Chapter 1

15 1 0
                                    

Chapter 1

Mahirap

*Knock! Knock!

"Diana! Bilisan mo naman diyan! Baka malate tayo, Ano ba!" Kanina pa ako katok ng katok sa kwarto ni Diana pero mukhang tulog pa ang bruha!

*5 minutes

*10 minutes

*15 minutes

I GIVE UP! Bahala siya diyan at iiwanan ko talaga siya! Nakakainis ang tagal gumising!

Sumakay na ako sa kotse namin matapos tawagin ang driver para magpahatid. Naku! Magta-taxi talaga si Diana mamaya. Wala pa namang ibang kotse kasi kakalipat lang namin dito sa Manila.

"Hi Camilla" bati nila ng dumating na ako sa school.

Tumango lang ako sa kanila kasi hindi ko naman sila kilala.

Camilla Ysabelle Lestrange, that's me. I'm 18 years old. My Father is a Half Spanish-Half British while my mother is a Filipino.

Hindi naman sa nagmamayabang pero sikat talaga ako sa school na ito. Bakit? Well... namana ko kasi ang pagiging banyaga ng features ni Daddy. Dahil sa maganda ako marami ng nanliligaw sa akin pero ni isa wala pa akong sinasagot. STUDY FIRST muna kasi ako ngayon eh..

Pero kung si John Luke Smith ang manliligaw sa akin. Oh My God! Forget the STUDY FIRST! sasagutin ko talaga siya. Kaso ang problema dine-deadma niya lang beauty ko.

"Aga natin ah!" Bati ni Vanessa sa akin ng nakapasok na ako sa classroom.

"Maaga lang nagising." Rason ko.

Actually, alas 8:00 pa ang start ng klase namin at saktong 7:00 o'clock pa ngayon.

"Weh?? Baka naman bibisitahin mo lang si John?" Ngumiti lang ako sa kanya.

Alam kasi ni Vanessa na crush na crush ko si John kaya siguro naisip niya iyon.
Well, tama naman siya. Kaya ako maaga kasi 7:30 ang simula ng klase nila John.

Gusto ko kasi siyang makita bago magsimula ang klase namin.

Lumabas na ako sa Room matapos mailagay ang bag ko sa upuan. Nagpaalam na rin ako kay Vanessa para pumunta sa building nila John.

Malalim na hininga ang ibinuga ko ng papalapit na ako sa building nila.

Calm Down, Ysa! Calm Down.

Umakyat na ako papuntang room nila.
Habang papalapit na ako ay nakita ko si John na nasa loob na ng Room nila habang may mga kausap na lalaking ka-klase niya.

"Oh, Camilla! Si John na naman ba pinunta mo dito?" Sabi ni Dexter. Classmate din ni John.

Ngumiti nalang ako sa kanya dahil sa kahihiyan.
Pula na siguro ang pisngi ko.

"Gusto mo tawagin ko?" Bago pa ako makapagsalita ay tinawag niya na si John!
Shit! I'm not prepared! Gusto ko lang naman sana siyang makita.

Iritadong tumayo si John sa kanyang Upuan matapos tawagin ni Dexter.

"Oh, Bakit?" Supladong tanong ni John nang makalapit.

"Hinahanap ka ni Camilla. Swerte mo dude, chicks!" Bulong ni Dexter pero rinig ko naman.

Malakas ang pintig ng puso ko dahil sa kaba.
Tinignan ako ni John matapos magsalita ni Dexter.

"Anong kailangan mo?" Tanong ni John habang pagod akong tinignan.

"Uhm...ano.....kasi..." Hindi mapakaling tugon ko.
Ano ba yan! Umayos ka Ysa!

Tinignan ko si John at laking gulat ko ng nakitang bumalik siya sa kanyang upuan.
Nabadtrip ata.

Pumikit nalang ako sa kahihiyan at sa sakit.
Ang sakit. Kahit naman hindi niya ako sinaktan masakit parin iyon lalo na't babae ako.

"Sorry, Camille. " Paumanhin ni Dexter.
Dumilat ako at kasabay ng pagdilat ko ay ang pagbuhos ng aking mga luha.

Wala kang kasalanan Dexter.
Wala kang kasalan kung bakit umalis si John.

Wala kang kasalan kung bakit hindi ako mabigyan ng pansin ni John.

Walang may sala.. sadyang nagkamali lang ako ng taong inibig. Pero hindi ibig sabihin non na susuko ako. Dahil tuloy parin ang laban.

Nanghihina akong bumalik sa Room namin matapos ang kahihiyang nangyari.

2nd Year College na ako ngayon. 1st year college ako ng simulang nagustuhan ko si John.
At simula noon palagi na akong nagpapansin sa kanya pero walang effect. I sometimes wonder if what's wrong with me. Maganda naman ako, ah?

Maraming nanliligaw sa akin. Pero kahit pagpansin lang hindi man lang magawa ni John sa akin.

Iyong nangyari kanina. Iyon iyong pinakamalalang nangyari sa paghahabol ko kay John. Kasi kahit naman ganito ako Hindi naman ako desperada para magpahiya nalang ng basta basta mapansin niya lang.

Sinabihan na nga ako ni Diana na itigil ko na ang paghahabol sa kanya pero hindi ako nakinig. O sadyang hindi ganon kadali. Kasi mahirap.

Mahirap.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 'Unexpected'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon