Chapter 4

303 9 2
                                    

[AUTHOR'S NOTE: HELLO! WALA LANG. BYE~ XD DEJK. DEDICATED TO THE AUTHOR OF MY FAVORITE EXO FANFIC


***************


"Okay lang siya, nagkaroon lang ng maliit na sugat sa ulo niya at nawalan siya ng malay dahil sa lakas ng impact" , narinig kong sabi ng isang lalaki.

"Ganun po ba? Sige po, salamat" , sagot ng isa pang lalaki.Siguro doctor yung unang lalaki. Hindi ko pa rin idinidilat ang mata ko pero ramdam ko na ang pagsakit ng ulo ko. Dahil siguro sa sugat na sinabi nung lalaki. Ako siguro yung tinutukoy niyang may sugat sa ulo. Pero bakit ganun, pati tiyan ko masakit din? Teka,, paano ba ako nagkasugat ng noo ko? Ang alam ko lang magkasama kami ni Aileen tapos wala na. Asan na nga ba yun si Aileen?

Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko. Kaliwang mata lang muna para tignan kung sino ang kasama ko sa kwarto kung saan ako nakahiga ngayon. Walang tao sa kaliwa ko. Idinilat ko naman ang kanang mata ko. Imbis na kanang mata lang, naimulat ko ang malaking dalawang mata ko. Malaki as in O.O

"Gising ka na pala. May pasilip-silip ka pang nalalaman diyan"

"Anong ginagawa mo dito, Axel ?"

"Eto, binabantayan ka. Obvious ba?"

Si Axel. Si Axel lang ang tanging lalaking minahal ko bukod sa tatay ko, sa kuya ko at kay Chanyeol. Kahit papano mahal ko rin naman yung kuya ko na yun no. Pero gaya ng kaso ko kay Yeol, ayun wala rin. Hanggang friends lang talaga. Kung kay Yeol , biaszoned ako. Kay Axel, friendzoned. Wala talaga akong swerte sa peg-ebeg na iyen. T^T

"Ano bang nangyari sa kin? Bakit ako nandito?" , tanong ko sa kanya . Takte ang sakit ng ulo ko

"Ayun. Nagpa-practice kami ng mga kaibigan ko dun sa park malapit kung nasaan kayo kagabi. Nagkamali ako ng sipa kaya ayun. Sayo ang tama. Sorry ha" , puso ko nga tinamaan na sayo eh. Gusto mo pisikal din? Abuso na yan ha. Tsk!

"Tanga mo naman kasi talaga kahit kailan. Sige alis na ko", tanga mo kasi hanggang ngayon, hindi mo pa rin alam na may gusto ako sa'yo. Manhid mo!

"Teka, di ka pa gaanong magaling. Nahihilo ka ba? May masakit pa ba sa'yo?" oo, masakit itong puso ko dahil sa inyong dalawa ni Yeol .

"Okay na ko. Teka, asan ba si Aileen?"

"Umuwi lang saglit pero babalik din agad yun" , pagkasabi niya nun, biglang bumukas ang pinto at lumabas ang mukha ni Aileen.

"Oh ano Kit? Okay ka na ba ? May masakit ba sa'yo? Nahihilo ka ba? Ano?! Magsalita ka" , akala mo mamamatay na ako sa mga sinasabi niya eh tinamaan lang naman ako ng bola sa ulo dahil sa katangahan ng tanga kong crush. Tsk!

"Eh paano naman ako magsasalita eh sunod-sunod yang mga tanong mo. Okay na ko. Tara na" , hinila ko na siya pero bago kami lumabas ng pinto, hinarap ko ulit si Axel. "Thank you" at umalis na kami ng tuluyan ni Aileen.

"Ano, Kit? Anong pinag-uusapan niyo ni Axel kanina? Ayiiee! Ano? Lasog-lasog na ba yang pempem mo? Wahh!" ,inirapan ko lang siya. kahit kailan ang chismosa nitong babaeng to. Akala mo kung sinong nag-aalalang pusit na akala mo mamamatay na ako eh nagpipigil lang pala ng kilig.Kainis!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MISSION: How To Break CHANDARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon