ONE

24 1 0
                                    

Laureen Cassandra Faith Catanyag, A business woman in nature of fashion and interior designing. 31 years old. Morena, mabait, matalino, maganda and simple pero elegante.

She has everything a woman can get at her young age but there is something she’s longing for so long. There is emptiness in her heart.

Supportive and loving family, friends that never leave even in her ups and downs, successful business and stable career but still she’s looking for something that can't fill the emptiness na hindi niya matagpuan sa lahat ng bagay na meron siya ngayon.

‘LOVELIFE’ yun siguro? Pero matagal na niyang kinalimutan yun mula ng huli niyang pakikipagrelasyon kay Blake Zared Montelibano.

4 years of perfect relationship that turned out to be a fucking relationshit dahil mas pinili nito ang career nito kesa sakanya.

Blake Zared Montelibano was her life way back then. Halos dito na umikot ang mundo niya sa loob ng apat na taon ngunit binalewala lang niya ang lahat dahil sa mataas na pangarap nito. Iniwan siya netong luhaan at durog ang puso. Ginawa niya ang lahat to save their relationship na iningatan niya sa loob ng apat na taon but whatever she did it only leads to heartbreak when he chose to pursue his dreamsand left her behind. Masyadong mataas ang pangarap ni Zared sasarili kaya nagawa siyang iwan.

Galing sa mahirap na pamilya si Zared at lumaki ito na siyang tumayong tatay sa dalawang nakababatang kapatid nito dahil nasa Maynila ang magulang nito upang magtrabaho. Ni hindi nito naenjoy ang pagiging kabataan nito at ang masama ay maaga pang pumanaw ang ama nito dahil sa sakit kaya siya na ang nagsilbing padre de pamilya sa mga taong umaasa sakanya.

Siya naman ay sakto lang ang pamumuhay ng pamilya. Lumaki siya na naibibigay kahit papano ang gusto at nakakakin tatlong beses sa isang araw ngunit nagsimula silang mahirapan ng mamatay ang kanilang ama.

Nakilala niya si Zared ng maging katrabaho niya ito sa isang kilalang banko na kung saan ay isa siyang money sorter at isa namang bank money carrier si Zared.

Ang pagmamahalan na nagsimula sa napakagandang kwento ay biglang naglaho na parang bula. Apat na taong relasyon. Oo ganun katagal ngunit nagbago ang lahat ng lumipat ng kumpanyang pinapasukan si Zared bilang isang roving teller.

Nagbago ang crowd.

Nagbago ang priorities.

Nagbago ang plano sa buhay.

Mga plano na dati ay kasama siya na ngayon ay hindi na.

Sobrang nasaktan si Laureen dahil halos lahat ay ginawa niya upang maisalba ang papalubog na relasyon nila ni Zared pero mas pinili pa rin nito ang sariling pangarap na tutuparin kesa sakanya. Ang masakit pa dun, hindi siya kasama sa mga pangarap na tutuparin nito.

Naalala niya pa ang sabi nito “Hirap na hirap na ko noon pa, gusto ko namang guminhawa  at di ko yun magagawa kung ganyan lang kababa ang pangarap mo. Kelangan ko ng makakatulong sa buhay. Hindi yung pahihirapan ako at magiging pabigat lang sa buhay ko.” Halos madurog ang puso ni Laureen sa mga binitawang salita ni Zared. Hindi niya akalaing makakapagbitaw ng ganoong salita ang lalaki sakanya.

Sa tagal ng relasyon nila, ngayon lang niya ito narinig sa lalaki. Sa lalaking minahal niya ng lubos. Dahil sa sama ng loob ay natiis ni Laureen na huwag munang magparamdam kay Zared. Ni text o tawag ay di niya ginawa upang maibsan ang sama ng loob niya sa lalaki pero di niya inaasahan na iyon na pala ang katapusan ng lahat. Iyon ang nagging ugat ng walang hanggang sakit at hinagpis at sakit ng puso para sakanya.

He left her without saying a word and chose his dreams over her.

Five years later

The Day When I Left YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon