5. Museum and Starbucks

1K 23 4
                                    

Chapter five.

Celine

After the men's volleyball game we decided to eat lunch, pero may gagawin pa si Kyle kaya kami na lang ni Tots ang kakain.

"Kwento ka later, Ceddy!" Binatukan ko nga siya at pinaalis na. Bumungisngis lang siya at nagpaalam na.

Tumungo na kami sa parking lot at pinagbuksan ako ni Tots at umupo na sa shotgun seat.

"Saan mo gusto maglunch?" Tanong niya sa akin habang pinapaandar ang kotse.

"Ikaw bahala kasi ikaw naman manglilibre." I stucked out my tongue para mas lalo siyang maasar. Ang cute lang makita yung "asar" face ni Tots ang sarap lang gawing meme.

Tumawa naman siya at hinayaan na siyang magdrive. Kinuha ko yung phone niya sa dashboard at surprisingly wala itong password, kanina kasi meron.

"Alam ko kasi na kakalikutin mo yan kaya sulitin mo na yang pagkakataon sa phone ko." Para bang mind-reader si Tots kasi nasagot niya yung tanong sa isip ko. Nahiya naman ako nang kaunti.

Pero dahil wala naman akong hiya binuksan ko yung spotify app niya at pumili ng kanta.

After nun nagselfie ako sa phone niya nakarami din ako dun baka mainis si Tots kapag nakita niya gallery niya. Para sa pakonswelo I manage to take a picture of her habang busy magmaneho, candid kumbaga.

Totoo naman pala na gandang pogi si Diana Carlos. I blinked 3 times dahil sa inisip ko about her.

Nakuhaan ko na rin siya ng ilang shots. Click!

May naisip tuloy ako! Pumili ako ng magandang selfie at candid picture niya, given na maganda ako pero gusto ko mas maganda pa charot, at ginawa kong lockscreen yung candid picture ni Tots and homescreen yung mukha ko.

Tignan lang natin kung hindi siya maimbyerna pagkabukas ng phone niya. Binalik ko na yung phone niya sa dashboard.

Hindi ko namalayan nandito na kami sa pagkakainan namin. Bumaba na ako ng kotse at sinabayan siya maglakad papasok ng restaurant.

Hinayaan ko na siyang pumili ng kakainin namin "Basta yung hindi mabigat sa wallet ha, guilty na tuloy ako" Pahabol kong sinabi sa kaniya. Nakakahiya na talaga sa part niya, masyado ko yatang inabuso wallet niTots ngayong araw.

"Huwag kang maguilty ako naman nang-alok, remember Beh?" Ngumiti pa siya nang nakakaloko.

"Baka singilin mo ako after or kapag magkaaway tayo, Beh!" Nagpout naman ako, baka lang naman kailangan ko lang ng assurance baka kasi masakit ulit ako sa kakaasa. Biro lang!

Tumawa lang siya sa akin at tinawag na niya yung waiter para kunin yung order namin.

Habang naghihintay kami ng order "Wow! What happened to my phone?" Napatingin ako sa kaniya at pinakita niya sa akin yung phone niya.

Tumawa lang kami sa kalokohan ko. "Hindi bale, cute naman nasa homescreen ko." Parang umakyat yata lahat ng dugo sa aking mukha. Kumindat pa ang loko. Sarap dukutin mata ni Tots, nakakaasar.

"Uy kilig siya! You're blushing!" Tinakpan ko yung aking mukha gamit ang aking kamay. Seryoso ba siya? Nakakainis naman mapapahiya ako nang wala sa oras.

"Magtigil ka nga diyan, Carlos." Inirapan ko siya at tinuon ang pansin sa cellphone ko.

Tumahimik muli yung table namin. Hanggang sa "Domingo" Tinawag niya ako at napatingin naman ako agad at may nagflash sa harap ko. Did she take a picture of me? Wow, galawan mo talaga, Carlos.

Bago pa man ako makabatok dumating na yung order namin. Pagkaalis ng waiter binato ko yung crumpled tissue sa kaniya.

Aakma pa sana siyang kausapin ako pero kumain na ako agad. Bahala siya diyan.

We Can Be A Thing. [TOLINE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon