Umiiyak nanaman siya.
I saw my bestfriend crying in the fire exit AGAIN. Kapag hindi ko siya mahagilap I always saw her here. Agad akong tumalikod. Ayokong makita siyang umiiyak nanaman. I'm her bestfriend but I can't do anything. I feel so useless. Humarap ako ulit. Nag-angat siya ng tingin at nagulat ng makita akong nakatayo malapit sa kanya. Ngumiti siya ng malungkot. Kung kaya lang kitang paglaban. I'm sorry.
And again, she cried nung lumapit ako sakanya. Niyakap niya ko. Nagsusumbong siya sakin pero wala akong magawa kung hindi makinig. Nasasaktan ako para sakanya. I can't fight the whole school.
Inaya ko nalang siya sa ice cream store. Ang favorite place niya kapag umiiyak siya. Agad naman siyang pumayag kasi ayaw niyang makita siya ng mga tao na umiiyak. Dumaan kami sa secret door palabas.
Pagkadating namin dun kahit anong pilit niyang itago yung sakit at sama ng loob sa mga ngiti niya, kitang-kita mo sa mata niya na napapagod na siya umiyak. Nagyayaya na siyang umuwi after kumain. Inaantok na daw siya.
I admire her. Kahit hindi ko madalas ipakita, hindi ko kayang iwan 'tong babaeng to. I really like the way she smile na parang wala siyang problema. Mahal na mahal ko yan. Dahil since highschool kami na magkasama. I trust her A LOT. Alam niya lahat ng problema ko sa bahay o hindi kaya sa school. Lahat ng sekreto ko alam niya din. Pero kahit kailan hindi niya yun pinagsabi sa iba.
She was known as the TRUST BREAKER. Why? Dahil sa isang maling pag-aakusa. Kahit na cleared na yung pangalan niya, binansagan parin siyang trust breaker. Lahat ng estudyante lumalayo sakanya. Lahat sila umiiwas na para bang isang malaking krimen yung ginawa niya. At iniiwasan siya na para bang isa siyang malaking sakit na maari nilang ikamatay.
Nakatulala siya sa bintana habang kumakain ng ice cream. Ilang beses siyang napapabuntong hininga at para bang sinasabi niya na eto nanaman. Ilang beses na siyang umiyak dahil dito.
Hindi naman siya binubully physically but emotionally and spiritually. Bugbog na bugbog na ang puso niya at isip.
Bigla siyang nagsalita. "No matter what I do, they still saw the image of me—the image they gave to me." Napangiti ako ng malungkot. Bigla siyang tumingin sakin at ngumiti. Hanga ako sa kanya despite of that she can still smile like nothing's happening. Pero I know deep inside her heart is breaking.
Hinatid ko siya pauwi sa dorm na tinutuluyan namin. Nag-decide na din akong h'wag pumasok since isang subject nalang before uwian. Nagpaalam siya sakin na matutulog na daw siya since busog siya sa kinain namin kanina. Nginitian ko siya at sinabing goodnight. Bumuntong hininga naman ako pagkapasok niya sa kwarto niya. When will these things end?
She's trying to prove herself. Sinisisi niya sarili niya sa maling pag-aakusa sa kanya kahit na wala naman siyang kasalanan. Alam niyo kung anong masakit doon? Yung bestfriend pa naming isa na mahigit 2 taon niyang nakasama ang sumira sakanya. Ngayon, wala na sa school yung ex-kaibigan namin na yun dahil na expelled siya.
She's trying her best na ipakita na wala siyang ginagawang mali. But people keep on giving her the image as the trust breaker. Kada taon nadadagdagan ng tao sa school na naniniwala doon.
Kaya she decided na ano pa ang rason kung bakit siya lumalaban diba? Sinasabi niya saking hayaan nalang sila at maniwala sa gusto nila. Pero she always cry when they bully her.
May mga naniniwala namang hindi sya ganun. Our whole section don't believe na isa s'yang trust breaker. Actually, siya ang pinakapinagkakatiwalaan nila. She always give advices lalo na kapag may nag-aaway. Kumbaga she's the precious in our class. Kahit na pinaglalaban naming wala siyang mali, hindi kaya ng 30 na estudyante ipaglaban siya. Kaya sinasabi niyang h'wag ng mag-aksaya ng panahon.
I guess our remaining college days will be a living hell for her. Sana matapos na 'to. Sana hindi na siya bansagang "TRUST BREAKER" bago pa mahuli ang lahat.
YOU ARE READING
DON'T TRUST HER
Short StoryHow can you trust the girl who was known as the "Trust-Breaker"?