Until We Meet Again

7 1 0
                                    


This is another story of my oneshot. And again with the help of my friend Trisha D. haha, I'm always asking for her ideas for oneshot stories and lagi syang meron so here~

P.S the guy in this story appeared in my dream last time haha (share ko lang)

***

|Rey|

Hi/Hello! Hulaan nyo kung sino ako? lol my beautiful name is Ayessha Rey Alvarez pero mas prefer nilang tawagin akong Rey kasi maikli lang. I'm already 18 years of age tanda ko na ba? Wahaha hoy hindi pa dalaga pa lang ako hindi matanda. So ayun nag-aaral pa ako wag nyo na itanong kung anong grade, section course ko chuchu dahil hindi ko sasabihin nakakatamad haha joke lang basta nag-aaral pa ako ganern.

Kung ide-describe ko ang sarili ko, hmm I'm a bubbly person, energetic, makulit sobra haha, cute pramis totoo yon sabi nila haha, I have medium length hair. Basta ayun na yun haha.

Habang naglalakad ako, aksidenteng dumaan si Jonathan kyaaahhh >///////< yung crush ko haha. Actually 2 years ko na syang crush kasi ang kyut kyutt nya wahaha. Sa pagpapantasya ko may nakabanggaan ako.

*Boogsh!* (kunwari soundeffect)

"Hala! Sorry sinasadya ko talaga yon charrot, pasensya na, sorry hindi ko sinasadya promise" pagmamakaawa ko sa nabangga ko.

"No it's okay, mag-iingat ka na sa susunod" sambit nya sabay tap nya sa ulo ko at alis.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino yung nakabangga ko. Ohemgee!!! SYA!?

"Hala ka! ... SORRY JONATHAN!!!" sigaw ko at napatingin sya sabay iling.

KYAAAAHHHHH!!!!! Si Jonathan mga beshy di ko kinaya ang feels.


Dahil recess na bumili ako ng maraming pagkain, oy wag kayo pang-peace offering ko yung iba kahit wala namang away na naganap haha. At dahil rin hindi kami classmate pinuntahan ko pa sya sa section nila, nandun kaya sya? Medyo kinakabahan ako kasi malapit na ko sa classroom nila.

"Sinong hanap?" tanong ng isang babae na classmate ata ni Jonathan.

"Ahh ... Nandyan ba si Jonathan?" tanong ko. Tinuro naman nung babae yung upuan ni Jonathan napansin kong nakayuko ito, masama ba pakiramdam nya? Nagpaalam pa ako kung pwede pumasok pumayag naman yung babae.

"Uhm ... Jonathan?" tawag ko sa kanya na ikinatunghay naman nya.

"Hi" awkward kong bati sabay kamot sa batok ko. Wala ng atrasan to nandito ka na Rey okie? Kaya mo yan fighting!

Napansin ko yung pagtataka sa muka nya na kung bakit ako nandito eh hindi naman nya ako kaklase.

"Para sayo pala, sorry kanina dahil ... nabangga kita" dahan dahan kong nilagay yung pagkain sa desk nya. Pagkatapos nun ay nagpaalam na ako.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makalabas ako ng section nila ... Waaahhh!!! Kinabahan ako dun. Bago pa magbell bumalik na ako sa classroom namin para kumain may time pa naman eh.

|Jonathan|

I'm Jonathan Mendoza. Nagulat ako sa pagtunghay ko nang makita ko yung babaeng nakabungguan ko kanina sa may labas ng school. Binigyan nya ako ng pagkain at nagsorry pa. Napangiti naman ako sa ginawa nya, habang nakatitig ako sa pagkain nanlalabo na naman yung paningin ko. Napahawak na lang ako sa sentido ko.

Napayuko na lang ulit ako pagkatapos kong ilagay sa bag yung pagkain na binigay sakin.

Meron akong rare na sakit o kung rare man sya. Apektado ang brain at spinal cord ko. Sobra akong nanlumo nung malaman kong may ganung sakit na pala ako ng hindi ko alam.

"You have ADEM or Acute Disseminated Encephalomyelitis. His brain and spinal cord is affected by it so he may feel nausea, headache or changes in his sensory. This is a serious matter ... he may not survive, it depends on how he cope up with it"

Sa tuwing naaalala ko yung sinabi ng doktor samin. Parang biglang tumigil panandalian yung mundo ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang in a blink of an eye gumuho sa harap ko mismo yung mga pangarap ko.


Sa wakas uwian na at makakapagpahinga na ako. Nang makalabas ako ng classroom namin nakita ko na naman ulit yung babae kanina.

"Hi Jonathan, uhm ... ano ... pwede bang ... makisabay sayo maglakad pauwi?" nauutal nyang sabi, bakit gusto nyang sumabay?

"Ahh ... Ako nga pala si Rey" pagpapakilala nya.

Pumayag akong sumabay sya maglakad ngayong araw lang naman siguro. Habang naglakakad kami tahimik lang, wala naman akong sasabihin eh at saka hindi kami close para magkwentuhan.

"Dito na ako, mag-iingat ka sa daan babae ka pa naman" paalam ko sa kanya.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay agad akong napatakbo sa lababo namin dahil nasusuka ako. Nagulat pa si mama sa paghagis ko ng gamit sa sala.


"Anak!" nasambit ni mama habang hinahagod hagod yung likod ko.

Inalalayan ako ni mama paupo sa upuan.

"Kumain ka muna bago mo inumin yung gamot ha?" tumango na lang ako.


Kinabukasan.

Pinilit ko pa ring pumasok kahit ayaw ni mama, mas lalo lang akong magiging mahina kung mananatili ako sa bahay.

"Goodmorning Jonathan!" napabuntong hininga na lang ako sya na naman. Medyo binilisan ko yung lakad ko para mauna na pero sinusundan pa rin nya ako.

"Uyy sandali lang, nag-e-exercise ka ba at ang bilis ng lakad mo" hindi ko na lang sya pinansin at diretso lang na naglakad.

"Nagsorry naman ako kahapon" rinig kong sambit nya sa sarili nya.

Sa lahat ng tao na nakapaligid sakin ni isa sa kanila walang alam na may malubhang sakit ako, kahit sabihin ko naman walang mangyayari hindi naman ako gagaling hahayaan ko na lang na ako ang maghirap dito mag-isa. Naririnig ko pa rin yung boses nung babae, sinusundan nya pa rin ako?


"Hmm! Bye Jonathan, sabay ulit tayo mamayang uwian ha?" paalam nya, akala ko ba isang araw lang? Bakit pati ngayon?

|Rey|

Hinihintay ko si Jonathan dito sa labasan para sabay ulit kami hihi.

"Jonathan!!" sigaw ko nang makita ko sya. Hindi nya ako pinansin, ay taray snob na ang lolo nyo.

"Sabay tayo!" sabi ko nang makalapit ako sa kanya.

"Pinagbigyan lang kita kahapon kaya please umuwi ka ng hindi ako kasama okay?" sabay lakad, anyare? okay naman yun kahapon ah? May nangyari kaya?

Dahil nakyuryus ako hinabol ko sya.

"Ano ba? Bakit ka ba sunod ng sunod? Diba sabi ko sayo umuwi ka o maglakad ka pauwi ng hindi mo ako kasama" masungit nyang sambit.

"Bakit parang naging masungit ka ata ngayon? May nangyari ba?" tanong ko sa kanya. Malay mo meron gusto ko lang makatulong.

"Wala ka na dun at kung may problema man ako wala kang pake" ... ansakit naman huhu, gusto ko lang naman malaman kung bakit sya masungit eh bakit ganun sya sakin okay naman pakikitungo nya sakin kahapon bakit nag-iba na agad?

Hindi ko na lang muna sya kinulit baka may pinagdadaanan lang sa buhay or whatsoever. Hayst nakakalungkot lang kasi kahapon sabay pa kami pati kanina kainis hmm hayaan na nga.

***

a/n:

I have to cut it kasi mahaba na and sorr for my long time absent here may isa kasi akong acc. sa wattpad at dun ako mas active hahaha sensya na po so ito na after a long time may update na ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon