Ako'y nagmahal lang
Nagsakripisyo at laging talo pagdating sa pag-ibig
Masakit para sa akin na ako ang kailangan mag-paraya
Ang daya ng pag-ibig sa akin, dahil ayaw nilang makita akong masaya.
Bakit ganun ang tadhana sa akin?
Laging ako ang magpaparaya
Laging ako ang talo sa larong tanga-tangahanBakit ganun? Bakit kailangan nating masaktan?
Bakit kailangan natin mag-sakripisyo?
Bakit kailangan nating umiyak?
Bakit kailangan nating mag-move on, na kahit alam mo na hindi naman naging kayo.
Ang daya, ang daya ng buhay ko
Laging ako ang talo, laging ako ang umiiyakAko'y nagmahal lang naman
Pero bakit kailangan kong mawalan ng minamahal?
Ayuko na, sawa na ako.
Sawang sawa na ako sa larong ito.Author's note:
Sorry guys, pero di ko alam kung tula ba ito? Hahaha wala kasi akong maisip, tska beginner palang ako dito sa mga tulang 'to so please don't judge me. So, back to the topic na hahaha, kung pakiramdam niyo kayo lagi ang talo sa larong pag-ibig. ay ate gurl parehas pala tayo! Pero don't worry dahil alam naman natin na darating din ang "THE ONE" natin, hindi man ngayon pero soon. Kasi may isinusulat na si Papa God na istorya para sayo, ikaw ang bida at si Leonardo Decaprio ang leading man mo, Oh taray diba hahahaha. Kaya hinay-hinay lang gurl!
BINABASA MO ANG
Tula Para Sayo
PoetryPoems for ü, Sure ako na marami sainyo ang makakarelate dito. Ikaw ba ay laging sawi sa pag-ibig? Ikaw ba yung tipong taong laging talo sa larong tanga-tangahan? Ikaw ba yung laging umaasa? Ikaw ba ang laging umiiyak sa huli? Kung ikaw nga yan, aba...