Chapter 21

15.6K 242 38
                                    




-Christine's POV-

"Sis, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" tanong ng ni Daisy.

Nandito kami ngayon sa kusina nina Daisy. Ang anak ko naman ay nasa sala at nakikipaglaro sa mga pamangkin ni Daisy.

"Na ano? Na makipaghiwalay kay Markuz? Malamang oo. Niloko niya kami ng anak ko. Ginamit niya kami."

"At sa tingin mo ba sapat ng dahilan iyon para iwan mo ang asawa mo? Tintin mag-asawa kayo. Sumumpa kayo sa harap ni Ama na magsasama sa hirap at ginhawa."

"Pero niloko niya kami ng anak ko. Ginamit niya lang kami para makuha niya ang mamanahin niya."

"Eh hinayaan mo man lang ba siyang magpaliwanag?"

"Hindi eh."

"Yun naman pala. Bakit hindi mo man lang siya hinayaang magpaliwanag? Baka naman nagkataon lang na nagkasabay ang kasunduan ng ama niya sa pagdating n'yo sa buhay niya. Paano kung mahal naman niya talaga kayo? Saka diba ikaw na rin ang nagsabi na nagbabago na si Markuz?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya dapat hinayaan ko munang magpaliwanag si Markuz. Dapat nakinig muna ako sa kanya. Hindi dapat ako nagpadala sa emosyon ko.

"Oo nga noh. Pero paano kung totoong ginamit niya lang kami?"

"Hindi makatutulong ang pag-iisip ng negatibo. Kausapin mo siya ng magkaroon ng linaw sa mga sagot mo. Saka isipin mo rin si Yohan. Ngayon niya lang nakasama ang ama niya. Huwag mo namang ipagkait iyon sa kanya. Kailangan niya ng buong pamilya. Sa lahat ng nangyayari anak n'yo ang maiipit sa mga nangyayaring ito. Huwag mong hayaang lamunin ka ng emosyon mo. Baka pagsisihan mo rin sa huli."

"Tama ka Daisy. Sige bukas na bukas din makikipagkita ako kay Markuz. Kakausapin ko siya at susubuking intindihin. Pero sa ngayon pwede dito muna kami ni Yohan?"

"Sure! Kayo pa sisie. Welcome na welcome kayo rito."

"Salamat."

***

-Markuz's POV-

Nakaupo ako sa isa sa mga stool nitong bar. Panay ang salin ng alak ng bartender sa aking baso. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak.

Magpakalasing upang kahit sandaling panahon ay makalimutan ko ang bigat at sakit na nararamdaman ko buhat ng iwan ako ni Christine.

I lost my wife and my son. Ito na yata ang kabayaran sa mga kasalanang nagawa ko noon. Ang iwan ng mga taong mahahalaga sa buhay ko.

Iba talaga kapag karma na ang naningil sa'yo. Wala ka ng magagawa.

"Alone?" bulong ng babaeng kadarating lang.

Maingay ang lugar dahil sa malakas na sound system at mga taong nagsasaya. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa babaeng kadarating.

"Hey! Why you're so quiet. Aren't you remember me?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang kabuuan. Nakafitted na red dress siya na humapit sa magandang kurba ng kanyang katawan.

Mula sa suot niyang heels ay umakyat ang aking tingin hanggang sa kanyang mukha. She's sexy and beautiful. Naningkit ang mga mata ko nang maalala ko kung sino ang babaeng nasa harap ko.

"Mitch?"

"Finally, you've got it. Long time no see Markuz."

"Anong ginagawa mo rito?" Wala sa mood kong tanong at muling tumungga ng alak sa baso.

Resilient InamorataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon