PAGTATAPOS

18 0 0
                                    

Nagsimula tayo sa Hi at Hello
Sinundan ng Pangalan at Apelyido
Maging ang mga Hilig at Talento
ating kwinento, noong una'y nagkakahiyaan pa walang imikan dahil hindi pa natin lubos na kilala ang isat-isa

Sinundan nang ilan pang mga araw ang noo'y walang imikan unti-unting nauwi sa pagkakaibigan na umaasang hahantong sa samahan na walang hanggan

Umabot na ng buwan maging ang pag-uugali ng bawat isa'y kaya nang panindigan

Tawanan,Asaran,Hagalpakan atin nang pinagsaluhan maging ang Iyakan at bangayan naging sentro upang bumuo ng pagmamahalan

Ngunit hindi tayo nagkaintindihan nagkaroon ng tampuhan nauwi sa ilang araw na hindi pagpapansinan

Nakaka-ilang makasama ka dahil hindi natin ramdam ang isat-isa presenya ko'y sinisira ang iyong umaga at presensya mo'y sa aki'y masakit sa mata

Dumating ang araw na hindi ko na kinaya kung kaya't nilapitan kita humingi ng pasensya at noong ngumiti ka abot langit ang saya

Nagpakababa ako dahil para sa akin bawat ala-ala ay mahalaga hindi ma-aaring ang maliit na hindi pagkakaintindihan ang sumira sa ating dalawa

Umuwi ako sa bahay ng masaya sa aking silid hawak ko ang ballpen at papel na pangunahing gamit sa eskwela, gumagawa ako ng takda noong nag text ka hindi ko inaasahan na sa gabing iyon ay magpapaalam ka

Nagpaalam ka na hindi mo ako masasabayan sa pag-gawa ng isa sa pinakamahirap ngunit masarap kapag tapos na

Nagpaalam ka na kung pu-pwedeng saka na lang natin umpisahan kapag gina-nahan ka na

Nagpaalam ka na sa oras na ganahan ka sa inyo na lang tayo dumiretcho kinabukasan upang may mabuo na

At sa wakas may nabuo na nga ang sarap sa pakiramdam na ang pinagpuyatan at pinagpawisan natin ay tapos na

Mabilis lang ang pag sinag ng araw,pag liwanag ng buwan at pag ikot ng mundo dahil sa sampung buwan na magkasama tayo hindi ko namalayan na oo nga pala, iiwan mo rin ako

Alam mo bang natatakot ako? nakakatakot naman talaga na baka pagkatapos ng araw na mag-hiwalay tayo ay makalimutan mo ang mga ala-ala na sa hirap at ginhawa pinagtibay nating dalawa

Isa,Dalawa,Tatlo,Apat sa apat na sulok ng silid-aralan tayo unang nagkakilala nag umpisa sa hi at hello sinundan ng pangalan at apelyido

Malayo na ang narating natin madami na ang pinagsamahan natin ngunit katulad ng mag jowa tayo ay maghihiwa-hiwalay rin sa pagtatapos ay tatahakin natin ang ibat-ibang direksyon patungo sa pangarap natin

Ang sarap sa pakiramdam na aakyat tayo ng entablado tatangap ng diploma taas noo habang ang mga luha'y nag uunahan sa agos dahil sa saya na ikaw,ako,tayo ay lumaban patungo sa baitang na susunod na nating hahakbangan.

Kung kaya't hinihiling ko na sa pag lipas ng panahon ang babaeng sumulat nang tula na ito ay hindi ninyo malilimutan kahit kailanman.

Dahil kasama kayo sa mga pangarap na bubuoin ko pagkalipas ng mga taon at ganap na 'kong matagumpay sa industriyang nais kong simulan at sa pagtanda ko'y doon rin ako lilisan.

021218 3:48am

THOUGHTS DURING DAWNWhere stories live. Discover now