ISA

12 0 0
                                    

Hindi dalawa,hindi tatlo
Hindi apat,hindi lima
anim,pito,walo
Hindi siyam at lalong
Hindi Sampu

Kundi, Isa, Oo, Isa
Nag-iisa ako sa apat na sulok nang aming tahanan
Wala ang aking mga kasama
Hindi ko alam kung kailan nila ako babalikan
Umalis sila dala-dala ang kanilang kagamitan na di umano'y uuwi sa probinsiya na kanilang kinalakhan

Sana'y naman akong maiwan
Sana'y ring iwanan
Ngunit kahit ganoon pa man
Hindi ko kayang mang-iwan

Maliban na lang kung matagal
kang kumilos at ang oras ko sa paghihintay sayo ay nauubos

Debale, magbalik tayo sa
pamagat may isang salita
at tatlong letra walang iba kundi Isa.

Isa,Isa,Isa,Isa,Isa
ang daming isa pero heto ako
nag-iisa sa aking silid na puro itim tila hinihila ako upang kainin nang nakakatakot na dilim

Mag-isang nilalabanan ang dilim pikit matang nananalangin na ako'y isalba nang kung sino mang pwede akong hatakin palabas sa silid upang ang liwanag ay makamtan rin

Nakakatuliro tila ba masisiraan ka nang ulo kakaisip kung paano
makakatakas sa dilim na sa tuwing ako'y nag-iisa tila nilalason ang aking sistema nang pa ulit-ulit na kaisipang wakasan ang pagdurusa
nang mag-isa

Isa,Isa,Isa,Isa,
ang lungkot pala kapag mag-isa
kahit na ako'y sanay na iba pa rin pala ang pakiramdam nang may kasama

Maaari mo ba akong samahan?
Ikaw at ako pwede ba tayong mag-isa? na ang ikaw at ako ay maging tayong dalawa?

Hindi,huwag na pala madadamay ka pa sa lungkot nang pakiramdam ng mag-isa

Kaya ko na pala,diba nga? sanay akong mag-isa lagi naman akong nag-iisa at sa paglipas ng panahon matututunan ko rin mamuhay ng nag-iisa

Isa,Isa,Isa
Iikot ang mundo ko ng mag-isa
Lalagpasan ko ang pagsubok
ng walang kasama

Isa,Isa
Isang beses sa buhay ko madadapa ako at tatayo ng mag-isa

Isa,
Sino nga ba si Ysa?

032518 4:11am

THOUGHTS DURING DAWNWhere stories live. Discover now