Chapter 2: Gang fight

2 0 0
                                    

Black's pov.

After that encounter in the gym ay umuwi na kami, Kapag nagugutom kami, ayaw ko yung kumakain sa labas , sa aming magkakaibigan ako yung may pinakasensitive na tiyan. Hindi ako kumakain ng luto ng Iba, pero yung mga kaibigan ko kahit kaninong luto pwede, Hindi kasi sila gwapo tulad ko

May sarili kaming bahay na magkakaibigan or should I say mansion, ayaw kasi namin sa mga magulang namin, may mga rules sa bahay nila at dahil we don't obey rules, bumukod kami, bumili kami ng sarili naming bahay where we can make our own rules.

Dumeretso ako sa kwarto ko at naligo, pagkatapos non ay bumaba na ako sa kusina para magluto

I like Italian dishes the most, especially
Mushroom risotto and spaghetti alle vongole

Yan yung niluto ko pang dinner namin

"You're the best Bro"
Sambit ni Jake

"I know"
Sabi ko at kumain nalang

"Smith pakuha nga ng Beer, dba kukuha ka rin Lang ng Gatas? "
Utos ni Keil, tamad talaga Haysss

"ako din"
Sabi ko

Pagkatapos kumain ay nagpalit na kami ng mga damit at sumakay na sa aming mga kotse, mga 9:48 Nung Nakarating kami sa lugar na paggaganapan ng laban

Isa siyang mansion na kung titignan parang ordinaryong mansion Lang dahil pagpasok mo bubungad sayo ang mga sofa , yung mga normal Lang na laman ng bahay ang makikita mo.

Pero sa pinakadulo ng Mansion, dun mo makikita ang maitim na pinto Kung saan nakalugar ang daan papunta sa pinakaibaba ng bahay Kung San makikita ang mga taong nagpapatayan

Tinungo namin ito at pinindot ang pinakababang pindutan (elevator sia)

Pagkababa namin, Maraming binubuhat na mga taong patay na ata

Dito ko binubuhos lahat ng inis at galit ko, Ewan ko ba pero lagi akong naiinis o nagagalit, at ang Hindi ko malaman sa sarili ko, hindi ko kayang maging masaya o kahit ngumiti man lang sana

Siguro nagtataka kayo Kung pano ako nagkaron ng kaibigan?

2 years ago May nangyari sakin, I don't know why pero simula non I started to forgot things , nasa hospital bed ako nun sabi ng parents ko nagkasakit ako then they said that they are my friends ganun Lang

Then I don't bother myself asking anymore, I'm contented on what I know and I trust them.

Umupo kami sa isa sa mga sofa dito at omorder ng beer

Nanuod lang kami sa mga naglalaban, ang hihina nila , sobra Haysss

Dalawang Oras na ang lumipas at naghahanda na kaming sumabak

Pagkatungtong ko sa kwarto na iyon ay Wala akong naramdaman

So isa siyang malaking kwarto na gawa sa salamin at para malawang makapanuod yung Iba ng hindi nasasaktan , Hindi sia ordinaryong salamin na mabilis mabasag, pero naririnig mo parin naman yung mga boses sa opposite side

Pagkapasok namin may pumasok ring 6 na lalaki sa isang pintuan na katapat Lang ng pinasukan namin kanina

Itong unang labanan, manomano muna, Walang kahit na Anong sandata

If you want to survive, Fear is not an option

Yan ang pinaka-pinaniniwalaan ko sa lahat ng bagay, bakit ka matatakot sa kanila? Diyos ba sila? Hindi naman dba?

Nagsimula ang labanan, halata kong kimakabahan tong isang to, nanginginig ang binti at pinagpapawisan.

Linapitan ko ito at takot na napahakbang palikod

"Kung takot ka, wag mo namang ipahalata"
Sabi ko at nahalata sa peripheral vision ko na may papalapit, busy na yung mga kaibigan ko sa iba kaya akin na to

Nung akmang sisipain nia ako, Walang pakundangang inunahan ko sia, napahiga sia at napaubo ng dugo, Nakita ko rin sa peripheral vision ko na akmang susuntukin na ako ng lalaking duwag kanina, pero naiwasan ko ito at sinipa sia sa likod,

Natapos ang unang labanan na kami ang nanalo, Walang kahiraphirap, lahat kami walang natamong galos

Pangalawang labanan , may mga pinasok na mga upuan, mga kahoy at mga tubo sa loob ng kwarto at kasunod nito, may pumasok na 7 lalaki na maraming mga tattoo , isa lang ang masasabi ko, bagay sana nila kung gwapo lang sila tulad ko

Mukang marami na ata akong nakitang pangit sa araw na to ah

Nagiinit na ang bawat sulok ng kwartong ito at nangangati na ang kamay ko, mabilis na hinablot ng lalaking walang kasingpangit ang tubo sa gilid at dahil upuan lang ang nasa malapit sakin, yun ang kinuha ko at agad inilagan ang pagtama nia sakin at mabilis na inihampas ang upuan sa likuran nito na mabilis niang ikinatumba

Nung nakita ko na akmang hahampasin na ng kalaban si Jake ng kahoy sa ulo ay agad kong hinablot ang tubo sa sahig at inihampas ito sa kalaban, duon ko naramdaman na parang may tumamang kahoy sa likod ko na ikinainit lalo ng dugo ko, mukang nagulat pa ang taong gumawa nito nung tinignan ko sia, kinuha ko ang upuan at walang pakundangang inihampas ito sa kanya na siyang ikinatumba nia.

Medyo matagal natapos ang laban at hindi kalaunan ay kami parin ang nagwagi.

Huling labanan , may mga ipinasok na 5 patalim at inilapag ito sa gitna, may pumasok na 6 na lalaki, so kailangan naming magunahan dahil kung hindi, mapipilitan kami na gamitin ang aming kamao

Mukang adik tong mga kalaban namin Haysss,

Nagsimula ang labanan at sa hindi inaasahan, dalawa lang kami Keil ang nakakuha ng patalim, si Jake at Smith ay mapipilitang gamitin ang kanilang kamao

Sakin nakipaglaban ang isang may patalim, nagtitigan muna kami bago nia ako sinubukang saksakin, pero dahil gwapo ako nakailag ako at naunahan ko ito , nasaksak ko sia sa kanyang tagiliran na kanyang ininda Kaya nabitawan ang patalim, agad ko itong kinuha at iniabot kay Smith na malapit Lang sa akin,

"salamat bro"
Sambit nito

"tapusin na natin toh, dun ka Kay Jake, tulungan mo sia "
Utos ko dahil sa Jake nalang ang Walang patalim

Napatumba na namin ang Iba at sa Hindi inaasahan may pumasok na 4 na lalaki na aming ikinagulat,

"Punyeta ano toh!!!? "
Sigaw ko, inuulit na naman nila yung ayoko

Mabilis naman naming nadepensahan ang aming mga sarili pero sa hindi inaasahan , may pumasok na isang lalaki na may hawak na patalim at akmang sasaksakin si Smith na nasa tabi ko na walang alam, mabilis kong sinipa ang kamay nito at sinaksak ng walang pakundangan........

Itutuloy.......





Black Veillaseo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon