabas mo lang" malamig ang boses habang papalayo kay HeRa.
Hindi muna umalis sa bintana si HeRa, sinigurado nyang nakaalis muna si Dan bago isara ang bintana at pinto, saka umupo at umiyak.
Kay Dan,"Aling Badang Pineapple juice nga po" tawag nito "Sino na naman ang pinaiyak mo?" biro ni Aling Badang "Wala po!" mariing tanggi nito "Naku, mga kabataan nga naman ngayon" habang umiiling-iling "Salamat po! Una na po muna ako" at dumeretso na pabalik sa kubo.
Kay HeRa, hindi pa rin tumitigil ang daloy ng luha sa kanyang mga mata, naalala nya si Ken, ang nobyo nya, ang kanilang masasasayang pinagsamahan, ang mga araw na sila lagi ang magkasama. Habang napapangiti siya ay tuloy pa rin sa pagtulo ang luha sa kanyang mga mata at nang makarating sa may pisngi ay saka nya lamang ito pinapahid.
Hindi naman kalayuan ang kubo sa kabahayan kaya't madaling nakabalik agad doon si Dan, nakinig nya ang mahinang hagulhol ni HeRa kaya dumaan sa may likuran ng kubo at umupo sa ibaba ng bintana na nakatapat sa papuntang tuktok ng burol.