Chapter 1: The story of my life

207 1 0
                                    

Chapter 1 : The Story of my life

Alexandra's Pov

"Anak sumama kana sa tita mo."

"Pero mama, pano po kayo?"

"Wag kang mag-alala , okay lang si mama. Sige na! Sumama kana."

"Pero ma--- ma dito nalang ako."

"Anak sige na. Kaylangan mong pumunta."

*Cringg* *Cringg* *Cringgg*

Nagising ako dahil sa alarm clock ko.

Ma? Miss na talaga kita. Alam ko na nandito kalang sa tabi ko. Sana okay ka kong nasaan ka. Mahal na mahal talaga kita.

Ramdam ko ang pagpatak ng luha ko.

*Crankkk*

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si ate Bethany.

"Hoyy! Sandra! Ano ba? Gutom na ako! May pasok pa ako. Tapos yung uniporme ko---ba't kagabi mo lang linabhan? Hindi tuloy na tuyo! Eh wala akong masusuot! Pina iinit mo talaga ulo ko! Kumilos kana nga!" aniya.

"Ahh-- sorry ate kasi--" hindi na tuloy yung sasabihin ko.

"Sumusobra kana talaga! Hindi mo ako ate! Naiintindihan mo!?"

"Ahh-- Opo-- Sorry po. Uhmm ako na po bahala sa uniporme mo, ibloblower ko na lang po. Tapos magluluto na rin ako."

"Sige na! Kilos! Ayaw kong malate!"

"Ahh Oo."

Tina-asan niya muna ako ng kilay--tsaka lumabas. Napa buntong hinga nalang ako at bumangon sa higaan.
Nagsipilyo muna ako bago lumabas.
Kinuha ko yung uniporme ni ate at saka blinower. Kumuha ako ng limang itlog at hotdog tapos ay nagsimula ng magluto.

Matapos kong magluto ay pinunta ko ang kwarto ni Tita Berna.

"Uhmm Tita! Tita Berna!"

"Ano ba! Ano yun!"

"Uhmm Tita handa na po ang agahan."

"Sige! Oo! Pupunta na ako."

"Opo"

Matapos ko dun ay dumiretso narin ako kay bethany.

"Uhmm Beth! Beth! Handa na po ang agahan at ang uniporme mo."

Bumukas ang pinto at lumabas dun si ate na may dalang selfie stick.

"Alam mo ba na nagseselfie ako ngayon kasi mag uupdate ako sa instagram ko? Alam mo bang hindi naging maganda ang kuha ng dahil sayo!! Bobo kaba? Kaylangan ko to! Mas importante to sakin kesa sayo!"

"Sorry--- pero handa na po talaga."

"Oo na! Pumunta ka na nga dun!"

"O--opo."

Tinaasan niya nanaman ako ng kilay tsaka padabog na sinara ang pinto.
Napailing ako tsaka pinihit ang daan papuntang kwarto. Pagkarating ko dun ay naligo ako. Pagkatapos kong maligo--lumabas ako at pumunta sa kusina. Pagkarating ko dun, nandoon na sila. Kumakain na si tita at si bethany naman ay walang humpay ang pagkukuha ng litrato sa kanyang pagkain.

"Uhmm-- Tita--- Kaylan po ang balik ni Papa?"

"Abay--bakit? Magsusumbong kananaman ng kung ano-ano? Ikaw na nga tong tinutulongan ikaw patong mag iimbento ng mga kwento!" sugaw niya.

My Knight In Shining ArmorWhere stories live. Discover now